Chapter 27: Prime Princess

Start from the beginning
                                    

                           "Lisa's POV"

Maaga kaming dinismiss sa klase namin ngayon. Hindi pumasok si Viana. Grabe! Isang araw pa lang ang napapasok niya. Makagraduate pa kaya yun? Kung sabagay, kakasimula pa lang naman ng klase.

Dahil gutom ako, nagdecide na akong dumaan muna sa isang restaurant. Kasama ko ang driver ko. Tinatamad na kasi akong magmaneho, kaya si kuyang driver na lang muna magmamaneho ng kotse ko.

Hindi naman siguro lingid sa kaalaman ninyo na mayayaman lahat nang mag aaral ng Hillston diba? Kaya nga, nagtaka pa ako nung una kung paano nakapasok ang kaibigan kong yun noon.

As for Viana, halatang may pera siya. Transferee from France nga diba?

Speaking of Viana, hindi pa ako nakakababa sa kotse ko nang bigla ko siyang makita. Nasa loob siya ng restaurant at siguradong may hinihintay.

Nang biglang isang babae ang lumapit at umupo sa harapan niya. Ang tindig ng babaeng yun! Parang siya yung nakita ko nung minsang mamasyal kami nina sweetheart, last time.

Biglang naging balisa si Viana at agad na lumabas sa restaurant. Sumunod naman agad ang babae sa kanya.

"Kuya, I changed my mind na pala. Pakisundan na lang po ang kotseng yun." - tinuro ko kay kuyang driver ang kotse na sinakyan nina Viana at nang babae.

Medyo pamilyar pa sakin ang dinadaanan namin hanggang sa nararamdaman kong unti unti na kaming lumalayo sa city.

Hindi na din nagiging pamilyar sakin ang bawat madaanan namin. Mas madalas ko na ngayong nakikita ang mga puno kesa sa mga bahay.

Biglang tumigil ang kotse nina Viana sa isang abandonadong lote.

"Kuya, dito lang po kayo. Hintayin ninyo po ako dito." - saad ko saka hinawakan ang pintuan para lumabas.

"Sigurado po kayo, Ma'am Lisa?." - may pag aalinlangang tanong niya.

Tumango lang ako saka lumabas.

Tumakbo sila papasok kaya tumakbo na rin ako. Mahirap na, baka hindi ko na sila masundan.

"Nooooo!" - isang sigaw ang nagpatigil sakin. Sinundan ko kung saan nanggagaling ang sigaw na yun hanggang sa mapadapo ang paningin ko sa taong nakaupo habang umiiyak at hawak hawak ang kamay ng isang babaeng....

Duguan?

'Teka! Si Viana yung sumigaw?.'

Ang ibig sabihin.......

Napako ako sa kinatatayuan ko nang bigla siyang tumingin sakin.

"Die idiots." - malamig na wika niya.

Nagulat ako nang bigla niyang itapat sa direksyon ko ang panang hindi ko alam kung saan niya nakuha.

Napapikit na lang ako.

Ito na ba yung katapusan ko?

Kung alam ko lang, hindi na lang sana ako sumunod.

'Eh?.'

Narinig ko na may tinamaan pero bakit parang wala naman akong naramdaman.

Dahan dahan kong minulat ang mata ko at muling nagtama ang paningin namin.

Tinaasan niya lang ako ng kilay.

Napalingon ako sa likod nang makarinig ako ng magkakasunod na sigaw. Doon ko lang napagtanto na hindi naman pala ako ang pinatamaan niya. Tumumba ang tatlong lalaki sa likod ko.

Naramdaman ko nang dahan dahang tumayo si Viana kaya nilingon ko siya.

May kinuha siya sa kanyang bulsa at pagtingin ko. Isang boomerang?

"Yuko." - madiing sambit niya pero nasa kung saan ang paningin.

Hindi agad ako tumalima pero nung makita ko ang hawak niya, dali dali akong yumuko habang nakapikit.

Kung tamaan man ako..... Wag naman sana!

Nakapikit pa rin ako pero ilang sandali lang ay nakarinig ako ng sunod sunod na mga sigaw. Hindi lang lima. Mahigit sa lima ang boses na naririnig ko.

Ibig sabihin, madami pala sila dito?

Ilang saglit lang ay wala na akong sigaw na naririnig. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at nagtama ang paningin namin ni......

"Prime Princess?." - halo halong emosyon ang nararamdaman ko. May tuwa, pananabik, at kung ano ano pa.

"Vria." - walang emosyong saad niya pero wala din namang galit na mababakas.

"You can talk later. Let's bring her to our hideout, first." - Viana.

Madami pa akong gustong itanong kay Viana pero mamaya na lang.

Matalim ang tinging ipinukol ni Viana sakin.

"Reserve your questions, later." - walang emosyong saad niya.

May tinawagan siya sa kanyang cellphone at ilang saglit lang ay may mga lalaki nang dumating. Ang iba ay binuhat ang babaeng duguan, samantalang ang iba ay niligpit ang katawan ng mga lalaki.

Sumenyas si Prime na lumabas kaya sumunod ako.

Marami pa kaming kailangan pag usapan at isa na doon ang tungkol sa totoong pagkatao ni Viana.

Malaki ang paniniwala kong meron siyang itinatago.

More like, she was just pretending.

A version 2.2 of Bridget.

**********

A/N:

Pasabog na naman! Hahaha.

Queen of Hell (COMPLETED!!!!)Where stories live. Discover now