Chapter 17: Death

699 31 3
                                    

"Akiro's POV"

Isang linggo na ang nakakalipas magmula nang makita ko si Allison. Isang linggo na rin ang nakakalipas magmula nang gabing iyon.

Nandito kami ngayon sa paaralan. Hindi na rin kasi siya pumapasok. Pero muling nagpaulit ulit sakin ang salitang hindi ko sigurado kung talaga bang sinabi niya.

'Please, wait for me.'

Talaga bang sinabi niya yun? Kaya ba wala siya dito? Kahit yung mga nerds, isang linggo na ring hindi pumapasok.

"Hindi ka ba niya kinontact?." - tanong ko kay Lisa at nagbabakasakaling magustuhan ko ang isasagot niya pero tanging iling lang ang naging sagot niya dahilan para manlumo ako ng tuluyan.

Hinihingal na lumapit samin ang isa sa mga kaklase namin. Agad siyang pumunta sa gitna.

"Guys, narinig niyo na ba ang balita?." - tanong nito.

Walang sumagot kaya hinintay namin ang kasunod niyang sasabihin.

"Two days from now. May laban daw na magaganap sa Underground Battle. Princess Rheia versus Queen Ace. Ang sabi pa, baka ito na daw ang huling laban ni Queen Ace dahil binantaan niya ito na tutuluyan daw niya ito."

Kanya kanya na ng komento ang karamihan sa mga kaklase namin. Marami kasi sa kanila ang nasa mafia organization din. Ang iba gangster. Ang iba naman ay assassin.

"Akala naman niya matatalo niya si Queen."

"Oo nga. Malakas yun. At siguradong siya ang tatapusin ni Queen.

"Wag niyo ngang minamaliit si Princess Rheia. Magkakamag anak sila. Yun nga lang wala pang nakakaalam nang mga katauhan nila."

Saglit akong natahimik dahil sa sinabi ng isang kaklase namin.

Magkamag anak sila? Kung ganun bakit gusto niyang patayin si Allison? Sino sa pamilya niya ang gustong mapabagsak siya?

Natapos ang araw na iyon na ganun pa rin ang usapan. Kahit sa bahay ay iyon lang ang tanging laman ng isip ko.

Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa paaralan.

"Bro, half day lang daw tayo ngayon." - gusto kong matuwa sa ibinalita ni Axel kaso may kulang.

At alam ko ang kulang na yun.

'Allison, My Queen. Kung saan ka man, sana okay at ligtas ka.'

Agad pumasok ang teacher namin at mabilis niyang sinimulan ang pagtuturo.

Lutang ako.

Siya lang kasi ang nasa isip ko at ang laban na magaganap sa kanila.

***

Nandito na kami ngayon sa Underground Battle. Ngayon na ang sinasabi ng Princess Rheia na yun. Kung sino man siya, malakas ang kutob ko na hindi maganda ang magiging resulta kung siya ang mananalo.

May tiwala ako kay Allison. Para saan pang siya ang tinaguriang Reyna kung matatalo din naman pala siya ng basta basta.

I believe in you, My Queen!

                       "Third Person's POV"

Napupuno ng mga tao ang Underground Battle. Lahat ay inaabangan ang magiging laban ni Princess Rheia at Queen Ace.

Abala ang lahat sa paghihintay sa paglabas ng dalawang taong maglalaban.

Hindi alam ng lahat na isang babae ang aliw na aliw sa panonood sa nagkakagulong mga tao. Sabik na sabik na sila sa labang magaganap, samantalang nakangisi naman ang babae na ngayon ay nasa pinakamataas na bahagi ng Underground Battle at masayang pinanonood sila.

Queen of Hell (COMPLETED!!!!)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora