Chapter 26: New Transferee

Start from the beginning
                                    

Hanggang sa sinehan ay natulala na lang ako. Kailangan kong malaman kung anong nangyari sa kanya. Sana siya talaga ang nakita ko. Sana totoong buhay si Prime.

******* END OF FLASHBACK *******

Hanggang ngayon napapaisip pa rin ako kung siya ba talaga ang nakita ko. Kung siya man yun, kailangan ko na siyang makausap dahil meron pa siyang grupo na naiwan. Kailangan niyang bumalik sa amin. Kailangan namin si Prime.

Nabalik lang ako sa ulirat nang biglang pumasok si Miss Rhian, ang advisor namin sa taong ito. May kasunod siyang isang nerd na babae. Nakayuko lang ito hanggang sa makarating sa gitna.

Ito ang unang klase namin sa hapon na ito.

"Good afternoon class. We have a transferee student here. She's a former student of Hayaah International School in France. She transferred here in Hillston Academy because she wants to experience a new atmosphere." - pipi ba yung babae? Bakit kailangan pang si Miss Rhian ang magpakilala sa kanya.

Nasagot ang tanong ko nang muling magsalita si Miss Rhian.

"If you are wondering why I'm the one who introduced her to you, it's because she's deaf. She can't hear nor speak." - napatango tango na lang kami habang yung babae ay nakatungo pa rin.

"Ma'am, ano nga pala ang pangalan niya?." - tanong ng isang kaklase namin na si Stevan.

"Everyone, this is Viana Gabrera." - matapos banggitin ni Miss ang kanyang pangalan ay sinenyasan niya itong maupo.

Nagpalinga linga naman agad si Viana at dahil ang katabing upuan ko na lang at sa likod ang bakante, sinenyasan ko siya kaya dali dali siyang lumapit.

"Your seats today will be your permanent seat, until this class year ends." - saad ni Miss Rhian samin.

"Hi! I'm Lisandra De Leon." - pagpapakilala ko nang makaupo siya sa tabi ko.

Agad namang lumapit ang tatlo sa amin.

"This is Rafael De Rimas." - pagpapakilala ko kay Rafael. Agad namang nilahad ni Raf ang kanyang kamay na tinanggap naman ni Viana.

"Axelis Kylester." - lumapit naman si Axel at kinuha ang kamay ni Viana sabay halik sa likurang bahagi nito dahilan para ikakislot ng katabi kong si Akiro na hindi ko naman alam ang dahilan.

"And this is Akiro Hillston." - pagkasabi ko nun ay parang nagreact ang katabi ko. Ako lang ba o ano? Parang narinig ko kasi siyang may ibinulong pero mukhang imposible naman ata yun, kasi nga hindi daw siya makapagsalita diba.

Nilahad ni Akiro ang kanyang kamay at sandali pa itong tinignan ni Viana habang nakayuko pa rin.

"Aren't you going to take my hand?." - kunot noong tanong ni Akiro habang isinisenyas na tanggapin ni Viana ang kanyang kamay pero parang wala man lang naririnig ang isa.

Kasi wala naman talaga siyang maririnig.

Narinig kong may ibinulong si Axel kay Akiro.

"Paano ka niya maririnig, e hindi nga siya nakakarinig diba?." - bulong ni Axel.

Wala namang reaksyon ang katabi ko, malamang hindi niya narinig yun. Bukod sa bulong lang yun ay hindi din siya nakakarinig.

Muling tinuon ni Akiro ang atensyon niya kay Viana. Sinenyasan niya akong lumapit kaya lumapit ako dahil may ibubulong daw siya.

"Can we change seats?." - kumunot ang noo ko sa bulong niya gayunpaman ay sinunod ko rin ito.

Nagpalit kami ng pwesto ni Akiro kaya siya na ngayon ang napapagitnaan namin ni Viana, samantalang nasa likod naman namin ang dalawa.

Queen of Hell (COMPLETED!!!!)Where stories live. Discover now