Ang sinungaling ay tinatamaan ng kidlat. 'yan ang sabi ng mga matatandang bulaan. In that case, dapat natamaan na sila ng kidlat, di'ba? But why do we lie ba? We tell lies to cover something. If we do not have something to cover up, we don't have to lie. Pinagtatakpan natin ang isang bagay na ayaw nating mabunyag. Kasi kapag nabunyag 'to, pwedeng may masaktan, pwedeng may mahirapan, pwedeng may magulo, pwedeng may maging kumplikado. Kung tatakluban natin 'to ng kasinungalingan, we may still live in the simplest way and order that we can. But the risk of telling lies? Kapag nalaman ang totoo, we will surely end up to something more complicated.
"Hello? Simon? Ano? Tara na?" pangangalok sakin ni Riz sa kabilang tawag.
"Bes, it's Simone, not Simon. May E sa huli," pangco-correct ko sa pagbigkas niya sa pangalan ko.
"Ang arte naman nito," sagot niya. "Tara na kasi."
"Riz, kahit lumuha ka pa d'yan ng dugo," saad ko habang pinapatay ang ilaw sa kusina, "hindi ako makakapunta. Wala na akong masasakyan papunta d'yan."
"Bus," mabilis niyang sagot.
Pumunta ako sa kwarto ko. "Punuan ngayon, mahirap makasakay. Holiday." Kahit tumatanggi sa alok niya ay lihim akong naghahanap ng maisusuot para sa gabing ito.
"Weah? Baka naman hindi ka pinayagan ng mama mo? Bes naman, graduate na tayo ng college. May trabaho ka na rin. Hanggang ngayon ba naman, high school pa rin ang turing sa'yo?"
Nakita ko ang itim na longsleeves kong damit. Kinuha ko ito. "Pumayag naman si mama. Kaya lang ay wala talaga akong masasakyan."
"Sus. Ganyan ka naman. Minsan na nga lang magkita-kita e," reklamo ni Riz.
"Naku, nagdrama pa," tugon ko sa pagmamaktol niya. Kumuha naman ako ng shorts na isusuot para ngayon. "Sige na, susubukan ko kung may masasakyan ako."
"Yehey!" Naiimagine ko ang mukha ni Riz ngayon habang natutuwa na parang bata.
"Siya na, ba-bye na." Nagpaalam na rin siya at pinatay ko na ang tawag.
Tiningnan ko ang wall clock ko sa kwarto. Pasado alas-otso na ng gabi. Kung bakit naman kasi hindi kaagad nagsasabi 'tong mga 'to na may lakad, e. Ito namang si Riz, ang daming arte. Isang kalabit lang naman niya kay Byron ay pwedeng-pwede ako no'ng sunduin dito sa bahay. Para saan pa at may sarili siyang kotse, di'ba?
Naghilamos ako sa banyo at nagpalit ng damit na panglakwatsa ko ngayong gabi. Pagkatapos ay nag-chat ako kay Riz at nagsinungaling na wala akong masakyan. Baka kasi sakaling maisipan niyang humingi ng tulong kay kapitan Byron at sunduin ako rito sa bahay gamit ang kanyang helicopter.
Holiday kasi bukas. At kapag holiday, natural lang na mag-uwian galing Maynila ang mga tao. With that, mahihirapan akong makasakay mula sa aming bahay papunta sa bayan ng aming humble town. Wala naman nang mga tricycle at jeep kasi gabi na. Gano'n talaga rito sa probinsya. Hindi 24 hours ang byahe ng jeep. Ala-siete pa lang ng gabi, nagsasara na ang mga bilihan at halos patulog na ang mga tao.
"Papunta na kami. Humanda ka, isang batalyon ang sundo mo," malakas kong basa sa chat ni Odette. Hindi lang kasi si Riz ang nag-chat sa akin, kundi halos lahat yata ng kasama sa night-out naming ito.
Mabilis akong naglagay ng cheek tint sa pisngi. Isinuot ko ang bag ko pati na rin ang sumbrero kong kukumpleto sa simple at chill kong outfit for tonight. Matapos ang huling sulyap sa salamin ay nagpaalam na ako kay mama.
"Saan ka sasakay?" pigil niya sakin.
"Susunduin po ako."
"Ng?"
YOU ARE READING
Try Lang
RomanceWalang problema sanang umuwi si Simone galing High School Get Together nila kung hindi lang siya napahamak sa pagsisinungaling niya. Ngayon tuloy ay kailangan niyang harapin ang consequences ng pagsisinungaling niyang ito. But as the days go by, mu...
