"Masyadong kumplikado ang mga nangyari sayo 8 years ago," sambit ni Marco sa akin.

"Ano ngang nangyari? Ipaalala niyo sa akin lahat ngayon," pamimilit ko sa kanila.

"Sabihin niyo na lahat ngayon para isahang sakit nalang," seryosong sambit ni Fernando sa kanila.

"Nagkaroon ng conflict sa inyo ni Gianna dahil kay Celine," sambit ni Marco.

"Si Celine na naman," galit na sambit ko.

"Gianna is pregnant that time," sambit ni Marco sa amin.

"Wait? What?" gulat na tanong ni Angelo sa kanya.

"Para sa kaalaman ng lahat buntis si Gianna that time pero hindi nakita sa autopsy niya yung bata," seryosong sambit ni Marco sa akin.

"Paano mo nalaman yan Marco? tanong sa kanya muli ni Angelo.

"Oo nga! Paano mo nalaman eeh wala naman nabanggit na buntis siya sa police report," naguguluhang tanong nila Fernando at Franco sa kanya.

"Hindi ko alam kung tadhana ba 'to o coincidence kasi yung Doctor na nag aalaga kay Gianna ay nobya ko ngayon," sambit niya sa kanila.

"Paano naman nakakasiguro ang girlfriend mo na si Gianna yun?" nagtatakang tanong ni Angelo sa kanya.

"Naging mag kaibigan sila for a short period of time. Aligaga at takot daw si Gianna ng mga panahon na pumunta siya sa hospital. Nag pacheck-up daw siya sa isang hospital na lagi niyong pinupuntahan ni Gianna and it turns out na may maling nangyayari kaya sinubukan ni Gianna na mag hanap ng ibang ospital para mag pasecond opinion and She's pregnant," seryosong sambit ni Marco sa amin.

"Anong ginawa ko nung mga panahon na yun? Bakit hindi ko alam na buntis siya?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Niloko ka ni Celine pinaniwala ka niya na buntis siya at dinadala mo ang anak niya ngunit wala palang bata sa sinapupunan niya. Ngayon ko lang din nalaman na buntis pala si Gianna ng mga panahon yun," malungkot na sambit ni Fernando sa akin.

"Naaalala ko yung panahon na nag-uusap usap kayo sa bar tapos sobrang problemado ka ito na pala ang sagot. Sinabi ko na sayo nung mga panahon na yun na wag mong iiwan ang asawa mo ngunit mas pinili mo si Celine dahil sa buong pagkakaalam mo ay siya ang magdadala ng anak sayo," galit na sambit ni Andrea sa akin.

"Alam mo din 'to?" tanong ko kay Andrea.

"Nandoon ako ng mga panahon na sobra ka ng na-dedepress sa sitwasyon mo kaya sinubukan kitang bigyan ng payo pero hindi ka nakinig sa amin," seryosong sambit ni Andrea.

"Sila Manang Pasing ang patunay kung gaano ka kagago noon! Alam nila kung paano nag sakripisyo si Gianna sa inyo ni Celine," seryosong sambit ni Fernando sa akin.

"Habang kasama mo sa bahay ang asawa mo ay pinatira mo dito ang kabit mo. Sobrang galit na galit ako sayo noon kasi hindi ka man lang nahiya kay Gianna at pinatira mo pa talaga ang kabit mo dito," galit na sambit ni Emily sa akin.

"Sinong kabit ko? Si Celine?" nagtatakang tanong ko sa kanila.

"Sino pa ba?" galit na sambit ni Emily sa akin.

"Ano pang nangyari? Ano pang kagaguhan na ginawa ko kay Gianna?" tanong ko sa kanila.

"Nung araw na namatay si Gianna ang kasama mo sa kwarto ay si Celine. Ang sabi ng mga pulis may naiwang kandila na bukas sa kwarto ni Gianna kaya nasunog ito," sambit ni Henry.

Nakakapanlumo ang mga narinig ko sa kanila. Ako pala ang pumatay sa mismong asawa ko.

"Gusto kong makita si Gianna! Paano ko siya makikita?" tanong ko sa kanila.

"Masyado ng gabi para pumunta pa tayo kung nasaan siya. Bukas na bukas sasamahan ka namin sa puntod niya para makita mo siya," sambit ni Fernando sa akin.

"Hindi. Wag na. Ibigay niyo nalang sa akin kung saan ang puntod niya at ako nalang ang pupunta doon mag isa," sambit ko sa kanila.

Kinuha ko ang isa pang bote ng alak at nilagyan ko sila ng alak sa mga baso nila. Itinaas ko ang baso ko na may lamang alak at mangiyak-ngiyak akong nakipag toss sa kanilang lima.

"Para sa napaka bobong asawa at mamamatay tao na si Lucio Iglesias! Cheers everyone!" sambit ko sa kanilang lahat sabay iyak ng malakas.

Ininom ko ng isang tunggaan ang alak na nakalagay sa baso ko sabay hagis nito sa dingding. Sumabog ang mga bubog nito sa akin kaya nagkaroon ako ng galos sa mukha ko.

"Ang bobo mo Lucio! Sobrang bobo mo!" galit na sambit ko habang sinasapak ang sarili ko.

Agad akong tinakbo nila Fernando at pinigilan sa ginagawa ko.

"Lucio! Tumigil ka sa ginagawa mo!" galit na sambit ni Fernando habang pinipigilan ako sa ginagawa ko.

"Itago niyo muna ang mga bata sa kwarto nila Manang para hindi nila makita ang nangyayari ngayon," sambit ni Franco kay Marian.

Agad namang umalis ang mga babae sa sala upang itago ang mga bata. Nag ngingitngit ako sa galit dahil sa mga narinig ko sobrang nakakapanlumo dahil isa ako sa dahilan kung bakit namatay ang asawa ko.

Iyak ako ng iyak habang sinasaktan ang sarili ko ng biglang tinawag ni Angelo si Manang.

"Manang!" sigaw ni Angelo kay Manang.

Agad na lumapit si Manang kay Angelo at may kinuha siya sa silid ko.

"Tumigil kana sa ginagawa mo Lucio! Hindi mo na mababalik ang nakaraan," sambit ni Marco sa akin.

"Bakit ba lagi akong nag papauto kay Celine! Bakit ba lagi nalang ako ganito!" galit na sambit ko sa kanila.

"Manang! Akin na yung pampakalma niya!" sigaw ni Angelo kay Manang habang patakbong papalapit si Manang sa amin.

Agad na kinuha ni Angelo ang injection kay Manang at pinahawak ako ng mahigpit kila Franco at Fernando ng bigla niya itong itinurok sa braso ko.

"Ano yang ginawa mo Angelo?" sambit ko habang papapikit ang mata ko.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari ng mga gabi na ito. Basta ang maliwanag lang sa isipan ko bago ako mawalan ng malay ay isa ako sa dahilan kung bakit namatay ang asawa ko.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEWhere stories live. Discover now