Hindi mapiglang sumiksik ni Olivia kay Umi, nang mapansin nyang kalahati lang ang katawan ng mga ito. “Mga manananggal sila,” paliwanag ni Umi. “Kagaya ng mga tao, may mabubuti rin sa kanilang lahi.” Pinili raw ng magkapatid na iyon na huwag mambiktima ng mga tao. “Kumakain lamang sila ng mga hayop.”

Napasinghap si Olivia nang makita ang sa tingin nya’y daan- daang mga alitaptap na nagmistulang bituin, na umaaligid sa mga puno, bato at bulaklak. Parang nagkakasiyahan ang mga ito at nagsasayawan sa ilalim ng maliwanag na buwan.

Pangatlong gabi na silang magkasama ni Ate Umi. Susunduin sya nito sa kwarto nya tuwing gabi at mamamasyal sila sa iba’t- ibang lugar sakay ng mahiwagang dahon ng gabi.

Tiwala si Olivia sa kaibigan at hindi sya nagtatanong kung saan sya nito dadalhin. Hindi rin nya ito tinatanong kung sino o ano ba talaga ito.

“Ang ganda, Ate Umi!” Bulalas ni Olivia. Makapigil- hininga ang kariktan nito nang makita ang mga mumunting ilaw mula sa itaas at lalong hindi nya maisalarawan nang mapagmasdan ito sa mas malapitan.

Ilan sa mga alitaptap ay pumalibot kay Umi, na tila nagbibigay pugay sa pagdating ng magandang babae.

Olivia was in awe of her friend’s beauty. She was more breathtaking than the magnificence around her.

Ate Umi told her that fireflies were bio indicators of a healthy ecosystem. “Sensitibo sila sa polusyon o kahit anong pagbabago sa kanilang kapaligiran. Isang magandang senyales na makita sila sa isang lugar.”

Sapat na ang liwanag ng buwan at mga alitaptap para magsilbing ilaw nila ni Umi, na noo’y inilatag ang dalang banig mula sa farm.

May dala silang basket ng mga pagkain at inumin, na Lola nya mismo ang naghanda. Pumuwesto sila malapit sa lawa at napapalibutan sila ng mga makukulay na bulaklak.

Tanaw mula roon ang mga punong may mala-kurtina sa habang mga dahon, na ayun kay Umi ay mga Willow trees.

Umi encouraged Olivia to bathe in the lake. She stripped off her windbreaker, shorts, socks and shoes then gleefully plunged with her underwear and shirt. Ate Umi promised to dry them later. Olivia thought the water would be cold but it was surprisingly warm. Though she was a good swimmer, she stayed on the shallow part of the lake where Umi could see her from the bank.

The large taro leaf was drifting along side Olivia, ready to rescue her if needed be. Umi refused to join her and contented herself reading Midsummer Nights Dream.

Olivia closed her eyes and let her body glide on the surface. The gentle splash of the water and the sound of the crickets were melody to her ears. She inhaled deeply drinking in the fresh air.

When she opened her eyes, several shooting stars crossed the sky. Olivia immediately made a wish that she could be with Umi forever. That they would go to beautiful places or just talk endlessly while munching her Lola’s grapes.

“The stars bring good luck but they can’t grant wishes.” Olivia was surprised when a woman’s voice she’s not familiar with spoke.

Olivia suddenly stood and found herself on the part a lake where the water was chest deep. A thin mist was surrounding her making impossible for her to see the water bank or Umi.

“I am not going to hurt you,” the woman said.

Doon na napansin si Olivia ang isang magandang babaing may mahabang buhok na nakatirintas. Nakaupo ito sa gilid ng mahiwagang dahon. Nakasawsaw ang mga paa nito sa tubig habang nakatukod ang dalawang siko nito sa mga tuhod at nakapangalumbaba. Nakangiti ang mga mapupula nitong labi at nakatuon ang kulay berde nitong mga mata sa kanya.

Watermelon DreamsWhere stories live. Discover now