"Kailan kaya tayo mananalo against, Mommy and Scott?" buntong-hininga kong tanong kay Dad.

Sumandal ako sa kotse at ganun din si Dad. Ngumiti na lamang ito sa akin.

"Hindi kailanman nananalo ang hindi patas maglaro, Anak." nakangiti nitong sabi. Sarkastiko akong natawa. How? Laganap na 'yan.

Ngumiwi ako at sinipa ang batong nasa harap ko lang. "Anong ibig mong sabihin dad? Hindi fair maglaro si Mom?" irita kong tanong.

"Kitams mo naman, Anak nauna tayo hindi ba? yun ang akala natin. Lagi na lang madumi ang laro natin pero hindi tayo nananalo against your Mom and Scott. Kaya if you're not playing fair, you'll not win."

"Duh daddy, eh sa husgado nga kahit wala ka namang kasalanan, makukulong ka pa rin. Kaya kahit malinis kang maglaro, kung gahid ang kalaban mo at lamang ito sayo, walang patas." laban ko naman dito.

Maraming nananalo ngunit sa maling paraan.

"Tumpak ka dyan anak." nagtatakang tumingin ako kay Dad matapos itong sumigaw at pumalakpak pa. "Its not fair at all. Kitams mo diba? ano nga bang laban natin sa Mommy mo eh racer nga yun dati" tanong ni Dad kaya tumango ako dito.

"O tapos?"

"Hindi mo parin gets? Nubayan anak." kamot-ulong naiinis si Dad.

Napanguso na lang ako. "Eh kasi kung sinasabi mo agad Dad?"

"Ganito yan. Paano tayo mananalo kung mas lamang ang kakayahan at lakas ng mommy mo?"

"Wag natin lagyan ng gasoline ang kotse ni Mommy?" 'Ay ang tanga mo Alana.'

Agad ako nitong binatukan. "Engot ka pala. Kakalabanin natin ito base sa kahinaan niya. Tulad ng. . ." pabitin pa si Daddy eh. Para akong tanga na hinihintay na magsalita ito. "Bike racing." nanlaki ang mata ko at dahan-dahang ngumiti. Palibahasa'y mabilis bumigay ang binti ni Mom sa bike racing.

"I like the idea, Dad." nakangiti kong sabi. "Pero paano yan? edi tayo na ang hindi patas?" reklamo ko.

"Anak ka ng patatas, anak ko oh."

Tama naman ako ha, parang kanina lang sinasabi ni Dad na hindi ka mananalo kung hindi ka patas maglaro tapos ngayon heto siya't sinasabing kalabanin ang kalaban base sa kahinaan.

"Tss."

"Your Mom plays fair it's just that we're not racer like her. Kung gusto mo manalo, kalabanin mo ito base sa kahinaan niya. Kailangan mong maging matalino kung gusto mong manalo. Pero wag na wag kang gaganti anak sa kahit anong paraan."

What? "Why dad?" kunot-noong tanong ko dito.

"Anak people are not fair. Fate will be your game, People will throw stones at you at kahit apihin ka ng mga tao, ang magandang gawin ay ang ngumiti ka na lang." Sabi nito habang nakatanaw lang malayo.

'Ok?'

Parang ang hirap namang ngumiti kahit inaapi ka na. Kahit nahihirapan ka na.

"Bakit nga kasi dad?"

"Because karma is on its way." sabay ngisi ng malademonyo.

Wala naman akong nakuhang matinong sagot kay Dad eh. Hindi ba pwedeng direkta niyang sabihin? Daming liko eh. Hindi ko naman maintindihan ang nais na sabihin nito sa akin. Alam ko talagang may gusto syang ipaintindi sa akin pero hindi niya maidirekta ito.

"You'll understand it soon, Anak." sabay gulo nito saking buhok. Tumalikod na ako pero muling nagsalita si Dad. "How can we play fair? Some wins by showing their ability to perform, Some plays and wins because of fortunes, Some usually wins by playing dishonest dirty ways. But come to think of it, that not all winners deserves to win and worthy at all." Napangiti si Dad sa huling sinabi, maging ako.

Love in a GameWhere stories live. Discover now