Ilang segundo pa bago niya idinilat ang mga mata niya. "I was bored."

Napakunot ang noo ko pero unti-unti akong tumawa nang sarkastiko. "You were bored that's why you framed me? Nakakatuwa ba 'yon, Tyler?" may inis na sa boses ko.

"I think so. Nakita ko ang frustration sa mukha mo kahapon."

Natigilan ako at mataman siyang tinignan. "Why are you doing this to me?"

"I did that for fun. Did I offend you? If that's the case, I'm sorry," aniya kaya mas lalong hindi ako makapaniwala sa kanya.

Is he even real? Parang wala lang sa kanya ang sinasabi niya.

"Napagbintangan akong magnanakaw, Tyler!" sigaw ko.

"I said sorry! Hindi ba sapat 'yan?!" sigaw niya kaya nagulat ako at napaatras.

"I-ikaw pa ang galit?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Anong sinabi mo sa Dean? Ikaw ba talaga ang nagnakaw?"

Bumuntong-hininga siya at mataman akong tinignan. "Selene, look. Sinira ko ang CCTV bago pumasok sa Dean's Office. She was not there so I stole the necklace and asked someone to put it in your bag. Pinaliwanag ko na sa Dean 'yung ginawa ko, pwede ka na bang umalis?"

I cleared my throat. "Really? Then I'm sorry. I'm sorry because you ate something you shouldn't eat. Iyon ba ang dahilan kaya gumanti ka sa'kin? Kung alam ko lang, hindi na sana kita dinala sa clinic at hindi ko na sana iniwan ang bag ko," seryosong sambit ko.

"Selene, let's go." Napatingin ako kay Chance at hindi na ako nakapalag nang hinawakan niya ang kamay ko at inilabas sa bahay ni Tyler.

Sarkastiko akong tumawa nang mahina at natulala nang nasa labas na kami. "Pinagtripan niya ako tapos sorry lang?" tanong ko.

"Pwede bang 'wag mo na siyang lapitan? You better stay away from him," aniya.

"Pero bakit niya 'yon ginawa? Parang hindi lang dahil bored siya. Pakiramdam ko may iba pang dahilan," sambit ko.

He took a deep breath. Muli na niyang hinawakan ang kamay ko at umuwi sa bahay.

Kinabukasan nang pumasok kami ay pinagtitinginan ako ng mga studyante. Wala naman akong pakialam sa kanila. Wala akong ginawang masama at bahala na sila sa kung anong iisipin nila sa akin. Wala naman silang ambag sa buhay ko kaya hindi ko na sila pag-aaksayahan ng oras.

"Sure kang okay ka lang?" tanong ni Chance nang nasa tapat na kami ng room ko.

"Oo naman pre. Sige na, pasok ka na panget mo," sabi ko kaya mahina niyang pinitik ang noo ko.

Pag-alis niya ay umupo na ako. Lahat ay iniiwasan ako maliban sa isang taong kakapasok lang. Umupo siya sa tabi ko at ngumiti.

"Are you okay, Selene?" tanong ni Haven.

"Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging okay?" nakangiting sabi ko kaya mas lumawak ang ngiti niya.

"Everyone's talking about you yesterday. Nakakainis nga, e. Wala naman silang proof na ginawa mo talaga 'yon. Just don't mind them, okay?" aniya kaya nakangiti akong tumango.

"By the way, sure akong ininvite ka ni Travis dahil birthday ni Lauren bukas. Punta ka ha?" nakangiting sabi ko.

"Sure." She smiled even more.

"Ang ganda mo talaga. Gwapo si Travis pero hindi mo deserve ang kagaya niya." Umiling-iling ako at bumuntong-hininga.

Mahina siyang tumawa at napaka hinhin no'n. "Ano ka ba, nagbabago na ang pinsan mo. He's really caring and he's doing everything to be a better version of himself."

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon