Chapter 03

21 3 0
                                    

"Tara na."

Hinablot ko pabalik sa akin ang bag kong kinuha ni Merrfis. Asar naman siyang bumaling sa akin at agad akong pinandilatan ng mga mata.

"Dadaan ako sa bahay niyo, kaya sumabay ka na."

"Ayoko. Hindi pa ako uuwi." ngumuso pa ako at umatras.

Kami nalang dalawa ang naiwan dito sa room. Kanina pa kami dinismiss nang bigla nalang pumasok dito ang pinsan ko at yayain akong sabay na daw kami.  Nalinis na rin ang buong silid namin. Pero ayaw ko pa talagang umuwi. Hindi ko pa feel.

"Saan ka? Sasamahan kita."

"Hindi na. Diyan lang naman ako sa sports complex," tukoy ko sa malawak na sports field na nasa mismong tabi lang nitong school.

"You're going to run? Na naka palda?" masungit na naman niyang sabi.

I smirked and showed him what's inside my bag.
"Wais."

"Sasamahan na kita halika ka na." hindi na ako naka-angal nang hilain niya ako palabas ng room namin.

Alam ko naman minsan nao-over-an sa pagiging protective itong pinsan ko pero minsan rin talaga ay hindi ko siya maintindihan.

Nang makalabas kami ng room ay hindi namin inaasahan pareho na madadatnan namin si Ragnar sa may hagdan. Nakasandal ito sa railings habang nakayuko pero nang maramdaman kami'y agad rin siyang nag-angat mg tingin.

"Hey... Akala ko hinatid mo si Gisselle, Merrfis?" salubong agad nito.

"Nagsabay na sila ng kambal niya. Ano naman ngayon sa 'yo Glenn?" seryoso namang sagot ng pinsan ko.

Agad nangunot ang noo ko. Last week pa sila ganyan ah? Simula nong tumakas kami ni Rag dito sa school at muntikan silang mag-away sa harap ng room. Hindi ko rin naman maisip na may away nga sila kasi palagi parin naman silang magkasama.

Nagkibit balikat nalang ako at parehas silang nilagpasan. Bahala nga sila diyan. Basta ako, gusto kong tumakbo ngayon. Kung mag-aaway sila diyan wala na akong pake-alam.

Mabilis akong bumaba sa hagdanan nang matunugan ko ang pagsunod sa akin ng pinsan ko. Huminto naman ako saglit at nilingon ang likuran niya.  Nakasunod sa kanya si Ragnar.

"Umuwi ka na nga, Merrfis!" sigaw ko.

Gulat naman ang itsura niya at mabilisang lumapit sa akin.

"Ano? Nakita mo lang yang si Glenn, pinapauna mo na ako?!"

Ngumiwi ako. "Ano?" tinignan ko ang likuran niya. Naabutan ko namang masamang nakatitig si Ragnar sa likod ng pinsan ko.  "Ikaw rin Ragnar, umuwi ka na!"

"Umuwi ka na, Glenn." si Merrfis.

Ngumuso ako masama siyang tinignan. "Hindi. Kayong dalawa ang umuwi."

"Azi..." nagtitimpi na ang boses ng pinsan ko.

"Ewan ko sa inyo!" mabilis ko na silang tinalikuran.

Ano bang problema ng dalawang yon? Pati iyong si Ragnar? Ni hindi man nga lang siya nagsasalita bukod sa mga masasamang titig na binibigay niya kay Merrfis? Minsan hindi ko alam kung magkaaway ba sila o magkaibigan eh.

Nakarating ako sa track and field na nasa loob mismo ng sports complex sa tabi ng school. Wala gaanong tao dito dahil hapon na nga. Binagsak ko ang bag ko sa field. Agad akong umupo para halughugin iyon. Kinuha ko ang
mga gamit ko na susuotin ko sa pagtakbo bago tinalikuran ang dalawang parang timang na nasa tabi ko na pala. Hindi sila nagkikibuan. Seryoso? Pero kapag nandiyan naman si Niki at Earl parang normal lang sila na magt-tropa ah? May lihim ba silang sama ng loob sa isa't isa?

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Mar 01, 2022 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Run Along The Boulevard (Boulevard series#1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora