KABANATA XIX

Mulai dari awal
                                    

Lumingon ako sa paligid at hindi ko makita si Henry kaya tinanong ko ito sa kanila.

"Asan si Congressman?" tanong ko sa kanila.

"Congressman?" nagtatakang tanong ni Franco sa akin.

"Si Henry asaan? pinapapunta ko yung ugok na yun dito dahil marami akong itatanong sa kanya," sambit ko sa kanila.

"Aah si Mayor? Hindi na siya congressman ngayon Bro! Mayor na siya at dahil yun sayo," sambit nila sa akin.

"Dahil sa akin?" nagtatakang tanong ko sa kanila.

"Oo dahil sayo!" nakangiting sambit nila sa akin.

Habang hinahanap ko si Henry ay biglang may bumusina sa labas ng bahay ko.

"Speaking of the devil," sambit ni Franco.

Tumayo ako sa upuan ko at kumuha ako ng mga baso sa loob ng kusina.

Paglabas ko sa kusina para kumuha ng baso ay nakita ko si Henry na may dala-dalang mga bote ng alak.

"Henry!" sigaw ko sa kanya.

Binaba agad ni Henry ang hawak niyang mga alak at lumapit agad sa akin. Niyakap ako ng mahigpit ni Henry yung tipong hindi na ako makakahinga pang muli dahil sa sobrang higpit.

"Mayor kana pala ngayon Henry," nakangiting sambit ko sa kanya.

"10 years na akong Mayor, Lucio at dahil yun sayo," nakangiting sambit niya sa akin.

"Bakit ako? Anong ginawa ko bakit naging Mayor ka?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Dahil sa mga sponsors mo sa candidacy ko kaya nanalo ako bilang Mayor ng QC," nakangiting sambit niya sa akin.

"Aah... Anyway, May itatanong ako sayo," sabi ko kay Henry.

"Ano yun?" tanong niya sa akin.

"Saglit." tugon ko sa kanya.

Umalis ako sa sala at umakyat ako sa kwarto ko para kunin ang dokumento ko sa kwarto ko. Madali akong bumaba sa hagdan para ipakita ito sa kanya.

"Ito tingnan mo." sambit ko sa kanya.

Binuksan ni Henry ang envelope at inilabas ang folder na may lamang dokumento sa loob. Ngumiti siya sa akin bigla at tinawag ang dalawa kong pinsan.

"Gusto niyo ba malaman ang history nitong dokumento na ito?" tanong niya sa aming tatlo.

Tumango naman kaming tatlo at sobrang sabik na malaman ang kwento sa likod ng dokumento na pinakita ko sa kanya.

"Itong marriage contract nyo ni Gianna. Legit ito!" nakangiting sambit niya sa akin. , "So ito na nga yung kwento. Isang gabi sa kalagitnaan ng tulog ko ay biglang tumawag itong lasinggero na ito na si Marco. Magpapakasal daw siya ngayong araw! Biruin mo nasa kasarapan ako ng tulog ko tapos may kupal na tatawag sayo para magpakasal? So ako naman hindi ako pumayag noon dahil nga gabi na at baka lasing lang ito pero nag pumilit siya at binalaan pa akong tatanggalin niya lahat ng sponsorship niya sa akin sa pagka Mayor kung hindi ko siya ikakasal sa araw na yun. Wala na akong magawa kung hindi pumayag sa gusto niya kaya kahit na ala-una na ng umaga ay kinasal ko siya sa isang napaka gandang babae na nag ngangalang Gianna. Pareho silang lasing ng mga araw na ito kaya siguro wala ring palag yung babae sa kanya kung hindi ay Umoo nalang sa tarantadong ito. Sa araw na yun ay kinasal silang dalawa at pagkatapos ng kasal nilang dalawa ay umalis na sila agad sa bahay ko para daw mag honeymoon. Hindi ko alam kung anong mga pinaggagawa nilang dalawa basta ang alam ko lang pareho silang baliw!" natatawang kwento ni Henry sa amin.

Nagblush ako sa kwento niya kahit na hindi ko alam kung totoo ba ang nangyari o gawa-gawa niya lang yun.

"Ano kayang pumasok sa utak ko nung panahon na yun bakit ko siya pinakasalan?" natatawang sambit ko.

"Malay namin! Pero kahit pa nakakatawa yung kasal niyong dalawa ay sobra mo naman siyang minahal," nakangiting sambit ni Franco sa akin.

"Hindi lang sobrang mahal. Mahal na mahal mo pa." sambit ni Fernando sa akin.

Napapangiti ako sa mga sinasabi nila sa akin parang napi-picture out ko yung mga sinasabi nila sa akin tapos bigla kong singit.

"Kanina pala pumunta ako sa mall ng hindi ko maintindihan tapos nakakita ako ng asul na rosas doon hindi ko alam bakit nakatitig ako dito tapos sobrang gandang-ganda ako tapos may babae akong nakita. Ang ganda niya grabe tapos kulot ang buhok niya na nakasumbrero ng malaki," lahad ko sa kanila.

"Anong itsura?' nakangiting sambit ni Franco.

"Maganda siya pero hindi ko maalala yung mukha niya pero ang maganda dito kapangalan niya yung asawa ko," nakangiti kong sambit.

"Kapangalan ni Gianna?" nagtatakang tanong ni Fernando.

Habang ang uusap-usap kaming apat ay dumating na din sila Emily at ang kambal kong si Angelo kasama ni Marco na kaibigan din namin.

Tumakbo papalapit sa akin si Jacob para yakapin ako.

"Tito!" sigaw ni Jacob sabay yakap sa akin.

Niyakap ko din ng mahigpit si Jacob at pagkatapos ay binitawan ko na siya at bumalik na ako sa pakikipag kwentuhan sa mga pinsan ko.

"Asan na nga tayo?" tanong ko sa kanila.

"Doon na tayo sa kapangalan ng asawa mo, Si Gianna," sambit ni Henry sa akin.

"Ayy oo kapangalan niya si Gianna tapos nung naalala ko yung pangalang Gianna tumingin muli ako sa pwesto nung babae tapos wala na siya," kwento ko muli sa kanya.

"Anong pinag-uusapan niyo?" biglang tanong ni Angelo sa amin.

"May nakilala daw na Gianna si Lucio kanina sa mall," sambit ni Henry sa kanya.

"Gianna? As in Gianna?" gulat na tanong ni Angelo.

"Oo nga! Paulit-ulit?" natatawang tanong ni Franco sa kanya.

"Aaah si Gianna. Ooh pagkatapos niyong magkita nag usap kayo?" tanong ni Angelo sa akin.

"Hindi masyado mabilis kasi yung nangyari eeh," sambit ko sa kanya.

"Anong itsura? Naaalala mo ba?" tanong niya muli sa akin.

"Bakit ba ang dami mong tanong? Hindi ko maalala yung mukha niya pero maganda siya," iritableng tugon ko kay Angelo.

Habang nag uusap kami nila Angelo ay napakuha  nalang siya ng wine at nilagyan ang glass ng puno sabay ininom ito na parang tubig.

"Uhaw na uhaw ka ba?" nagtatakang tanong namin sa kanya.

"Medyo." nakangiting sambit niya sa amin.

Tumayo si Fernando sa kinauupuan niya at kumuha ng kanyang baso para lagyan ng wine pagkatapos ay binigyan din kami ng tig-iisa naming baso.

"Cheers!" nakangiting sambit ni Fernando sa amin habang nakataas ang baso niya.

Itinaas din namin ang aming mga baso namin na may lamang wine at sabay-sabay na sumigaw ng

"Cheers!"

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang