"I was standby here within hours. Wala na sila kuya e, mukhang nakatakas na. Tsaka madami kang pasa at sugat kanina, ginamot ko. Wala kang kamalayan sa nangyari."

"O? Pake ko? Nasa'n yung kuya mo? Are you siblings? Medyo magkahawig kayo e." kumunot ang noo ko dahil hindi ako naniniwala na magkapatid sila.

"Nakalayo na yon. Pinabayaan ka nga e. Ginapos lang kita kasi natatakot ako na makatakas ka at balikan ka nila uli."

"Anong pangalan mo? Course? Age? Maski anong personal info mo."

"Wala akong sasabihin maski ano. Magpasalamat kana lang. Mabuti nga't nakita pa kita rito kundi matagal ka nang nacomatose."

"Sorry ha? Hindi ako nagpapasalamat sa taong muntikan na akong ipapatay. Pinapasalamat ko yung naging buhay ako. Hindi ako pinabayaan ni God. Ano kita, hero? Lul! Hindi ako naniniwala sa mga hero-hero na ganyan."

"By simply saying thanks, wala kang masabi? By the way, my name is Chase Nickey. Sumali rin ako sa fraternity, kaso hindi kami magkasama ni kuya sa iisang grupo."

"Masama rin ba ugali mo kagaya ni Donny? Feeling badboy e 'no? Takot naman sa Diyos. Maiba nga usapan, pakawalan mo ako rito para makilala kita. Chinito ka tsaka gwapo, kaya okay na okay kung pakawalan mo ako rito tapos paguusapan natin yung tungkol sa 'yo."

Tinanggal niya yung nakapulupot na tali sa kamay at paa ko.

"Salamat." maigsi kong tugon.

"Nga pala, salamat ulit sa pagligtas sa 'kin. Hindi ko alam na hudas yang kapatid mo. Pagsabihan mo yan, isalugar niya kamo pagiging masama niya."

"Wala 'yon, maliit na bagay. Kung gusto mo, ako na maghahatid sa inyo? Tapos naman na ako sa lahat ng klase ko kaya okay lang na ako ang maghatid sa 'yo."

"Ah, hindi. Kaya ko namang umuwi. Nakikita mo ba 'yan? May sarili akong paa kaya kaya ko na yung sarili ko."

Nagsisintas ako ng sapatos nang buhatin niya ako at dalhin sa tagong lugar kung saan malilim at hindi kami makikita.

"Shhh... 'wag kang maingay. Nandyan sila Kuya, 'pag nakita nila na nandito pa tayo, ipapakuha ka nila at ipapabugbog. Kaya kung ako sa 'yo, maaga palang ay umiwas kana."

"Why did you do this to me?" tinitignan ko siya sa mga mata at umiiyak.

"Because I want to protect you. Hindi mo pa alam ang ugali ni Kuya. Gusto kitang itago sa kanya kasi alam ko, 'pag nalaman niya yung aksidente na nangyari sa girlfriend niyang nurse, malamang, magagalit ng husto yon sa 'yo. Mukhang nakaalis na sila."

Hatak-hatak niya ang kamay ko papuntang labas ng campus. Nakatingin lang ako sa likuran niya, probably, he is handsome, when he takes off his mask. Sa tingin ko lang naman.

"Angkas.." inabutan niya ako ng helmet at hinahampas yung upuan ng motor.

"Salamat, ha? Hindi kita lubusang kilala pero tatanawin kong malaking na loob yung pagsagip sa 'kin." hindi siya kumikibo.

"Ang tangkad-tangkad mo. Siguro basketball player ka 'no? Tsaka singkit ka, medyo malaki lang ng konti yung mata ng Kuya Donny mo."

"Magkaiba talaga kayo kasi mabait ka samantalang kaugali naman ni Satanas si Donny. Do you mind if I ask you, do you have a girlfriend?"

"Wala akong girlfriend."

Tinatakpan ko ang buhok kong hinahampas ng matinding hangin sa mukha.

"So, are you single? I mean... single na maraming ka-MU's ganon..."

"I don't like girls. I prefer to fall inlove with guys. O, ano? May itatanong ka pa ba?" napahagikhik ako sa likuran niya.

"Bakla ka ba?! Bakit ka nagkakagusto sa kapuwa mong lalaki? Hindi ka ba nandidiri?!"

When The Two Men Falling In Love | Beyond The BoundariesWhere stories live. Discover now