The Yummylicious Security Guard (Part 1)

Start from the beginning
                                    


"Sorry hindi ko sinabi sa 'yo sa chat kasi baka hindi ka pumayag makipag-meet pag sinabi ko yung totoong reason."


Then I noticed na bahagyang nakatikwas ng daliri niya habang nagsasalita.


"Are you straight?"


"Nope. I'm bisexual."


Oh, geez. Sayang! Sayang na sayang talaga... parang gusto kong kumanta right that very moment.


Langya, first attempt fail agad. Ang chaka ng experience!!! But in the end, bumili na rin ako ng bra at panty na inaalok niya since maganda naman talaga yung product. Saka naawa rin ako dahil galing pa pala siya ng Fairview.


Lost ang beauty ko. Umuwi ako na medyo malungkot. Akala ko pa naman magkaka-love life na ako tonight. Nagpaganda pa naman ako!


Nilakad ko na lang pauwi ng condo total almost ten minutes walk lang naman at para na rin makapag-isip ako kung ano ang susunod na plano ko para sa Oplan: Humanap ng gwapong fafa.


Bahagya akong nakayuko habang naglalakad papunta sa may elevator nang may bumati sa 'kin ng "Good evening ma'am." Hindi ko nilingon at tinaas ko lang ang isang kamay ko. Pagbukas ng elevator ay pumasok agad ako.


At ganoon na lang ang kabog ng dibdib ko nang makita ko ang lalaking nakatayo sa may lobby malapit sa front desk-isang gwapo, matangkad, maskulado at nakangiting lalaki na siya palang bumati sa 'kin ng good evening kanina.


Biglang nakaramdam ng panghihinayang ang chubby. Dapat pala nilingon ko siya kanina at sinuklian yung pag-greet niya sa 'kin.


But too late, pasara na ang elevator. Alangan namang lumabas pa ako para lang batiin siya? Sobrang halata na 'ko nun. Napasandal na lang ako sa dingding ng elevator at saka napabuga ng hangin.


Sayang #2!!!


Mayamaya ay may narinig akong nagsalita na ikinagulat ko. Mag-isa lang kasi ako sa loob ng elevator. "Ma'am, nakalimutan niyo po yatang pindutin kung anong floor kayo."


Ayyy shemay! Oo nga.


Pinindot ko ang number 3 button at saka tumingala sa CCTV camera at nag peace sign. Nakarinig kong tumawa ang gwapong security guard.


Lutang ang pakiramdam ko nang pumasok ako sa unit ko.


Bakit ngayon ko lang yata nakita ang guard na 'yon? O baka ngayon ko lang nakita kasi ngayon lang naman ako lumabas sa buong buwan?


Ang gwapo niya talaga. At ang sexy ng boses. Hindi bagay sa kanya maging security guard! Mas bagay siyang maging model. O pwede ring boyfriend ko!


Mabilis na nag-isip ako kung paano ko makakausap si kuyang guard.


Love. Sex. Escapade. [One-Shots]Where stories live. Discover now