"So?" Napatawa ito. "Kailan ka pa nagkaroon ng interest sa stocks ko?"

"Ipagbili mo sakin. I will double or triple the price."

"Wow! You're insane. 10 percent lang ang akin dun noh."

"I don't care. Kahit 2 percent pa yan." Huminga ako ng malalim. "Please, I need that."

"Okay okay." Nakahinga ako ng maluwag, sa wakas makakapasok ako sa kumpanya nila.

"Thank you so much. Ipapakausap kita kay Atty. Chen later. I really appreciate it. Thank you." Pasasalamat ko. Maaasahan talaga si Bernie, chinese kasi ito kaya mautak.

Tingi tingi lang ang stocks niya pero halos sa malalaking kumpanya dito sa Pinas.

Napangiti ako. 'Humanda ka sakin Isabella. Sisiguraduhin kong hindi ka na makakapagtago sakin.'

Tumunog ulit ang phone ko kaya sinagot ko ito.

"Hi baby." Bungad ko. "Hey, why are you crying?"

"Chinita bite me." Napailing ako. Chinita ang bago nitong alagang pusa, ilang beses ko na kasi silang sinabihan na wag ng mag-alaga ng ganun kasi pinanggigigilan niya.

Emely is just 4 years old, paano niya maaalagaan yun for pete sake.

"Where's Mom?" Tanong ko.

"She's cooking." Umiiyak na sabi niya.

"Okay baby. I'm on my way na. Please, stop crying."

"Okay. Carefull and I love you."

Napangiti ako. "I love you too Emely."

----------

Isabella's POV

"Stop crying na baby ko." Karga karga ko si Gabby, pinapatahan ko ito. Naipit kasi ang daliri niya sa kabinet, kung ano ano kasing pinapakialaman. "Kiss nalang ni Mommy ha." Pinunasan ko ang luha nito.

"Hey, why is my princess crying?" Tanong ni Kuya Jake, kauuwi lang niya galing opisina.

Pinanlakihan ko ito ng mata. "Naipit sa kabinet."

"Kiss nalang ni Uncle. Stop crying na, may pasalubong ako sayo. Look."

Hindi ito natinag, tumigil lang sa pag-iyak pero hindi umalis sa pagkakayakap sakin. Wala pa sa mood eh.

"Look Gabby. Ang daming dala ni Uncle." Natawa ako sa sinabi ni Kuya, bida bida talaga.

"You want Ice cream?" Tumango siya kaya binigyan ko ito ng Ice cream. Buti nalang  bumalik na sa dati ang mood niya. Ilang minuto ang lumipas okay na naman siya, hyper na naman ang loka.

"I closed the deal."

"Congrats Kuya. Magpakain ka naman." Pagbibiro namin ng asawa niya.

"Dapat hindi ka nalang umuwi. Hindi naman umattend si Gabriel."

Napairap ako dito, kung alam mo lang ang nangyaring kahihiyan sakin. "Nagkita kami sa elevator. Nabugahan ko siya ng kape sa mukha."

"Seriously? Hindi nga Isabella. Butinga sa kanya." Kinurot siya ng asawa niya.  "I mean how do you feel?"

Humarap ako sa kanila. Titig na titig sila sakin, halatang hinihintay ang sagot ko. "Okay lang. Wala na naman yun eh." Napalunok ako. "Nakamove on na ako sa kanya."

"That's my girl." Yumakap ito sakin.  "Oo nga pala, may ipapakita ako sayo." Sabi niya kay Mindy at sinama ito palabas.

Napatingin ako kay Gabby. Nanunuood ito ng cartoons kaya tumabi ako.

----------

Lumipas ang isang linggo, nagpapasalamat ako kay God na hindi pinagtatagpo ang landas namin ni Gabriel. Siguro nagulat din ito nang makita ako, pero alam kong mahihiya ito dahil sa ginawa niya sakin noon.

"Ma'am nasa board room na po sila." Sabi ng secretary namin.

"Thank you. Si Kuya nandun narin ba?" Tanong ko kaya napatango ito.

Every month we have a meeting to check the sales and stocks of the company. Kailangan ito para malaman mo ang bawat galaw ng kumpanya. Bilang may-ari kailangan mong isa-isahin ang problema. Itanong mo palagi kung saan bumaba ang sales, saan tumaas, saan nagkulang at saan sumubra. Dapat balance lang, hindi pwedeng malaki lang ang kita mo, okay na.

Naglakad ako papunta sa board room. "Goodmorning." Bati ko sa kanila pagkatapos tumabi ako kay Kuya.

"So, let's start." Sabi ng lalaking magprepresent ng powerpoint.

"Goodmorning. Sorry I'm late." Napatingin kaming lahat sa may pinto

Sh*t! Anong ginagawa ng lalaking yan dito?

"Excuse me. We did not invite you here Mr. Gabriel." Seryosong saad ni Kuya.

"As part of your company, allowed naman sigurong umattend ang mga stockholder." Nanlaki ang mata ko. Lahat kami nagulat sa sinabi nito.

May pinakita siyang letter sa Atty. namin. "Sir Jake, binenta po ni Mr. Bernie ang 10 percent shareholder niya kay Mr. Gabriel."

"Siguro naman sapat na yun para sumali sa meeting niyo." Mapang-asar niyang sabi.

'Saan siya nakakuha ng kakapalan ng mukha?'

Hinawakan ko ang kamay ni Kuya para pakalmahin ito. Alam ko kasing nanggigigil na ito katulad ko. "Let's be professional here please." Bulong ko.

"Let's start."

Umupo si Gabriel sa tabi ko, yun lang kasi ang bakanteng silya. Alam mo yung pagkainis ko lampas na hanggang ulo, halata naman kasing nananadya ang g*go.

Lumipas ang isang oras, hindi talaga ako kumportableng katabi siya. "Excuse me." Pagpapaalam ko kay Kuya.

Paglabas ko sa board room parang hingal na hingal ako. Hindi ako mapakali lalo na't katabi ko ang hay*p na yun.

"Isabella." Boses ni Gabriel. Ang kapal talaga ng mukha niyang sundan ako.

Naglakad ako palayo nang makasalubong ko si Thor ang secretary namin, kaagad ko itong niyakap. "Don't move." Bulong ko.

Kahit siya nagulat sa ginawa ko, pero napakaprofessional naman nito.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE:

Thank you for reading my story.

Dont forget to like and comment.

Torn Between Two LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon