Chapter 9

468 12 1
                                    

Gabriel's POV

"Sir Gabriel, you have a meeting at 10AM kay Mr. Chow sa CC Builders." Napabalik ako sa kasalukuyan nang magsalita ang secretary ko.

"Yeah I know. Where?"

"Sa JII Corporation Inc. daw po." Napikit ako sa sinabi nito.

Kumpanya yun nila Isabella, kung pwede lang hindi pumunta gagawin ko. Kaya lang importante ito sakin, naghahanap ako ng pwedeng investors at CC Builders lang ang pinagkakatiwalaan ko.

Tumango ako. "Call my driver. Ayokong matraffic sa daan."

"Noted Sir." Sabi nito at lumabas na ng opisina ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, ngayon lang ako nagkaganito. Kahit yung malalaking tao na kameeting ko hindi naman ganito ang kaba ko, ngayon lang talaga.

Lumabas na ako ng opisina ko at sumakay sa elevator pababa ng 1st floor. Nakahanda na ang sasakyan ko kaya sumakay na ako dito.

Siguro umabot lang ng mga 30 minutes nang makarating kami sa kumpanya nila. May nagassist saming babae, sasamahan daw kami nito patungo sa 20th floor kung nasaan ang board room.

Ngayon lang ako ulit nakapunta dito mula nang mawala si Isabella. Dito ko kasi siya sinusundo noong kami pa. Limang taon na pala ang nakakalipas at ibang iba na ito.

"This way Sir." Sinundan ko ang babae.

Huminga ako ng malalim. Kinakabahan siguro ako dahil magkikita ulit kami ni Kuya Jake, alam ko naman na galit parin ito hanggang ngayon but business is business. I need to settle things here.

Bumukas ang pinto ng elevator, nanlaki ang mata ko sa nakita. Si Isabella, nasa harapan ko siya ngayon.

Hindi ako makagalaw. Gustong gusto ko siyang yakapin o hawakan pero naninigas ang buo kong katawan.

Paano kung isa lang itong panaginip?

Bigla ako nitong nabugahan ng kape, pero wala akong pakialam. Tinitigan ko ito mula ulo hanggang paa, ipinagtataka ko kasi naka paa lang ito at lagpas lagpas ang lipstick, tila nasaktan ako sa possibleng ginawa niya.

"Ms. Isabella." Tawag sa kanya ng babaeng receptionist, mabilis kasi itong tumakbo paalis sa harapan namin.

"Sir are you okay?" Tanong naman ng secretarya ko at pilit na pinupunasan ang mukha ko.

"Call my driver." Napailing ako, hindi naman ako pwedeng umattend ng meeting na ganito ang itsura ko diba.

"Sir Gabriel, the car is ready."

Pinasakay ako nito sa sasakyan ko. "To my house." Maikli kong sabi, parang ngayon lang nagsink in sa utak ko lahat nang nangyari kanina.

"F*ck this life." Sigaw ko, napasabunot ako sa buhok ko. Yun na yung pagkakataon eh. Baka takasan na naman ako nito, pero wait nakasuot siya ng ID, meaning duon na siya nagtatrabaho sa kumpanya nila.

Mabilis akong pumasok sa bahay ko, kahit ang mga katulong nagulat nang maaga akong umuwi.

Dumiretso ako sa kwarto para maligo. Gusto kong mahimas masan tsaka nalalagkitan narin ako dahil sa natuyong kape sa mukha ko.

Pagkatapos kong maligo tumawag ako kay Bernie, asawa ng panganay kong kapatid alam kong matutulungan ako nito.

Ring ring ring

"Yes brother?" Bungad niya.

"I need your help. Alam kong isa ka sa stockholder ng JII Corporation Inc."

Torn Between Two LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon