“Zhalia, this is not your arts class.”

“But I want to color it. It looks dull without colors.” 

“But this is not a coloring book.”

“But I want to make it a coloring book.”

Naubos ang oras sa pagtatalo namin. Kinaumagahan, nagpabili ako ng music sheet sa Auntie at ginawa kong coloring book.

“See? Pwede siyang maging coloring book!” Iminuwestra ko kay Lyon ang nakulayang mga nota. Magkaka-color match ang mga iyon. 

“It’s pretty.” Namangha naman si Lyon sa obra ko. 

“I know. I really love arts. Halika, samahan mo ako. Magpaint tayo.”

Bitbit ang mga pang-pinta ko ay pumanhik kami sa ikalawang palapag ng mansiyon. Nakadisplay sa pasilyo ang ilang mga pigurin na nakahubad.

“See? They should be wearing clothes. Watch me. Lagyan natin sila ng damit.” 

Nagsimula akong magdrawing ng damit sa isa.

“Hindi ba tayo pagagalitan?” 

“No. Gagandahan naman natin. Matutuwa pa ang Auntie. Ito ang sa’yo.” Inabutan ko siya ng paint brush.

“Hindi ako marunong.”

“Just paint his hair. This is David.” Pinakilala ko. May pangalan kasi ang pigurin sa ibaba.

Napintahan na ni Lyon ng blue ang buhok ni David habang naguhitan ko na siya ng pang-itaas nang marinig ko ang mga yabag. 

“Zhalia!” Umalingawngaw ang nakabibinging tili ni Minerva.

Pagkakita ko sa nanlalaking butas ng ilong ng mayordoma namin ay inihagis ko agad ang mga pangpinta at hinila si Lyon. Natapon pa ang mga acrylic sa sahig. 

“Lyon, takbo!” 

Minerva, Lyon and I chased after each other down the grand staircase and the rest is history. 

“It was my idea, tita. Sorry po.” Panay ang paumanhin ni Lyon nang dalhin kami ng Auntie Camila sa isang silid upang pagalitan.

“May ganyan rin po kami sa bahay. Papapalitan ko na lang kay Tito Leonelle.” 

“Madre mia. Ano namang pumasok sa isip mo ha, hijo?!” My auntie yelled at Lyon.

Lyon flinched. Medyo nakonsensya ako na hinayaan ko siyang akuin ang kasalanan.

“Just, please, go out. Ipapakausap ko kayo kay Martina mamaya.”

Kapwa kami nakayuko nang lumabas ng silid. 

“Just go home, Lyon. Ayaw kong mapagalitan ka pa ng Auntie.”

“No. I don’t want you to be scolded alone.” 

Upang magpalipas ng oras at tensyon ay lumabas muna kami ng mansyon. Sa likod na gate kami dumaan. Tumakas lamang kami nang hindi nakatingin ang guwardiya. 

Binaybay namin ang azucarera. Inaya ko si Lyon sa tambayan naming puno ng Acacia.

“Mag-abang ka na lang kaya ng tricycle rito at magpahatid sa inyo?”

“Ayoko, Lia.” 

Napabuntong hininga ako’t bumagsak ang mga mata sa kalsada. I just really want to send him home.

“Cassiel?” 

Napaangat ako ng tingin sa sinabi ni Lyon. Nabuhayan ako’t bumundol ang tuwa sa dibdib ko nang matanaw nga sa ilalim ng Acacia si Cassiel. 

(La Mémoire #1) NOSTALGIAWhere stories live. Discover now