WHEN THE TWO MEN FALLING IN LOVE

19 0 0
                                    

PROLOGUE

"Hoy! Chanon? Aalis kana naman ba? Tulungan mo naman ako rito!"

As usual, maaga akong binubungangaan ni Kuya Chakri. Sa kanya kasi ako binilin ni ate Celine, na bantayan ako sa condo unit na niregalo sa kanya ni Papa.

"Kaya mo na 'yan. Ayun, utusan mo, oh? Walang ginagawa." sutsot ko kay Kuya Felix na mahimbing na natutulog sa sofa.

"Siguraduhin mo lang na uuwi ka ng maaga, lintek ka! Pagagalitan talaga kita!" dumila ako sa kanya at mabilis na umiwas sa mga unan na lumilipad papunta sa 'kin.

Nagpahatid ako sa Manong Driver ko. Wala si ate Celine, nasa mansyon at maraming ginagawa kaya si Mang Teddy muna ang maghahatid sa 'kin.

"Manong, where's ate Celine? Isn't she bring me to school?" napailing nalang si Manong sa sinabi ko.

"Paano ka naman ihahatid noon e busy sa ibang bagay si Madam. Daldal ka ng daldal, nandito na tayo sa gate ng Ateneo. Pasok na, baka masapak ka ni Madam 'pag nakita ka pa rito."

"Grabe, si Manong, o? O siya, bababa na ako!"

Pagkababa ko palang ay sinalubong na ako ng dalawa kong magaling na kaibigan.

"Bro, kumusta? Tara na! Daan muna tayo sa cafeteria para naman marefresh yung mga utak natin bago magsimula yung klase." inakbayan kami ni Terrence at hinigit patungong cafeteria.

"Alam n'yo ba yung chismis ngayon? Alam kong alam n'yo na 'yun. Si Daniel Lony De Marquez, yung famous football player sa Ateneo! Tangina pre, iba na naman ka 'mo yung kasama."

"At ito pa pre, kung sinu-sino raw kinakama sa hotel,? Tangina! Babaero pala talaga yon! Alam kaya ng girlfriend niya yung mga katarantaduhang ginagawa niya?" tumatango-tango yung mga kaibigan ko samantala ako tahimik na nakikinig sa paguusap nila.

"Ay, 'yun ba? Tss... hindi naman pala gwapo e. Mas gwapo pa ako roon." Nasamid si Terrence sa iniinom niyang milktea.

"Ay, ikaw? Gwapo? Pre, hindi ko makita kung saan banda!" hinawakan niya yung baba ko at sinuri ang kabuaan ng aking mukha.

"Ano nga ulit isyu tungkol sa kanya?" napairap ako at sumipsip na lang ng milktea na binili ko sa cafeteria.

"Edi playboy! Kung sinu-sino nalang kinakama. Dinadala pa sa hotel. Tangina! Suki na nga raw siya ng hotel sa BGC, even around Laguna. 'lam mo 'yun? Tiyak akong magtatalo na naman sila ng girlfriend non!"

"Wala na tayong pakialam kung sinuman ang nilalandi niyang babae. Tara na, pumasok na tayo sa room. Malilate pa 'ko nang dahil sa inyo." Dinala ko na yung bag ko at nagmadaling lumabas sa cafeteria.

Sa kakamadali ko ay nabunggo ko yung estrangherong lalaki. Tumingala ako kasi mas matangkad siya kumpara sa 'kin. Maputing lalaki pala ito, naka-align ng maayos yung mga ngipin, may isang dimple sa kanang pisngi, kulot ang buhok, sa itaas... at may makapal na eyeliner.

Bad boy things.



O kaya mafia boss na madalas ganito ang bungad sa mga romantikong nobela sa Wattpad.



Gangster na madalas suki sa guidance's office.



Suki sa guidance's office.



When The Two Men Falling In Love | Beyond The BoundariesWhere stories live. Discover now