Chapter Fifteen

Magsimula sa umpisa
                                    

Si Sid ay lumapit sa kanya at tumayo sa tabi niya. Naaamoy niya ang bango ni Sid at dahil doon ay medyo kumalma ang pakiramdam niya.

"Bakit? Iiyak ka?"

"Feeling!"

Natawa si Sid at hinapit siya palapit dito. Hinalikan nito ang tuktok ng ulo niya. At nagdagsaan na naman ang maraming hindi maipaliwanag na damdamin sa puso niya dahil sa ginawa nito.

"You don't have to worry about these things, Gabby. Nangako ako sa'yo dati, lagi kang una sa'kin. Hindi ako basta-basta tumatalikod sa pangako ko," may katiyakang sabi nito. Pagkatapos ay sapilitan siya nitong iniharap dito. Gusto nang manuyot ng lalamunan niya sa paraan ng pagtitig ni Sid. "Naiintindihan mo ang gusto kong sabihin 'di ba?"

Umiling siya kahit na may sapantaha na siya kung ano ang gustong sabihin ni Sid. But she wanted to hear him say it. Lord, she wanted to know everything there was to know about him.

"Importante ka sa'kin, higit pa sa kayang tarukin ng isip mo. I don't know what to call this feeling of wanting to protect you. Kapag nahihirapan ka, hindi ko mapigilang gumawa ng bagay para maging maayos ang lahat para sa'yo. Gusto kong masiguro na hindi ka mapapagod hangga't nandito ako sa tabi mo. Sa tingin mo, ano'ng tawag dito?"

Pilit niyang itinatago ang ngiting nag-u-umalpas sa labi niya dahil sa sinabi ni Sid. "Sounds like you are infatuated with me," biro niya.

Tuluyan na itong natawa sa sinabi niya. "Siguro nga, Boss."

Tumikhim siya. Itinaas niya ang hintuturo niya sa harap nito.

"In that case, I give you permission to be with me from now on. Hangga't nasa ilalim kita ay ako lang ang titingnan mo, maliwanag?"

"Ikaw lang naman ang tinitingnan ko. Masyado ka lang selosa."

Nanlaki ang mata niya. "At sinong pagseselosan ko? Yung mga babae mo sa opisina na tinitingnan ko pa lang ay naninigas na ang likod? Ni hindi nga makatingin ng diretso yung mga 'yon sakin eh. Hah! Nasa payroll ko silang lahat. Matakot sila!"

Ngumisi ito. "Ah... You're being possessive. Gusto ko 'yan."

"Dapat lang dahil binabayaran kita. Hindi kita binabayaran para makipagharutan kung kani-kanino," asar na sabi niya.

Humigpit ang yakap ni Sid sa kanya. Naramdaman niyang nawala lahat ng alalahanin niya dahil sa ginawa nito. Yakap lang pala ni Sid ang kailangan niya para umayos ang lahat sa kanya.

"I'm yours, Gabby. And I'll be yours hanggang sabihin mo sa'kin na hindi mo na ako kailangan. Iyon lang ang panahon na aalis ako sa tabi mo. But maybe even then, I'll try to hang on to you. Baka sakaling magbago pa ang isip mo."

Umirap siya kahit na nga ba sayang saya ang puso niya. Hindi na nga ata normal ang makaramdam ng ganito kay Sid.

"Hmph. Baka naman may kapalit 'yan, ha?"

"Syempre meron."

Nang magtaasan ang mga kilay niya ay ngumuso ito. "Gusto ko ulit ng free taste."

"Nakakarami ka na, ah."

Pero tumingkayad pa rin siya para halikan ito. Naramdaman niyang ngumiti ito sa mga labi niya. Pagkatapos ay ito na mismo ang nagtuloy ng paghalik sa kanya. Hinapit siya nito palapit sa katawan nito katulad noong unang beses na hinalikan siya nito. At gusto na naman niyang dumausdos nang manlambot ang tuhod niya sanhi ng sensasyong nararamdaman. The only thing that kept her standing firmly on the ground was Sid's strong, capable hands holding her body steadily.

Itinaas siya nito at iniupo sa balustre habang patuloy siyang hinahalikan. He grinded his hips against her thighs as he used his tongue to taste the insides of her mouth. Napaungol siya at ibinaon ang mga kamay sa buhok ni Sid. His hair felt silky and soft against her touch. Para siyang maliliyo sa lakas ng pintig ng puso niya. No man, not even those powerful men she went out with, excited her senses the way Sid did.

Seasons 3: The Fall of AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon