Hiram Na Gabi (SPG)

Start from the beginning
                                    

“Yeah. Pero hindi pa ako sure sa magiging takbo ng story. Kakaumpisa ko lang kasi last week.”

“Ah…” napatango-tango si Apollo at pagkatapos ay muling tumitig sa screen ng TV habang ako naman ay palihim na sumusulyap sa kanya.

Naroon na naman 'yong pakiramdam sa puso ko na gusto kong ihaplos ang kamay ko sa mukha. Gusto ko sanang tawirin ang espasyong naglalayo sa amin pero wala akong sapat na lakas para gawin iyon. Besides, bigla na lang lumilitaw sa isip ko ang imahe ng kaibigan kong si Jenny na tila ipinapaalalang pagmamay-ari niya ang lalaking katabi ko ngayon.

Nang magsimula ang palabas ay pareho kaming natahimik ni Apollo. Kahit napanood ko na 'yon ay hindi ko pa rin maiwasang madala lalo na at kaparehong-kapareho niyon ang nararamdaman ko ngayon. Apollo as Dex, Jenny as Darcy at ako naman bilang si Rachel.

Ang pinagkaiba lang, hindi ko unang nakilala si Dex. At lalong hindi ako iyong tipo ni Darcy na palaban pagdating sa mga lalaki. I’ve always been this awkward. Kaya nga rin siguro ako naging writer ay dahil ayokong naglalalabas ng bahay at makisalamuha sa ibang tao.

But with Apollo, parang gusto kong lumabas ng shell ko and explore the possibilities of being with him. And the most beautiful feeling in the world for me is when he’s near wherein I could hear his breath, see him smile and hear his sexy voice.

Saktong unang commercial break ay narinig naming tumunog ang buzzer. Mabilis na tumayo si Apollo at binayaran ang pizza na dala ng delivery boy. Aside sa pizza ay mayroon ding dalawang coke in can.

Muling umupo si Apollo sa tabi ko ang this time ay mas maliit na ang espasyong naglalayo sa amin dahil nakapatong sa hita niya ang kahon ng pizza.

Nagpatuloy ang palabas habang kami naman ay tahimik na nanonood habang kumakain ng pizza. Then there was this moment na nagkasabay kami sa pagkuha sana ng pizza. At dahil parehong sa TV nakatutok ang mga mata namin, sa kamay ni Apollo naglanding ang kamay ko. There was this sudden surge of electricity coming from my own hand down to his hand. Hindi ko lang alam kung naramdaman niya rin ang kuryenteng iyon.

Sa halip na bitawan ang kamay niya ay mas lalo ko pa iyong dinama sa pamamagitan ng marahang pagpisil. He has strong and big hands. Kung nagulat siya dahil sa hindi ko pagbitaw sa kamay niya, mas ikinabigla niya ang sunod na ginawa ko.

Dinala ko ang isang daliri niya sa bibig ko at saka dinilaan ang sauce na nasa daliri niya. Narinig ko ang marahas niyang paghinga dahil sa kapangahasang ginawa ko. Then our eyes met… I can clearly see the desire in his eyes just as there’s fire in mine.

“Anika, we should stop now,” nahihirapang saad ni Apollo bagama’t nakalapat na sa pisngi ko ang isang kamay niya habang magkadikit naman ang mga noo naming dalawa.

Love. Sex. Escapade. [One-Shots]Where stories live. Discover now