"Walang net"

"Snail mail? Telegrama?"

"Walang kartero."

"Sya mismo yung pumunta dito?"

"Walang pang-gas, walang pamasahe. Malayo, hindi malalakad" natatawa pa ring sabi nya.

"Dami mong alam. Wag mo nang ipagtanggol. Sasabi-sabihin nyang gusto nya ko tapos hindi naman sya eeffort. Aba kung nanliligaw sya sakin, basted na agad sya!" naiiling na sabi ko.

"Tinanong mo ba kung anong klaseng pagkakagusto yung ibig nyang sabihin?"

"Huh?"

"Nung sinabi nyang gusto ka nya, tinanong mo ba kung gusto ka nya bilang kaibigan, or colleague, or gusto ka nyang maging girlfriend?"

"Ang sabi lang nya kase, I like you, I like you so much my Princess" panggagaya ko sa sinabi sakin noon ni Maine.

"That's it? After non, nag-usap ulit kayo?"

Umiling naman ako.

"And nag-effort bas yang ligawan ka?"

Umiling ulit ako.

"Nung sinabi ko pa nga na baka makasali ako sa makikipagdate ngayon araw, nagsmile pa sya. Parang balewala lang sa kanya kahit hindi sya yung kasama ko ngayong araw." Mahinang sabi ko.

"Ayan tayo beks eh, dapat sa mga ganyan sinisigurado natin, para ndi tayo humopya ng humopya. Kase beks, ang hopya, kinakain yan, hindi inuugali. Sabi nga nila, bawal mag-assume, nakamamatay."

"Eh sya naman kasi yung nagsabi non."

"So uulitin natin yung pinag-usapan natin kanina?"

"Anong gagawin ko?"

"Eh di sa susunod na magkita kayo, tanungin mo sya. Fi, ayoko namang nasaktan ka na sa sobrang asa mo kay Joel, pati ba naman dito kay Maine diba?"

Noon kami nakarinig ng sunud-sunod na busina.

"Si Andy my labs" excited na sabi ni Marlo.

"FYI lang beks ha, hindi sya yung ka-date mo mamaya, BABAE ang ka-date mo." nakangiting sabi ko sa kanya habang nakasunod sa kanya palabas.

"Kailangan talaga ulit-ulit tayo Fifi? Oo na! Hindi mo na kailangang ipangalandakan sakin. Naku, humanda talaga sakin yung babaeng yon pag nagkataon. Daming alam. Hindi ba halata na bakla ako at ako pa talaga yung pinili nya?" inis na sabi nya habang naglalakad papalapit sa sasakyan ni Andy.

"Kalma, ayan na yung crush mo o, ngiting-ngiti pa. Siguro excited sa date nya"

Mas lalo namang sumimangot si Marlo.

"Isa pa yung date ni Andy, iffood poison ko talaga sila pareho para umuwi sila, at ang ending, kami ni Andy yung magiging magka-date ngayong balentayms"

"Ang sama mo beks. Pero kung gagawin mo yan, pwede mo bang isama yung date ko?" natatawang sabi ko.

"Naks, halatang excited na rin kayo sa mga ka-date nyo mamaya ah" nakangiting bati samin ni Andy pagsakay namin.

Akala nya lang yon. Nagtatawanan kasi kami ni beks nung sumakay kami eh. At syempre, inunahan ako ng bruha sa tabi ni Andy. Landi talaga.

"Oo Andy, at sa sobrang excited namin ni Fifi, parang ayaw naming umattend" sarcastic na sabi naman ni Marlo.

"Ikaw naman, minsan lang naman 'to. Saka ienjoy na lang natin kase, wala din naman tayong ka-date if ever ngayong araw diba? So kesa magmukmok tayo, ienjoy na lang natin. Saka ayaw nyo non, libre lahat. Wala tayong gagastusin, nag-enjoy pa tayo"

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon