Nag wave si Mallory, pang inis kay Wendy. Inirapan sila ng mga ito.

"Immatured!" bulong ni Ressy

Hindi doon nagtatapos ang panggugulo ni Wendy. Gusto niyang mapatunayan na tama sya at panigan siya ng nakararami. Bago ang lahat ay hinarap nila ang punishment. Limang mabibigat na libro ang hawak hawak ng ng bawat isa at nakataas ang kanilang mga kamay. Nasa labas sila ng students council office.

Lalong nagalit si Wendy sa kahihiyan kinakaharan niya at mga kasama

"Wendy I can't stay here any longer, pinqgtitinginan ako nila tayo and bago dumaan ni Kellan at makita niya ako... I hate it" pagrereklamo ni Monika

"You think ikaw lang. Hindi ko mapapalampas ang kahihiyan na iti. Humanda ang Hera Girls!" galit nitong sabi

"Bilisan natin, malapit na mag umpisa ang Quiz"

Nadulas ang dalawang new Hera Club member paglabas nila ng cubicle. Nabasa sila at amoy mantikang gamit ang mga damit.

Sa labas ay nagtawanan ang grupo ni Wendy, masaya silang pinanood ang dalawa sa pagkadulas nila sa mantika na sila ang naglagay mismo as trap.

"Bakit may ganito dito!" sigaw ng isa.

"Teka, may narinig ka?"

"may tumatawa sa labas"
Nagtago si Wendy ng mapansin palabas na ang dalawa.

Nagmadaling tumakbo ang dalawa sa locker at nagpalit ng damit. Dahil doon ay hindi sila nakapasok sa kanilang subject. Major Quiz at attendance ang nawala sa kanila.

"Teka, bakit ayaw nyo kami paraanin, malilate na kami sa aming Quiz" ani ng lalaki

"Yan nga ang gusto namin, ano boys gusto nyo ba ng laro?" tanong ng lalaki

"oo" sabay sabay sabi ng mga ito.

Hinablot niya ang cellphone nila at pinagpapasapasahan. Inaksaya nila ang oras para hindi na sila makahabol pa.

"Pagdating nila ay umalis na ang kanilang professor.

Exam day. Lahat ng new Hera Club members ay nilagyan ng cheat note sa bulsa.

Nakita ng mga proctor ang cheat note, automatic zero ang natanggap nila sa midquarter exam.

Sa kanilang average ay bumaba sila ng apat na numero, hindi nila namaintain ang average ng Hera Requirement kaya natanggal sila dito.

Nagtaka sina Ressy sa sabay sabay na pagkatanggal ng mga bagong hera members at parepareho pa sila ng dahilan ng pagbagsak.

"This isn't normal. May sumabotahe sa kanila...." ani Ressy

Napatingin sila sa kanya

"What do you mean?" ani Terri

"Think of it. They all accused for having a cheat note on their pocket" ani Ressy

" Yeah, and I heard the two ladies went to the comfort room at nadulas sila. Paanong may mantika sa loob ng cr?" takang tanong ni Mallory

"Look, puro mga new Hera Club members" ani Terri

Hingal na hingal na pumasok si Via.

"Oh Via...." takang tanong ni Mallory

"Nabalitaan nyo na ba ang nangyari sa Hera boys?" diretsyang tanong nito sa kanila

Nagtataka ang mga ekpresyon ng mga mukha nila.

"Nakitaan ng cheat note sa kanilang exam ang mga baguhan." ani Via

Nagkita kita ang Hera girls at Boys

"They sabotage them para matanggal sila sa Hera Club at patunayan na it's impossible for them to be in Hera. I think I know who's behind all this" ani Gibson

"Sino pa nga ba" ani Terri

"Paano ang mga newbie?" tanong ni Mallory

"Hera rules will always on top of it. Hindi natin sila pwede ibalik just because of that theory and even it's true, we have no proof to testify that they are innocent from this mess. " ani CJ

"Ganoon na ba sila kabobo para hindi makapasok sa Hera, they have lots of time to study but they are alway complain and demands pero wala naman sila sa gawa. " ani Mallory.

"Exactly what a shame on them" dagdag ni Terri

"Ginawa nila iyon para may patunayan? Ano pa ang papatunayan nila kung alam ng lahat kung gaano sila ka desperada para sa isang bagay na kailanman ay hindi nila kayang maabot dahil sa kanilang matinding pagka inggit. Alam nila sa sarili nila na hindi nila kakayanin ang pumasok sa Hera Club kaya gagawa na lang sila ng gulo at tayo ang ituturo para malagay sa alanganing sitwas ang club." ani Ressy

The Identity of Emil-RoseWhere stories live. Discover now