CHAPTER 79 : PROCESS OF GETTING BETTER

Start from the beginning
                                    

Third goal completed. Counted na siguro yung isang beses lang. Wala namang nilagay na specific number si Shai kung ilang beses ako mapo-'po' at 'opo.'

Tila ako robot na umupo sa pwesto ko na nakapaskil pa rin ang malaking ngiti sa labi. Oo, mukha akong tanga. Kainis namang goals 'to. Nagmumukha akong ewan.

Nakatingin silang tatlo na parang may mali sa akin. Tumikhim ako. Mukhang hindi nila naintindihan ang pag-greet ko. "Pa, Kuya Rex, Kuya Roy, ang sabi ko po 'good morning.'"

"Yeah. We heard you." Si Kuya Roy ang unang nakabawi at pinagtuunan muli ang pagkain. "Good morning to you, too." Bati niya pabalik. Si Kuya Rex ay tulala pa rin sa akin at si Papa ay parang nag-iisip ng malalim.

"So, uhm. . ." Kinuha ko ang kutsara at tinidor. Ngumiti ulit ako ng alanganin. "Kain na tayo?"

4 down. 6 to go for the first goal.

Tahimik akong kumain. Pilit kong nginunguya ang pagkain sa bibig ko dahil tila mahihirapan ako lumunok. Si Kuya Rex at Papa ay alam kong nanunuod sa akin. Si Kuya Roy naman ay pasulyap-sulyap lang. Nang matapo ako, kumuha ako ng isang sandwich sa mesa bago mabilis na tumayo.

"P-pa, ano, alis na po ako." Lumapit ako sa kanya at humalik sa kanyang pisngi. Natigilan si Papa at natulala sa akin. Hinalikan ko rin sa pisngi si Kuya Roy at Kuya Rex na gano'n rin ang reaksyon. "Ba-bye." Kumaway pa ako bago kumaripas ng takbo.

Nang makalabas ako ng kusina ay sumandal ako sa pades at napahawak sa aking dibdib. I did it, didn't I?

Narinig ko pa ang pagsigaw ni Kuya Rex.

"What the hell is that? Anak mo ba 'yon pa? Kapatid ba natin 'yon, Rex? Parang hindi si Rhea 'yon, ah? Anong sumapi ro'n?"

Napanguso ako. Fail? Ano ba 'yan. . .Nakakadisappoint naman.

"Kung ano mang sumapi sa kanya, pasalamatan mo. She's. . .changing."

Bumalik ang ngiti sa labi ko. Mas malaki pa kaysa kanina. OMG. This is a great start!

Second goal completed!

Hinintay ko si Delgado sa labas ng gate namin. Papasok na raw siya sa subdivision namin sabi niya sa text. Wala pang tatlong minuto ay pumarada na siya sa harap ng gate namin. Hindi ko na siya hinintay bumaba. Sumakay na agad ako.

"Delgado, good morning!" Dahil sa sobrang saya ko ngayon ay niyakap ko siya at nakita kong medyo nabigla siya sa ginawa ko. Five down! Five more tn go! Ang dali lang pala.

Medyo nagtagal ang yakap ko at bigla akong natauhan nang tumawa siya. "Ay, sorry." Namula ang mukha ko at mabilis na kumawala.

Tumikhim ako at ngumiti sa kanya. "Sorry, masaya lang."

Ngumuso siya at pinagmasdan akong mabuti. "Ba't ka masaya?"

Kinwento ko sa kanya ang tungkol sa assignment ni Shai at ang mga nagawa ko na kanina. Nangingiti siya habang nagda-drive.

"May isang goal na akong nakumpleto for today!" Sigaw ko sabay taas ng aking kamay. Natawa siya. "Achievement na 'to!"

"Let's make it your goals for today perfect para walang masabi si Shai." Sabi pa niya.

Nilingon ko siya. "Tutulungan mo ako?"

"Tinatanong pa ba 'yan, beh?" Sabi niya sabay kindat sa akin. Namula muli ang mukha ko sabay napasimangot.

"Huwag ka kumindat! Dukutin ko 'yang mata mo dyan, eh." Inirapan ko siya.

Natawa siya ng malakas. "Kanina ang sweet tapos ngayon biglang nagsungit."

10 Steps To Be A LadyWhere stories live. Discover now