Langya. Ambilis magbago ng mood ng lalaking to.



"Hoy Du-ke. Walang nakakatawa ha! May lalaki kasing nakasunod sa akin kanina pa. Kinabahan lang ako kasi baka ibenta ang mga organs ko." Sumandal ako sa upuan at napanguso.



"You don't like it? Marami kang mga buhay na madudugtungan?" Asar ko siyang nilingon at pinakita ang middle finger ko kahit na nakafocus siya sa daan.



"Baliw! Gusto ko pang mabuhay. Ikaw nalang ipapalit ko, gusto mo?"



Humahalakhak siya habang hinihilot ko ang sentido ko para alalahanin ang mukha nung lalaki. Parang pamilyar yung built ng katawan niya. Masyadong madilim at malayo siya sa akin kaya hindi ko talaga nakita ang mukha niya.



"Lalim ng iniisip ah. Gusto mo i-share?" Bumukas ang mga mata ko at tinignan si Duke.



"Inaalala ko lang yung lalaking nakasunod sa akin kanina. Ewan ko ba kung bakit bigla akong hindi mapakali." Nagsimula akong magngangat ng kuko ko.



"Baka stalker mo yun."



"Stalker? Malabo." Di naman ako kagandahan.



"Baklang manghihingi ng wam-pipty?"



"Seryoso ka ba diyan?" Baka kung siya ang sinusundan, pwede.



"Baka naman naliligaw lang na mamamayan ng Alveolar."



"Ewan. Hayaan mo nalang yun." Bumuntong hininga ako bago nagsalumbaba at tumingin sa daanan.



"Kung hindi ka pa rin mapakali, we can report it to the barangay para magawan nila ng aksiyon and prevent big crimes to happen." Naging seryoso nanaman si Duke.



"Wag na. Hassle. Hindi ko naman madedescribe ang mukha niya at wala din namang nangyari sa akin. Mag-iingat nalang ako next time."



Nagkwentuhan nalang kami habang on the way sa bistro. Medyo matagal ang naging biyahe namin dahil sa traffic pero okay lang naman. Kumportable naman ako kay Duke dahil bukod sa palabiro ay maraming baong kwento. Hindi din siya pala-English gaya ng ibang mayayaman kaya hindi nagdugo ang ilong ko.



From: Ouie mah friend

Where are you? Dumaan kami sa bahay niyo pero sarado na.



Nagsalubong ang mga kilay ko sa message ni Ouie. Wala naman siyang sinabing sasabay ako sa kanila! Atsaka hindi pa naman kami nagkakaroon ng maayos na convo kaya ang awkward siguro nun kung hindi kaagad ako nakaalis ng bahay.



To: Ouie mah friend

Papunta na ako sa bistro! Magcocommute sana ako pero sinabay na ako ni Duke.



"Oo nga pala! Mamimeet mo na yung babae naming member!" Muling umangat ang tingin ko kay Duke bago napanganga.



"May babae sa grupo niyo? Ang astig naman!"



"Yep. She's Queenie, incharge of the drums. Tatarayan ka nun kapag nalaman niya na close mo si Prince!" Nagsalubong ang mga kilay ko ngunit nagkakutob ako kung bakit.



"May gusto ba siya kay Hanson?"



"Bullseye! Walang patawad ang isang yun kapag pinaiyak o may ginawang masama sa baby niya. God. I really won't mess with Prince whenever she's near. She almost plucked all of my hair nung inasar ko si Prince!" Napasabay ako sa panginginig niya at pagyakap sa sarili.



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now