Chapter 1

2.6K 119 15
                                    

Pasado ala-una nang mapagdesisyonan kong tapusin ang isa sa pinapasagot sa aking math problem. Singkwenta nga isang problem nito, eh, kaya pinatos ko na kahit wala akong ka-ide-ideya sa gagawin.

Umaalingasaw ang init mula sa labas ng tila kubong souvenir shop kung nasaan ako nagbabantay, sobrang tutok ang araw ngayon at walang kaulap-ulap sa parte namin pero kahit gano'n meroon pa ring pinipiling nagtatampisaw sa beach.

"How much is this keychain?"

Umangat saglit ang tingin ko kung saan nakaturo ang daliri. 'Yung keychain na brown pala ang tinutukoy niya. Sa loob loob ko, wrong timing ang customer na 'to, anak ng tokwa! Ang hirap pa naman mag-focus sa equation na sinasagutan ko ngayong sobrang init, sobrang tuyot na rin utak ko. Kailangan ko pa naman matapos ang pinapa-solve nu'ng mahaderang anak ng dati kong amo r'yan samay katabing villa, summer class pa more.

"One-twenty sampo, may pangalan, isang daan sampo naman kapag wala." Mabilis na sagot ko. Nawawala ang pokus ko sa linear programming equations na 'to, alam ko nakuha ko na 'to pero nalimutan na rin o sadyang complicated lang 'yung equation ngayon, sayang ang binayad ko sa computer shop kung malilimutan ko ang pinanood ko sa YouTube bago ko pa masagutan. Wala naman kasi akong cellphone na magagamit pang nood sa app na 'yon dahil de-pindot ang phone ko.

"Ang mahal naman?" reklamo ng babae. Ang boses niya pa ay nagtataka ngunit may lamya, teka pamilyar 'yon, ah?

Bumubulong-bulong pa na dalawa lang daw ang bibilhin niya. Napaangat tuloy ang tingin ko, kung makareklamo kasi, may mga tao talaga na akala mo nililinlang sila sa presyo pero hindi ko rin naman sila masisisi dahil marami nga naman ang nag-o-overprice!

Nang makita ko siya ay napatitig ako saglit. Bumaba rin ang tingin ko upang sipatin ang ano mang posibleng makita ko kahit na nasa kabilang bahagi ito habang nasa loob naman ako ng souvenir shop.

Magandang tanghali sa ating lahat, isang napakagandang araw para sa napakagandang bakasyonista ng Dapit-hapon—pero...

"Miss, mahal ang bilihin ngayon. Kung hindi ako tutubo mamumuti nalang talaga ang mata ko." Lumabi pa ako, sabay ngiti.

Bugtong hiningang nilapag ko sa likod ang papel na hawak ko upang ibigay ang buong atensyon sa kaniya. Tumayo ako upang harapin siya ng tuluyan suot pa rin ang ngiti.

Kahit gaano kapanget ang araw mo. Ngumiti ka. May araw talaga na hindi sang-ayon sa 'yo ang lahat pero hindi ibig sabihin na palagi nalang gano'n, mayroon ding magandang araw na sasalubong para sa 'yo. Tulad niya, maganda! Kita mo nga naman, dito sa Dapit-hapon na ang may pinakamagandang view ngayon dahil narito siya.

"Kinse isa 'yan 'pag lalagyan ng pangalan, sampo 'pag wala." Inabot ko ang dalawang keychain habang hinihintay siyang mag-isip. Hindi naman siya luge roon, ewan ko ba kung saan siya unang tumingin ng keychain at nagtataka siya r'yan, ganito naman talaga ang presyohan nito, mura pa nga.

Habang naghihintay, mas nakita ko ang kabuoan niya.

Marami talagang nagpupuntang parokyano rito sa lugar namin para magtampisaw sa magandang dagat, puti rin ang buhangin, malinis ang paligid at mababait ang mga tao.

Magastos nga lang. Sobrang gastos.

Tulad ng sabi ko, mahal ang bilihin. Hindi lang ako ang apektado ro'n dito sa lugar namin, halos lahat, pati ang may-ari ng beach resort na 'to nga namamahalan sa bilihin kahit na ang dami niyang pera.

"May balak ka ba bumili o tatayo nalang tayo rito, Miss? Pare-parehas ang presyo ng souvenirs dito pero kung gusto mo magtingin ka pa muna sa iba. Balik ka nalang sa 'kin kung sakaling magbago isip mo." Muntik pa akong mabulol nang tumingin siya.

Wave Back, KahelWhere stories live. Discover now