Chapter Twenty Four

Start from the beginning
                                    

"You're staying here."

"Kiefer."

"No. You're staying here. Hindi ka uuwi. At hindi ka makakaalis hanggat di ko sinasabi."

Napasinghap si Shamcey. Ikinukulong ba siya nito sa bahay nito? Pinagbabawalan pa siyang umuwi?

"Sandali nga lang!" Napatayo ang dalaga. "Lilinawin ko lang 'yong agreement nating dalawa. Pumayag lang ako na sa relasyon na gusto mo dahil 'yon ang kondisyon mo. Pero hindi ako pumayag maging pag-aari mo. Kung gusto ko na umalis, makakaalis na ako. Hindi ko kailangan na hingin ang approval mo!"

Galit na tinalikuran niya ito at nagmartsa pabalik sa kwarto.

Ano ba ang akala nito? Property na siya nito? Pumayag lang siya maging jowa. Hindi siya asawa! Di porke na-appreciate niya ang mga efforts nito at mga ipinapakitang maganda sa kanya, magiging sunud-sunuran na siya sa lalaki.

May sarili pa rin siyang desisyon. Aalis na nga siya. Baka mamaya ikadena pa siya nito sa kama. Di niya alam baka may pagka-pyschotic si Kiefer. Hindi nga kaya? Inisip niya ang alok nito sa kanya na maging girlfriend nito.

Biglaan 'yon. Gusto lang naman siya nito maikama talaga. Biglang GF na? Hindi nga kaya may iba itong binabalak sa kanya?

Nanlaki ang mata niya. Mabilis na dinampot nya ang cellphone at bag. She need to get out of here!

Napalundag siya ng biglang bumukas ang pinto ng silid.

"Where are you going?" puno ng dilim ang boses nito. Mapanganib ang kislap sa mata nito. Napaatras si Shamcey. Tinatagan niya ang mga tuhod.

"Aalis na ako. At di mo ako mapipigilan, Kiefer. You don't own me."

"Okay, I'm sorry about that. Nabigla lang ako." Lumapit ito sa kanya. "Please stay."

Pansin pa rin niya ang tensyon sa balikat ng lalaki. Nagtitigan sila nito ng matagal. Pero di rin niya nakayanan. Siya rin unang nagbawi ng tingin.

Shuta bes, ang gwapo! Ayaw niyang titigan pa. Baka di lang siya magpakangkang dito. Baka magpabuntis na agad siya.

Hinawakan nito ang magkabilang braso niya at bumaba ang mukha sa kanya. Ilang inch na lang ang layo. 

 "Stay with me for two to three more days, please? Ako mismo maghatid sa 'yo pag gusto mo na umuwi. Just stay here with me.." parang nagmamakaawa ang boses na sabi nito.

Nakakapanlambot ng tuhod ang panunuyo nito. Gusto niyang isipin na dapat hindi siya tinatalban ng mga pa-ganon nito. No, di dapat. She's bulletproof..

But marufok.

Mabilis na sinaway niya ang sarili.

"Kailangan magkalinawan muna tayo dito, Kiefer." sabi niya at tinanggal ang kamay nito. "Ano ba tayo?"

"Ano nga ba tayo ngayon?" balik tanong nito.

Grrr! "Eh ano nga ba?!"

"Akala ko alam mo na." sabi nito at umupo sa gilid ng kama.

Oh, God. "Oo, alam ko kung ano tayo. Pero---"

"Alam mo naman pala tinatanong mo pa ako." pamimilosopo nito. Wow, ha?

"Sandali nga, gusto mo ba sa akin manggaling kung ano tayo ngayon? Gusto mo ako na magdesisyon?"

"Sige nga."

Aba't hinahamon pa talaga siya ng letse!

"Pero bago ka magdesisyon, ano ba ang pinag-usapan natin sa hotel? Bago tayo pumunta dito, pumayag ka na sa kondisyon ko. Pumayag rin ako sa kondisyon mo at lahat ng gusto mo pa. I will give you anything you want, Shamcey."

Mayabang na nag-angat ito ng noo. "Kahit anong hilingin mo ibibigay ko pa."

Hindi siya nakapagsalita. Ayaw niyang bigyan ng maling interpretasyon ang sinabi nito. Pero di niya lang magets parang gustong-gusto siya nito. Ganoon na ba siya kaganda para mabitag sa alindog niya ang isang tulad nito?

He was too good to be true.

Bumuntong-hininga si Kiefer. "I'm sorry for acting childish a while ago. Ayaw kitang sakalin, o pilitin na manatili kasama ako. You can go now.. But please, I'm asking you to stay with me."

Lumapit ito sa kanya. Ibinuka nito ang magkabilang braso para ikulong siya sa mainit na yakap nito.

"Kiefer.."

"Kahit isang araw lang. Then, you're free to go."

"Sabi mo 'yan, ha."

Naramdaman niya ang pagngiti nito, pagkatapos ay isiniksik ang mukha sa leeg niya. Nanlalambing. Napamura siya sa isip. Nakakapanghina kapag ginagawa nito iyon. Marupok lang siya!

"Oo. Pupuntahan na lang kita kung saan ka nakatira."

Patay. Mukhang mas okay pa yata kung manatili muna siya kasama ito kahit ilang araw na gusto nito. Wag lang muna ito pumunta sa apartment nila ni Marsh! Okay lang sana kung siya lang nakatira doon. Eh, nandoon ang kaibigan niya. Baka kung ano pa magawa nila ni Kiefer. Nakakahiya naman!

"S-Sige, mag-stay na ako. Kahit ilang araw mo pang gusto." Kusang napayapos na rin siya dito.

Napa-yes ito at pinaghahalikan ang leeg niya.

"Teka, ano ba, Kiefer.. Wag d'yan!"

"May kiliti ka ba d'yan?" Pinaghahalikan pa siya nito lalo doon. Ang hirap magpigil. Napadaing siya.

Natigilan ito, bahagyang nanigas sa tensyon ang katawan. Kapagkuwan ay pinagdikit pa lalo ang katawan nila. Her eyes widened when she felt his heavy lenght against her. "Kiefer!"

Mahirap di mapa-react. Hongloke!

He groaned in her ears, then whispered. "Holdap to, Miss. Hubarin mo mga suot mo kung ayaw mo ikasa ko ang baril."

"Teka--kuya," nauutal na inilapat niya ang palad sa matigas na dibdib nito. "Teka lang, sabi mo baril.. Hindi naman baril 'yan."

"Ano?"

"Armalite na 'yan!"

 His loud chuckle filled the room. Sumabay ang halakhak niya sa kapilyyuhan nito. Ngunit kalaunan, 'yong haha niya. Naging ah-ah na.


-- to be continued.

Claiming the BeautyWhere stories live. Discover now