Four

76 2 0
                                    

TSARB: Chapter 4


"Ms. Secretary!"


Napahinto ako sa pagpasok sa canteen. I turned my right hand into fist. Hindi naman kita ang kamay ko, dahil nasa bulsa iyon ng palda ko. Good thing, I was getting my money inside the pocket of my school uniform. Kaya nasa loob iyon.


"Dito, Ms. Secretary oh!"


I pursed my lips. Mabagal kong itinuloy ang pagpasok sa canteen. Kahit dapat, hindi nalang ako papasok dahil kay Cedric. He called me suplada, and now, calling me Ms. Secretary! Sa canteen pa at maraming tao. Halos sumigaw pa, kaya napatingin sa akin ang iilan na nasa loob!


Kung hindi ko lang naubos ang tubig ni Mina, hindi ako bababa para bumili ng tubig para sa kaniya. Nakalimutan ko kasing dalhin ang tubig ko.


Nasa may tila counter ng canteen namin ngayon si Cedric. Kausap niya ata kanina iyong masungit na tindera ng canteen. Pero mukhang hindi ito masungit kay Cedric. Baka dahil sobrang friendly ni Cedric. Kaya napaamo niya ang masungit na tindera.


Hindi ko tinignan si Cedric nang makarating ako sa may counter. Maliit naman na gumilid si Cedric, para bigyan ako ng space.


"Secretary ng English Club," aniya sa tindera, he was like promoting me!


Napalingon ako agad sa kaniya dahil doon. Nakangiti siya sa akin, at tinaas pa ang dalawang kilay. Walang nakapila sa counter, dahil malapit na matapos ang recess. Marahil, ang mga narito nalang ay iyong nahuli nang kumain. 


"Higher Section. Section 1 galing 'to, Hydrogen. Matalino," si Cedric, na kinakausap pa rin ang tindera pero sa akin nakatingin.


"T-tubig nga po," my voice was so low out of embarrassment.


Bakit kailangan niya pang sabihin 'yun sa tindera? 


"'Yung maliit o malaki?" tunog friendly na rin ang tindera ngayon.


"Y-yung ano po, malaki,"


"Malaki raw," Cedric seconded.


Umalis iyong tindera at lumapit sa ref para ikuha ako ng tubig. Nilingon ko ulit si Cedric, medyo masama ang tingin ko. Na siyang salungat nang pinapakita niya.


Nakapatong ang isang kamay niya sa counter. Nakangiti siya sa akin nang malaki. May towel pang puti na nasa balikat niya.


"Akala ko Biyernes pa ulit kita makikita e. Bumababa ka rin pala sa canteen? Dalasan mo naman," aniya.


Naiinis pa rin ako, kaya hindi ako sumagot. I mean, I do usually ignore him. Pero paano pa ngayon? Nakakainis talaga! Bakit niya ako tinatawag na Ms. Secretary! Hindi naman ako 'yung Secretary ng Student Council.


"'Di ka na pumupunta ng Manila Bay? 'Di na kita nakikita roon," aniya, na akala mo ilang beses na kaming nagkita roon. 


Hindi pa rin ako sumagot.


Buti nalang dumating na ang tindera na masungit, pero friendly ngayon. Nakangiti pa niyang binigay sa akin ang tubig. Dinukot ko naman ang pambayad ko sa bulsa ng uniporme at binigay sa kaniya.


"Thank you po," 


"Magalang," si Cedric, na binalingan ang tindera.


Nangunot lalo ang noo ko at maliit na ngumiti sa tindera. Halos nagmartsa ako patungo sa pintuan ng canteen. Para akong nagdadabog ngayon. Kasi nakakasar naman talaga ang anak ni Ma'am Mendoza! 


"Kitakits sa Biyernes!" pahabol ni Cedric, bago ako tuluyang nakalabas.


Pairap akong kumurap at mabilis na naglakad pabalik sa building namin. Medyo maingay ang iba kong kaklase na nagtatalo tungkol sa formula. Tahimik naman akong lumapit kay Carmina at nilapag sa armchair ang tubig.


"Oh? Anyare sa'yo?" tanong niya nang mag-angat ng tingin sa mukha ko.


"Wala naman," umupo ako sa tabi niya.


"Sinungitan ka ng tindera sa canteen?" tanong niya habang binubuksan ang tubig.


"Hindi naman,"


"Aba, himala," she murmured and drink on her water.


Nang dumating ang AP teacher namin, nawala na sa isip ko ang nangyari sa canteen. Nasa pahina na iyon ng libro, na nasa mesa ko. Tahimik din ang mga kaklase ko, nagbabasa rin sila.


Nagkaroon kami ng recitation, after i-discuss ng teacher ang binasa namin. Nakasagot kami ni Mina, kaya may nakuha kaming chips na smiley face. Ko-kolektahin iyon ng teacher namin sa tuwina, para mabigyan kami ng plus points.


I had lots of things to do, kaya sumakay ako ng tricycle pauwi, pagkatapos ihatid sa iskinita si Carmina. Wala pa si Pearl nang makauwi ako, si Ate Elaine lamang ang nasa bahay. Inimbita niya akong magmeryenda.


Kaya umakyat ako sa kwarto ko para palitan ang uniporme. Bumaba rin naman ako bitbit ang dalawang libro at mga hand outs. Pati na rin ang pad paper, notebooks at ang mga panulat. I did my assignments while eating the snacks.


"Hoy, crush ka raw ni Ashier?" iyon agad ang bungad sa akin ni Mina kinabukasan, hindi pa ako nakakaupo sa upuan.


Abala ang mga kaklase kong lalaki na nasa may teacher's table. Naglalaro sila ng chess, na dala ng isa kong kaklase na lalaki. Iyon ang siyang madalas nilang ginagawa kapag vacant o kapag wala ang teacher namin. Kaonti palang din naman ang tao sa room.


"Crush ka ni Ashier talaga?" 


"Sino 'yun?" tanong ko habang nilalapag ang bag sa upuan.


Nilagay ko ang kamay sa may batok para alisin ang dumikit doon na medyo basa ko pang buhok. Tinukod naman ni Mina ang siko niya sa armchair ko. Mukhang interesado sa sinasabi niya kanina pa.


"'Yung anak ni Mrs. Mendoza? Di mo kilala? Diba sinusundo niya minsan Mama niya? Kapag may meeting kayo?"


Tumaas ang dalawang kilay ko sa sinabi niya, dahil nalaman ko kung sino ang tinutukoy na Ashier. 


Oh, okay. Is Ashier his first name? And Cedric is his second name? Or Ashier is his second name and Cedric is his first name?


Kahit alin ang first at second name niya. Wala naman akong pakialam.


"Hindi," sagot ko at kinuha ang panyo sa bulsa ng palda.


I wiped my forehead. May kaonting pawis doon, dahil sa paglalakad at pag-akyat ko papunta sa building namin. 


"Usap-usapan daw sa kabilang building. Sabi ni Alex," aniya.


"Sino naman si Alex?"


"'Yung crush ko sana na member ng Science Club. Kaso study first e," aniya. "Katabi lang ng room nila Alex 'yung room nila Ashier,"


"Bakit naman usap-usapan?" tanong ko.


"Kasi g na g daw 'yung Kyline ng last section dahil sa'yo," she said, referring to section Selenium.


"Bakit naman siya galit sa akin? Wala naman akong ginagawa sa kaniya? 'Di ko rin siya kilala," I sounded so innocent.


"Kasi crush ka ni Ashier,"


"Hindi naman ako crush 'nun. Kung crush man niya ako, bakit naman magagalit sa'kin 'yung Kyline?"


"Kasi nga, crush daw 'nung Kyline si Ashier," Mina sounded so interested. "Ayaw niya na ikaw ang crush ni Ashier,"


"Hindi naman totoo 'yun. 'Di ako crush 'nun," muntik na akong umirap.


"E ikaw? Crush mo si Ashier?"


"Hindi noh," tumaas ang kanang kilay ko.


Tumango-tango si Mina, mukhang naniniwala na hindi ko naman talaga crush si Cedric. Inalis na rin niya ang siko sa armchair ko at umayos sa pagkakaupo. Umayos din naman ako at nilabas ang notebook sa bag. Naghahanda para sa first period namin.


Hindi ko na inisip ang sinabi ni Mina, maliban nalang noong recess namin. Kasi naisip ko sanang bumaba dahil wala akong dalang biscuit, pero huwag nalang. Hindi rin naman ako nagugutom. 


Naalala ko, tinawag ako ni Cedric na Ms. Secretary sa canteen, paano kung nandoon pala iyong Kyline at narinig niya? Maybe, she then assumed that Cedric has a crush on me. 


When Friday came, Cedric wasn't there. Kahit sinabi niya noong nagkita kami sa canteen na kitakits daw sa Biyernes. Hindi niya sinundo ang Mama niya. Hindi ko alam kung bakit.


At hindi ko rin naman balak na alamin. In fact, I was glad too that the meeting went fine. Ayaw kong ma-issue kay Cedric. I want to have a peaceful life in school. Ayaw kong nadadawit sa issue ng crush crush, lalo pa at hindi naman totoo.


I went home after class, hindi ako tumungo sa Manila Bay dahil makulimlim. Baka abutan pa ako nang malakas na ulan kung sakali. At natitiyak ko na hindi ko rin mapapanood ang paglubog ng araw.


Naabutan ko si Pearl sa bahay. She was talking with maybe one of her friends over the phone. Nasa sofa siya, at nakaharap sa may malaking TV nila. Pero halatang hindi naman niya pinapanood iyon.


"Break na kami noon. Napakadrama kasi sa buhay," she chuckled.


Napatigil ako saglit sa paghuhubad ng sapatos dahil sa sinabi niya. Pero pinagpatuloy ko rin naman kalaunan ang paghuhubad ng sapatos.


"Gusto ko na ngayon 'yung Grade 10, mas matanda sa akin ng 1 year. Ang u-ugly ng mga boys sa room natin," she laughed again.


Nalingunan niya ako habang hinuhubad ko ang sapatos. Ngumiti siya sa akin, halatang masaya at nasa mood ngayon.


"Hi, Karina," she greeted.


"Hi," sagot ko.


Inalis na rin naman niya ang atensyon sa akin at ibinalik na sa harapan. My lips were twitched while I was putting my shoes in the rack. Naririnig ko si Pearl na nagsasalita pa rin tungkol sa 'boyfriend' niya raw na hiniwalayan na niya.


"Di ko nga ma-imagine that I find him handsome. Eww. Like, eww talaga," she chuckled.


Tahimik na akong naglakad papunta sa hagdan, para umakyat sa kwarto. Napahinto lang ako nang kausapin ako ni Pearl. Agad ko siyang nilingon.


"May snack na sa kitchen. Ate Elaine went out pala," aniya, nakatapat pa rin ang cellphone sa tenga niya.


Tumango ako at nagpaalam na aakyat na. I felt like I was so tired that day. Kaya hindi na ako nakababa para kumain ng snack. Kapapalit ko palang ng pambahay at saglit na humiga sa kama. Tuluyan na akong nakatulog.


"Anong section niyo?! Bakit kayo naglalakad-lakad at nagsisigawan sa hallway?!"


Nakabaling kami sa may pintuan ng mga kaklase ko, kung nasaan ang Filipino teacher namin. She's scolding those students in the corridor. They're so loud while she was discussing. Naantala siya sa pagtuturo dahil sa mga dumating na estudyante sa hallway. Halos nagsisisgawan pa.


"Mga gago, may teacher!" isa sa mga estudyante na nasa hallway.


Pagkatapos noon ay nagsipagtakbuhan sila pababa. Walang humarap sa teacher namin. Halatang natakot, dahil kilalang terror teacher ang teacher namin sa Filipino. Maraming takot sa kaniya.


Umiiling-iling ang teacher namin, nakalagay pa ang isang kamay sa bewang nang umalis sa may pinto. Mabilis niyang kinuha ang abaniko sa mesa at pinaypayan ang sarili. She flipped her pixie cut hair. Ang kinilayang kilay, nagsalubong pa.


She was not that hyped like how hyped she was earlier. Mukhang nawala na sa mood at panay ang sulyap sa may pintuan. Gustong tignan kung may padaan-daan pang estudyante. Kung meron man, hindi na niya iyon palalampasin.


She was about to say something to continue her discussion. Nang saktong paglingon niya sa pintuan may dumaan sa hallway. Kaya mabilis siyang umalis sa harapan at lumapit sa pintuan. Muli niyang pinaypayan ang sarili gamit ang abaniko.


Hindi na ako lumingon sa pintuan, hindi katulad ni Mina. Itinuon ko na lamang ang mga mata sa libro na nasa mesa ko. Naghahanda, dahil wala siya sa mood ngayon. Kaya alam kong magtatanong siya tungkol sa na-i-discuss niya kanina.


"Isa ka ba sa mga nag-iingay kanina?" her voice was stern.


"Good afternoon po, Ma'am,"


My brows shot up, and I stopped reading the book. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin dahil pamilyar ang boses. Hindi ko pa man nakikita kung sino, siniko na ako ni Carmina.


"'Yung anak ni Ma'am Mendoza," bulong niya na may kasamang tawa.


I glanced at her and looked at the door. Cedric was there, holding a box of chalk. 


"Oras ng klase at kanina may mga nagsisigawan dito sa hallway, habang nagkakaroon kami ng diskusyon. Kasama ka ba ng mga 'yun Mendoza? At naglalakad-lakad ka sa hallway? Kahit oras ng klase?" 


"Ay, Ma'am hindi po. Nautusan po ako sa faculty. Pinapahatid kay Ma'am Santos," he showed the box of chalk.


The strict teacher nodded her head. Muli niyang pinaypayan ang sarili at tumango kay Cedric.


Ngumiti si Cedric sa kaniya, at tumingin sa loob ng room namin. Nasa pinakaharapan ako nakaupo. Hindi naman malapit sa pintuan. Pero isa ako sa mga nakikita kapag may sumilip sa pintuan ng room namin.


When he found my eyes, he smiled automatically and even nod his head. Napatingin tuloy 'yung teacher namin sa akin. Nagtaas agad siya ng kilay, nagtataka. Binalik niya ang tingin kay Cedric, muling pinaypayan ang sarili.


Siniko naman agad ako ni Carmina. 


"Sabi sa'yo e. Crush ka nga ata niya!" pabulong niyang sigaw, tunog excited.


"Sige na, Mendoza," our teacher dismissing Cedric.


"Sige po, Ma'am. Bye po,"


He glanced at me again before he left. Iniwas ko naman ang tingin sa pintuan at nagbaba na ng tingin sa aklat na nasa harap ko. Carmina was still teasing me. Pero tumigil din nang bumalik ang teacher namin sa harapan.


Dahil isa lang ang assignment na gagawin ko at madali lang naman, hindi ako agad umuwi. Isa lang din ang libro na nasa bag ko ngayon, hindi mabigat. Naglakad ako patungo sa Manila Bay kasabayan ng ibang schoolmates ko na naglalakad din. 


"Sa Luneta kaya tayo?" rinig kong sabi ng isa sa schoolmate ko na nasa may harapan.


Nang makarating sa Bay, may iilang nagbi-bisiklita sa gilid. Marami ring nakaupo sa nakataas na semento. Handa nang panoorin ang paglubog ng araw. Meron din namang nakatayo roon.


Bumagal ang lakad ko, nang makita ang puwesto kung saan ko unang nakita si Cedric. Na siyang naging huling beses na rin na umupo ako roon. May nakaupo roon ngayon, pero hindi naman isa si Cedric sa mga iyon.


Pinagpatuloy ko ang paglalakad, papunta sa bago kong spot. Mabilis akong sumampa sa nakataas na semento at naupo. Pinagpag ko ang kamay ko at nilagay sa may hita ko ang bag.


Tapos ko na iguhit ang gusaling ginuhit ko noong nakaraan... mag-iisip pa ako nang bagong iguguhit, baka bukas ko na sisimulan. Siguro, bahay na mala mansion na naman ang susunod kong iguguhit. 


Kinuha ko ang panali na nasa palapulsuhan at tinalian ang buhok, nang hindi nagsusuklay. I wetted my lips to moisturize it. Kinuha ko rin ang panyo sa bulsa at pinawisan ang mukha na may pawis na.


After returning the handkerchief inside my bag, I handed my phone. It was Tita Prescilla's gift to me. Inaalagaan ko nang maayos ang cellphone ko. Dahil bukod sa ito ang kauna-unahang cellphone na nakuha ko sa buong buhay ko. Regalo rin ni Tita Prescilla sa akin 'to.


Hindi naman lahat, kaya kang regaluhan ng cellphone.


Tinutok ko sa papalubog na araw ang cellphone ko. Nag-umpisa nang kunan ng larawan ang araw sa abot-tanaw. I tapped the screen, para magfocus ang camera sa kulay kahel na araw.


I love taking pictures of the setting sun. Bukod sa gusto kong magkaroon ng larawan ng papalubog na araw sa phone ko. I love showing it to my Lola too. Kapag umuuwi ako sa Laguna, pinapakita ko iyon sa kaniya dahil paborito niya ang sunset.


Nasa kalagitnaan ako nang pagkuha ng larawan, nang may nagsalita sa likuran ko. Kaya maliit akong nagulat.


"Hmm, dito ka na pala umuupo ngayon. New spot?"


Agad kong binaba ang cellphone ko, na muntik ko pang mabitawan dahil sa gulat. Maliit nang nagsalubong ang kilay ko nang lingunin ko ang anak ni Ma'am Mendoza. He was smiling widely, that his eyes were almost closed. There's a blue hand towel on his right shoulder.


Masama pa rin ang tingin ko sa kaniya. Na hindi niya binigyang pansin. Basta nalang siyang sumampa sa nakataas na semento, para tumabi sa akin. He grunted a little. Pinagpag niya ang dalawang kamay matapos maupo. At nilingon ako.


"Hi," bati niya, tinaas baba pa ang kilay.


Nakakaasar ang mukha niya.


"'Di tayo nagkita noong Biyernes. May practice kami para sa role play namin 'nun e," share niya lang.


Pake ko naman?


"Buti nalang nakita kita sa canteen 'nun. Sakto, kasi 'di tayo nagkita noong Friday, noh?" kinuha niya ang towel sa balikat niya at pinunasan ang noo niya.


Nagkibit ako ng balikat. Hindi niya alam kung gaano ako kasaya na wala siya noong Friday.


"Pero nagkita ulit tayo ngayon. Tuesday palang ngayon ha, pero nagkita na tayo," he sounded so proud. "Partida, 'di pa Friday..."


Nakakaasar ang pananalita niya talaga! Feeling niya cool siya at good boy. Ang hindi niya alam, nagmumukha siyang felling close para sa akin. Ano naman kung nagkita kami ngayon? Nakakatuwa ba 'yun?


Nang makita niyang hindi man lang ako natuwa, maliit siyang ngumuso. Ngumiti rin naman siya agad sa akin. Hindi pa rin ako ngumiti at nakatitig lang sa kaniya.


"Alam mo, bagay na tawag sa'yo, Ms. S. Kasi minsan, Ms. Secretary ka. Tapos madalas, Ms. Suplada ka. Uso naman ngumiti e," he chuckled and wiped his neck with his blue towel.


Pairap kong inalis ang tingin sa kaniya at inangat na ang kamay na may hawak na cellphone. Para ipakita sa kaniya na hindi pa rin ako interesadong kausap siya, kahit ilang beses na kaming nagkita.


"Ano 'yan? Patingin ako..." 


Nilingon ko siya dahil doon. Nakangiti siya, nakatingin sa cellphone ko.


"Kinunan mo picture?" he glanced at the horizon. "Patingin ako, kung maganda ba."


"Ayaw ko," maliit akong umirap.


"Lah. Sungit ah. Ms. S. ka talaga no?" humalakhak siya. "Titignan lang kung maganda e, bakit galit ka na agad? Inirapan mo pa ako, Ms. GGSS."


"Pake mo naman kung umirap ako," I scoffed.


Humalakhak siya at hinaplos ang ilong. Umismid ako sa kaniya at itinuon ang atensyon sa cellphone. Mabilis akong nag-swipe sa gallery, para makita ang mga kinuha kong larawan. At para malaman kung marami na ba akong nakuhang picture ng sunset.


"Ganda nga," aniya.


Agad ako napalingon sa kaniya, na nakikitingin na rin sa cellphone ko. Sinamaan ko siya ng tingin at nilayo ang cellphone, habang nasa mukha pa rin niya ako nakatingin. Kaya kita ko ang pagkibot ng labi niya, dahil sa paglayo ko ng cellphone ko.


Agad siyang nag-angat ng tingin sa akin. Kaya nagawa naming tumitig sa mata ng isa't-isa. Maliit pa rin na magkasalubong ang kilay ko.


"Ganda ng mga kuha mo," aniya at ngumiti.


Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa mga mata ko. Ganoon din naman ako, dahil ayaw kong magpatalo.


"Ang ganda ng mga mata mo," aniya pa.


Napaiwas agad ako ng tingin dahil doon. Tahimik akong tumikhim at pinatay na ang cellphone. Naisip na ibalik nalang iyon sa bag.


"Ang ganda ng mga kuha mong larawan. At ang ganda ng mga mata mo... parang ikaw," aniya, nahihimigan ko ang ngiti sa boses niya. 


***



That Sunset Along Roxas Boulevard (Sintang Paaralan Series # 3)Where stories live. Discover now