Chapter 46

21.4K 494 67
                                    


Isang Babae ang Dumating at ang Babaeng Iyon ay Walang Iba kundi si...

CHEENA!.

Naghila pa talaga ito ng Upuan Papunta sa Table namin, Nakita ko ang Pagdikit ng mga kilay ni Liam at Light na mukhang Hindi nagustuhan ang pagdating ng babae.

Kahit naman ako ay Nagulat din, Di ko Expect na I-invite siya Ni Light,Pero Oo nga Pala, Sila nga Pala ni Cheena.

Nakita ko ang Pagtataka sa mukha ng mga anak ko ang ibang Mga tao naman ay Nakatingin sa amin at Nagbubulungan, Mukhang mga may Alam sa Past naming Apat. CHISMIS.

Pumagitna pa talaga siya kay liam at Light. At Syempre walang magawa ang mga kalalakihan kundi ang Umurong na lamang dahil alam namin na Hindi papaawat itong si Cheena.

Umupo ito ng komportable  bago Tumungin at Ngumiti sa mga anak ko.

"Finally, Nakita ko din kayo!". Saad ni cheena.

"Sino ka po?". Tanong Ng Cute kong anak.

"You Didnt Know Me?". Madramang sabi pa ni Cheena nang hindi siya kilala ng anak ko.

"Magtatanong po ba Ako kung kilala ko po kayo?". Pambabara Ni storm sa kanya, na Ikinagulat nito.

Burn baby Burn, kanta ng utak ko. Dahil natuwa ako sa sinabi ng aking anak.

Teka nga Kailan pa?,kailan pa natutong mangbara ang anak ko?. Pero Sige pagbibigyan ko siya ngayon.

"Ohh..Sharp Tongue, Like it, But-, Anyways Let Me Introduce myself!". Sabi ni Cheena ay tumayo mula sa pagkakaupo nito.

"I'm Cheena Dela Fuente!". Nagbow pa ito sa aking mga Anak Ngunit tinignan lang siya nito na para bang wala silang pake.

"Okay po!." Boring na saad nila.

Nakita ko ang Pagkapahiya sa Mukha ni Cheena dahil sa sinabi ng aking anak.

"And I'm The Ex Girlfriend of Your Daddy And Your Tito Liam!". Pagmamayabang pa nito.

Nakita ko ang paghablot ni Liam sa Mga Bisig ni Cheena na Pinipilit siyang Umupo nalamang at Nakita ko din kung paano masaktan ang dalaga.

"So What po?, Hindi naman po kayo kagandahan mukha nga po kayong Clown sa Dami ng Make up niyo eh, Kaya po siguro kayo iniwan Ni Daddy at Tito." Saad ni Thunder ulit sa kanya.

"THUNDER ENOUGH!!". Tumayo na ako at Tinignan ng Masama ang aking anak.

kahit Naman Hindi ka Respe-Respeto itong si Cheena ay Mas Matanda pa din Ito sa kanya, At Hindi na tama ang Sinasabi ni Thunder,kanino siya natutong sumagot?.

"TOTOO NAMAN PO!!". sabi Naman Ni Storm.

Na Ikinatayo at Ikinagalaiti ni Cheena akmang Bubuhusan ng Tubig ang mga anak ko ng Hilain ito ni Liam at Sabay silang Umalis.

"THUNDER and STORM!,AFTER THIS WE'RE GOING TO TALK!". Galit na sabi ko at Umupo na, dahil sa Too much attention sa amin.

Nang Dumating ang Pagkain ay Kumain agad ako,Samantalang ang mga anak ko ay Binagalan ang pagkain.

Arghh,Alam ko na Ito, Ayaw nilang mapagalitan kaya binabagalan nila ang pagkain.

Pagkatapos nilang Kumain ay Agad kaming pumunta sa Hotel at Doon kinausap ang Dalawa.

"Thunder and Storm, Bakit ganun ang ugali niyo?, Hindi ko kayo pinalaking palasagot!!." Sigaw ko sa kanila.

Parehas silang nakayuko at Walang Imik.

Hiding My Sons (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon