your soul.

150 1 0
                                    

“TARANTADO KA!!! HUMANDA KA SA AKIN KAPAG NAABOT KO YANG PAGMUMUKHA MO!! SISIRAIN KO YAN!!! F********!!!!!!”

OH MY GOD!!! Si sam ba talaga to?? Imposible!!!

Dali dali pa akong lumapit para makita kung sino ba talaga tong kaaway nya.

Laking gulat ko ng makitang nakatayo don si Annie na hinaharangan naman ni Yza.

Grabe hawak sya ni Cha sa may braso si ate pichi sa kabila naman..yung 2 nyang teamate sa may damit.

Sobrang galit na galit si Sam..ramdam na ramdam ng lahat yung galit nya.

Si Annie wala nakatayo lang don..

Lumapit pa ako pero wala ako magawa natatakot ako sa pedeng magawa ni Sam.. ganito pala magalit ang isang tao na napaka bait.

“TARANTADO KA!!!!!!!!!!!!HINDING HINDI KITA MAPAPATAWAD!!!!!!!!LUMAPIT KA DITO!!!!!! TATADTARIN KITA NG BUHAY!!”

Tapos sumigaw din si Annie..

“Ano ba sam!!!! Itigil mo na to!!!”

“T********* TUMAHIMIK KA DYAN TARANTADO!!! ANG KAPAL NG MUKHA MO!!!!BITAWAN NYO KO!!!! HAYAAN NYO KO TADTARIN NG PINO ANG BABAE NA YAN!!!”

Hindi pa rin ako makapaniwala sa naririnig ko kay sam..imposible!

Hindi ko kayang makita sya na ganito...

Dahan dahan akong lumapit kay sam..

“sandali lang Kaye baka masaktan ka ni Sam..” sigaw ni yza.

Pero..wala naman nakakaintindi kay sam.

Patuloy pa din sya nagwawala na parang gustong gusto talaga nyang patayin si Annie.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa pagkakaibigan nyong dalawa Sam. ang alam ko lang...

“MAMATAY KANA A......nnie~~”

Sobrang nasasaktan ka na.

Nagulat ang lahat ng tumigil si sam sa pagwawala ng yakapin ko sya.

“Tama na please....Sam..” bulong ko sya habang yakap yakap ko sya.

ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buo nyang katawan sa galit.

Naramdaman ko din ang pagbagsak ng balikat nya at nagsimula syang kumalma.

After non ay inihatid na ni Yza si Annie sa labas para umuwi..

After ng lahat ng yon ay binihisan ko si sam ng tshirt at  maayos na pinahiga ang lasing na lasing na si Sam sa kwarto.

Sa paglabas ko ng kwarto ay bumungad sa akin si ate pichi at cha.

“ok na ba sya??” tanong ni ate pichi.

“oo..nakatulog na sya sa sobrang kalasingan. Ano bang nangyari at nagwala sya ng ganon?”

“Si annie kasi!! Yung lecheng yon!!! Akala mo kung sinong may anghel na mukha!! Nakakaasar!” panggagalaiti naman ni Cha.

“si annie?? Bakit anong ginawa nya??”

“kasi ganito yon..lasing na kasi si sam nung dumating si Annie, e tahimik naman kasi si sam nung una e..ewan ko ba at biglang nagpahaging itong si Annie tungkol kay elly ayun nagwala si sam.” Paliwanag ni Cha.

“sino ba talaga itong si elly??”

“since mukhang ok naman kayo ni sam sige sasabihin ko sayo ang story nila. Pero wag mo na lang siguro sasabihin sa iba..ako at si cha lang ang nakakaalam nito e pero ang alam ko parang alam na din ata ni Yza..”

Si yza?? Alam din ni Yza??

“parang hindi mo naman ako kilala ate pichi..safe ang secrets mo sa akin.” sagot ko naman kay ate pichi.

Tapos non ay pumunta kami malapit sa may dagat yung wala masyadong tao.

Tapos non angsimula ng sabihin ni ate pichi kung anong alam nya kay annie, elly at kay sam.

Sa wakas malalaman ko na din ang tungkol sa kanila.

Ang dahilan kung bakit nagbago si sam.

my one great love - but she's a girl!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon