Modular Class: Week 1

Comenzar desde el principio
                                        

Isa pa yan. Mas madalas pang hindi umaagos. Eh nagbabayad pa naman kami ng malaki. Nakakainis lang talaga! Kaya ang ginawa ko, nagmadali akong maglakad papunta sa banyo.

"Bahala kang matae dyan! Ako ang mauuna. Maliligo pa ako! Atsaka akin itong tubig sa banyo. Kaya manigas ka dyan!" syempre isinigaw ko din yun.

Aba! Hindi pwedeng siya lang ang nagtataas ng boses. Eh mas ate ako sa kanya. Ako ang boss!!

"Ate, natatae na talaga ako! Paunahin mo na ako. Mas importante ito kesa dyan sa pagligo mo!"

Importante pala ha. "Pwes! Natatae rin ako! Kaya bahala kang magkalat ng tae dyan!"

"Peste ka! Ang damot damot mo talaga, ate!" sa tono niya ay parang inis na talaga siya.

Lihim akong natawa. Bagay lang yun sa kanya. Hindi naman pwedeng ako lang ang mainis dito. "Bwiset nito." bulong ko pa bago tuluyang makapasok sa banyo.

Sobrang boring talaga ng araw ko ngayon. Wala akong ibang magawa kundi tumunganga. Kumain. Manood ng TV. Magwattpad. Matulog..... ng kahit konti. Makipag-away sa mga kapatid ko. Magcellphone, scroll up, scroll down, ang ending puro shared post lang. Bahala kayong mapuno at magsawa sa mga shared post ko. Memes lang naman ang karamihan. Mahilig ako dun eh. Minsan rin ay nagshe-share ako ng mga emote-emote, wala namang jowa. Basta trip ko lang. At walang basagan ng trip. August 19 pa kasi ngayon at September pa ang simula ng modular class namin. Excited na talaga ako. I'm sure madali lang sagutan ang mga yun. Tamang google lang. Ganon.

"Haay..." napatitig ako sa kisame. "Sana naman magsimula na ang klase. Nakakabagot!"

Kaya't para naman magkaroon rin ng silbi itong katawang lupa ko, naisipan kong ayusin nalang itong kwarto kong parang dinaanan ng bagyo. Mag-iisang oras na akong nagkakalkal dito sa cabinet para maghanap ng kulay asul na comforter at pillowcase. Naghanap lang ako ng naghanap hanggang sa may naalala ako.... Parang may biglang pumitik sa noo ko at sinabing "ang bobo mo!"

Peste lang talaga. Naalala kong wala pala kaming ganung kulay ng mga gamit na hinahanap ko. Ayun nga, dahil sa katangahan ko, nasayang na naman ang kalahating oras na 'yon.

Inis akong napasalampak sa sahig at dumausdos pababa hanggang sa mahiga na ako.

Tamang muni-muni lang ang ginagawa ko at iniisip ang mga asawa ko sa wattpad nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Luna?" Sumilip ang ulo doon ni mama.

Tumayo ako at binuksan ng malaki ang pinto. "Ano ho yun ma?"

"Nakuha ko na itong mga libro mo. Kakailanganin mo yan sa 1st sem." May ibinigay syang isang handbad na puno ng libro.

"Si mama naman. Akala ko wattpad books na eh." biro ko dito.

Pabiro nya akong hinampas sa nuo. "Aba't itong batang 'to.. hindi ba't kakabili lang sayo ng papa mo kahapon? Ah ah ah! Ako pa ang iisahan mo ah."

Natawa na lang ako. Napakawais talaga ni mama. Buti at wala yung sapi ngayon. Hihihihi!

Walang pakealam na ibinagsak ko lang sa kama ko ang mga libro at sumalampak na naman sa sahig.

In-open ko ang pangalawang mundo ko.... ang wattpad.

May bago na naman akong babasahin. Tsk. Samantalang kakapangako ko lang nung isang araw na tatapusin ko muna lahat ng nasa library ko bago magdagdag. Pero kita mo nga naman ngayon, mabuti nga't hindi marunong sumuko itong library ko.

Ang binabasa ko ngayon ay tungkol sa isang babaeng nakapasok sa isinulat niyang nobela. Gawa ito ng isa sa paborito kong author dito sa wattpad.

Busy ako sa pagbabasa nang biglang parang yumayanig ang sahig. Taranta akong bumangon at nakitang sa kama ko pala nanggagaling yun.

Malakas ang yanig at parang may gumagalaw galaw pa sa handbag na kinaroroonan ng mga libro.

Parang may umiilaw pa dito!!!

"Ano to?!"

Medyo nahihilo na rin ako sa pagyanig at idagdag pa ang mas tumitingkad na ilaw sa handbag.

Anong nangyayari?! Mahiwaga ba ang mga librong nakuha ni mama?! Jusko! Mag ubukas ba yan at hihigupin ako at dadalhin sa ibang dimension?! Sus mareosep!!! Ito na ba yung hinihiling kong mapunta ako sa wattpad world?!

O baka naman ito na yung pinakamalaking pantasya ko na lalabas na mula sa libro ang mga asawa ko?!

Jesus Christ!!! Lalabas na ba dyan si Sensui at ako na ang gagawin nyang taguro?! O baka naman lalabas mula dyan ang PS Men at gagapangin ako?!!!

Waaaaaahhhhhhh!!!

Ano ba kasing nangyayari?!!

Tuluyan na akong napapikit nang lumiwanag pa ng sobra at parang nabingi ako sa tunog ng parang kalansing ng takip ng coke at ikinikiskis sa semento! Nakakangilo!!! Pucha!!

Ilang minuto lang ganon nang sa wakas ay tumigil na.

Unti unti ko munang sinanay ang mata ko bago tuluyang dumilat ngunit sa pagbukas rin ng aking mga mata ay tila nananaginip ako na nasa isa akong isla!!! Pucha nasa temptation island na ba ako?!!!!

Nanlaki ng sobra na abot hanggang tuktok ng mount everest!!! Jusko Lord!!! Sino itong mga naggagwapuhang nasa harapan ko?!!!!

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Apr 07, 2021 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Ls Tutorial: The Modular Class🖤Donde viven las historias. Descúbrelo ahora