Modular Class: Week 1

1 1 0
                                    



Alas nuwebe y medya na ng magising ako. Actually, kanina pa talaga ako nagising, natulog lang ako ulit. Pakialam mo ba? Eh sa tinatamad ako eh.

Pagkalabas ko ng kwarto ko, yung kapatid ko na agad ang unang nakita ko. Hindi ko alam pero bigla na naman akong nainis sa kaniya. Ewan. Para kaming mga aso't pusa at dinagdagan pa ng isang daga, ang bunso naming kapatid. Oh diba lakas maka-tom-and-jerry ang peg? Kasali nga lang si spike.

Baka dahil sa ugali niyang pang-abnormal? O baka naman dahil sa mga kilos niyang parang pang-abnormal. Naku lang, kung February lang pinanganak itong kapatid ko, baka maniwala na talaga akong abnormal siya.

Hindi ko na lang siya pinansin dahil baka magsimula na naman kami ng world war III.

Nag-almusal na ako at ginawa ang mga gawaing bahay. Mahirap na, baka magfreak out na naman si mama. Baka magtransform na naman into Dragon (according to my evil-brother) yun. Well, sang-ayon naman ako dun. Pero shhh lang kayo, secret lang natin yun. Ma-confiscate pa tong phone ko eh.

Kasalukuyan akong naghuhugas ng plato nang marinig ko na naman ang sigaw ni mama. Napangiwi na lang ako. Ano ba yan. Para namang hindi pa ako nasanay. Eh wala namang araw na hindi sumigaw yan. I think it's really her hobby. Mayamaya pa ay lumapit sakin ang bunso kong kapatid. Si Lance, grade 1 pa lang, lumalaban na din.

"Bigyan mo raw ako ng forty."

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Mukha ba akong bangko na kukunan lang niya ng pera? "Bakit sakin ka nanghihingi?"

"Sabi nga ni Mama."

"Wala nga akong pera. Diba nakay mama ang pera? Tanga mo. Hindi naman ako ang nagba-budget kaya chupe!"

Inirapan naman niya ako na nagpa-angat ng dalawa kong kilay. Tiningnan ko sya ng masama at pagsasabihan na sana ngunit dali-dali namang umalis.

Tatlo kaming magkakapatid at ako ang pinaka-ate. Nasa grade 11 na ako. Unfortunately, malas nga dahil naabutan pa ako ng Kto12 na yan. Depuga! 1st year college na sana ako ngayon.

Wala ring araw na hindi kami nagwa-war ng mga kapatid ko. Eh sa nakakairita. Sumasagot na! Mas matapang kesa sakin na ate nila. Mga pipitsugin lang naman. Tsk.

Nagpatuloy nalang ako sa paghuhugas nang bigla ko na namang marinig si mama. "Luna! Ang sabi ko bigyan mo ng pera itong kapatid mo at nang makabili na ng ano. Nanjan yung pera sa ibabaw ng drawer ng mga pinggan. Ano ba yan?! Ang simple simple ng inuutos ko hindi nyo pa magawa?! At ano itong sabi ng kapatid mo na sinabihan mo akong tanga?!"

Napapikit ako ng mariin hindi dahil sa sermon niya kundi sa huling salitang sinabi nya.

At kailan ko sya sinabihang tanga?! Napabuntong hininga ako. Bwiset na Lance na yan.

"Humanda ka saking bata ka." bulong ko sa hangin.

Pagkatapos kong gawin lahat ng kailangang gawin. Nagpahinga muna ako. Syempre alangan namang magtatatakbo pa ako. Sino ba namang baliw ang gagawa nun? Ewan ko talaga sayo. Tsk tsk tsk.

Akala ko exception ang araw na 'to sa laban namin ni Laurence, ang pumapangalawa sakin. Siya yung una kong nakita kanina pagkagising ko. Grade 7 palang, lumalaban na.

Pero akala ko lang pala 'yun.

Maliligo na kasi dapat ako nang magsalita ang kapatid ko. Nasa sala sya at nasa may kusina ako. May kalakihan ang bahay namin kaya kailangan pang isigaw para maintindihan.

"Ako muna ang una. Natatae na ako!" sigaw niya.

Nagpantig ang tenga ko pagkatapos kong marinig 'yon. Naramdaman ko na naman ang hindi maipaliwanag na inis sa kaloob-looban ko. Sino ba naman ang hindi maiinis? Eh naghirap ako sa pag-igib mula pa doon sa kabilang bahay, ang bahay ng lola ko sa kadahilanang wala na namang agos ang tubig sa gripo namin.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Apr 07, 2021 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Ls Tutorial: The Modular Class🖤Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ