Ls Tutorial: The Modular Class

2 1 0
                                    



Lock down. ECQ. GCQ. MECQ. MGCQ. Ewan ko kung anong mga sikyu-sikyu na yan. Sa sitwasyon natin ngayon. Nakakabagot na. Lahat ng tao, isa lang ang katanungan. Kailan pa ba ito matatapos?!

Nakakabagot na eh. Miss ko na ang buhay ko dati. Yung wala pa ang COVID19 peste na yan. Miss ko na magshopping. Magmall. Mag-arcade. Magsalon. Kumain sa restaurants. Manood ng sine. Gumala. Pumasok sa eskwela. Miss ko na lahat yan.

At syempre, dahil nga mahigpit ngayon at kailangan palaging secured, dapat nasa bahay ka lang.

Kaya pati pag-aaral.... SA BAHAY LANG DIN! Depugang ina! Dati gustong-gusto ko ito eh. Gusto kong wag na pumasok sa school at sa bahay nalang sagutan ang mga quizes. Pero binabawi ko na ngayon. Dahil ngayong nagkatotoo na nga ang wish ko, napatunayan ko. Napatunayan kong ANG HIRAP PALA! Bwiset! Nakaka-depress! Nakakastress! Nakakabaliw!

Ngayon, mas gusto ko nang bumalik nalang sa face-to-face classes. Dahil hirap na hirap na talaga ako!

Punong-puno na ako! I think I will lose my mind any moment now. Nagkakandaleche-leche na marahil itong mga brain cells ko.

Paano ba naman, pang-apat na araw ko na ito sa pagso-solve nitong math problems, pero hanggang ngayon wala. Nganga pa rin! Just great! don't forget to note the sarcasm.

Tss! Alam ko namang mahina talaga ako sa lahat ng subjects lalong lalo na sa math. Ni kahit nga harap-harapan ng itinuturo sakin ng teacher ko at halos isampal na sa mukha ko ang mga numbers, hirap na hirap kong nagi-gets. Sa pageant lang naman ako magaling eh.

Aba! Ano pa kaya ngayon na umepal pa talaga itong pesteng modules nato. Hindi ko na alam kung paano pa 'to intindihin. Ghad! Can somebody teach me how to solve this freaking math?!

Ang hirap talaga. And to add a cherry on top, umiyak pa ako! Grabe! Posible pala yun? Yung maiiyak ka ng dahil lang sa pagsosolve ng math. Hayyst. I don't know what to do anymore. As in. Mas mahirap pa sa mahirap.

At ang mas lalong nagpastress sakin at labis na ikinagimbal ng mundo ko ay may sumulpot na mga nagga-gwapuhang kalalakihan sa bawat libro ko! Take note, hindi lang isa, hindi rin dalawa, at mas lalong hindi tatlo, kundi walo! Walo talaga! Walo sila!

Paano nangyari yun?! Saang dimension sila galing?! Bakit nandito sila?! Kailan ba ako magigising sa letcheng panaginip na'to? O panaginip ba talaga ito?! Wala namang panaginip na aabot ng ilang oras, araw, buwan, o taon diba?! Ang dami na ngang pugang inang mga tanong sa modules ko, mas dumami pa ang katanungan sa isip ko! God! Ano na ba tong nangyayari sa buhay ko?!

Tinanong ko sila ng napakarami. As in mas marami pa sa mga tanong sa thesis at ang tanging sagot nila?!

"We are your tutors."

Oh diba?! Pero imbes na matuwa ako dahil may makapagtuturo na sakin, inis! Yan ang palagi kong nararamdaman! Dahil madalas kaming hindi magkakaintindihan! Kesyo si ganon, si ganyan, hindi marunong magtagalog, hindi marunong mag-english, hindi nakakaintindi ng ganon ganyan. Punyemas! Mukhang sasabog na ang ulo ko eh!

Gaya nalang nito....

"Control your mouth. Don't curse. God might here you. You dunderhead devil. Fvckin' idiot." palaging sita sakin ng lalaking lumabas mula sa libro ko na Religion. Ang lalaking relihiyosong demonyo at cursing machine.

"Binibini, ano't yan ang iyong kasuotan? Maari bang magbihis ka, dahil ako'y nasusuka sa iyong mukhang ubod ng pangit." yan naman ang laiterong nagmula naman sa libro ko na History. Tsk. Bulag pa ata ang lalaking to eh. Sabihan ba naman ako palagi ng pangit?

"Pwede bang magsalita ka ng wikang Pilipino sapagkat yan ang ating pambansang wika. Alam mo bang labis na naghirap ang ating mga ninuno mapasabatas lamang yan. Tsk!Napakademonyo mo talaga, Lunar." ang masungit na nagmula sa libro ko na Filipino.

"Get your fvckin' laptop and finish your presentation. You have no time for that fvckin' wattpad." ang isa pang masungit na nagmula na naman sa libro ko na Computer. Ang lalaking makita lang akong nagbabasa ng wattpad, ang dami ng sermon. Daig pa ang mama ko kung makasermon.

"Can't you just speak in English?! You know, handsome doesn't speak tagalog." tsk. Ba't di nalang sabihing hindi marunong umintindi ng tagalog? At yan na naman ang lalaking mahangin na nagmula sa English.

"Look at you. And look at me. Can't you see the difference? It's because you're lacking in exercise. Now, get off the bed and let's start the activity!" ang maangas na nagmula sa PE book ko.

"I don't believe you. And again, you're wrong. Just because everything can be explained by Science." palaging kontra sakin ng ubod ng talinong lalaking nagmula sa Science book ko.

And last but the most irritating one...

"You're brain is so slow. Can't you just solve it?! Because frankly saying, I'm so tired teaching you the formulas yet you still don't get it! Damn you! How many times do I have to tell you to just find the value of x. And before you create a fvckin' graph, you need to SOLVE FIRST! Look at me, I'm so smart in solving problems. Psh!" ang hambog na masungit na nagmula naman sa Math book ko.

Oh diba?! May mga magiging tutor nga ako, puro naman mga loko-loko! Mukhang pinaglihi lahat sa sama ng loob! Magtuturo na nga lang, manlalait, maninigaw, at magagalit pa! Eh sino ba kasi ang may sabing lumabas sila sa libro at turuan ako?! Eh nananahimik lang naman ako dito! Depugang ina na yan!

Tadhana naman eh. Ano ba kasi ang trip mo at pinahihirapan mo ako ng ganito?

Please do vote, comment, and share this story. You can also follow me for more updates. Thank you!

This story is a work of fiction. Names, characters, places, and events are fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. And oh, this story that you're going to read is not yet complete and edited. So expect a lots of typos and wrong grammars.
PLAGIARISM is a crime....

Enjoy reading ...

—Maze

Ls Tutorial: The Modular Class🖤Where stories live. Discover now