Mabilis akong gumapang papunta sa isang butas ng kama nang makita kung yuyuko na yung lalaking akyat bahay. Nang maka alis ako sa ilalim ng kama ay nakita kung naka silip yung lalaking akyat bahay sa ilalim ng kama.

Inferness ang bago nung akyat bahay. Amoy yayamanin.

Napangisi ako nung makita ko yung pwet nung akyat bahay. Humanda ka sa akin ngayon. Mabilis akong tumalon sa kama. Pumwesto ako sa likod ng akyat bahay at sinipa ang pwet nun. Natawa naman ako at pinag sisipa yung akyat bahay sa paa."Walang hiya ka! Sino kang hangal ka para pumasok sa kwarto k-----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung mag salita yung akyat bahay.

"E-Eeya Aray!" Napatigil ako sa pag sipa nung marinig ko ang inda ng kung sino. Napaluhod ako at lumapit sa akyat bahay, tinulungan kung maka alis sa ilalim ng kama ang hangal. Nang matulungan kung maka alis ang hangal na akyat bahay ay nagulat ako nung makita ang itsura nung akyat bahay. "A-anong ginagawa mo rito?" Gulat na saad ko.

Tinulungan ko namang tumayo si Antipatiko. Nag kakamot sya sa ulo ngayon. Mukhang nahihiya sya dahil sa ginawa nya. "Eeya, paumanhin sa aking ginawa, may kailangan lang akong sabihin saiyo." Seryosong saad ni Antipatiko. Napangiwi naman ako.

"Ako din may gustong sabihin." Saad ko kay antipatiko. Gusto kung sabihin kay antipatiko na mamaya ay sasabihin ko na kay Ama na ayokong maipakasal sakanya. Ayoko nang maging hadlang pa sakanilang dalawa ni Amor. Nakita ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Nakita ko na kahit anong mangyari ay pipiliin at pipiliin parin ni antipatiko si Amor kahit ako pa ang kasama sa pag pipilian.

Ngumiti ito sa akin. "Ano ang iyun sasambitin Eeya, nakakatuwa naman na parehas tayong may sasabihin sa isa't isa?" Nakangiting saad nito sa akin. Napabuntong hininga ako. Umopo ako sa kama. Umopo din si Antipatiko sa dulo ng kama kung kaya't may pagitan sa aming dalawa. "Ano yung sasabihin mo? Mauna kana." Kagat labing saad ko kay Antipatiko.

Nakita ko kung paano kumonot ang kanyang nuo. "Ikaw muna Eeya, ano muna ang iyung sasambitin? Mas maganda kung Binibini ang nauunang mag salita." Nakangiting saad ni Antipatiko. Tinaasan ko naman sya ng kilay.

Tiloloko ba ako ng lalaking ito? May paganyan ganyan pasya kala mo naman gentle man. Tsk. Kailan pa naging Gentleman ang isang antipatiko?

"Pwede ba? Ikaw na ang mauna! Puyat ako, hindi pa ako nakakatulog dahil sa kakaisip sa-----" nahinto ko ang sasabihin ko nung maalalang sya pala ang iniisip ko. Nakagat ko ang ibaba kung labi. Nakita ko ang pag seryoso ng mukha ni Antipatiko.

"Iniisip mo ba ang iyung kababata? Si Rafael?" Nakangiting saad ni Antipatiko na puno ng pait. Tiningnan ko sya bago umiling iling sa hangin. "Hindi. Aish, pwede ba ikaw ang mauna? Matutulog pa ako, eh. May pasok kapa, tingnan mo naka uniporme kana tsk. May balak ka talagang akyatin ako dito ano? Pasalamat ka wala pa si Ama." Bulong ko sa hangin.

Mahina namang natawa si antipatiko sabay tingin ng kanyang uniporme. Napakamot sya sakanyang ulo. "Eeya maganda ba o hindi ang iyung sasambitin?" Kamot ulong saad nito. Napatitig naman ako sakanya. Kung para sa akin hindi maganda kung para sakanya maganda.

Syempre kalayaan nayon, no! Kalayaan nayon. Maaari nya nang pakasalan si Amor. Maaari nya nang hingiin ang kamay ni Amor kay Don Macario. Magiging masaya ba sya na wala ako. Magiging masaya na sya na walang sagabal.

Paranh naiiyak ako habang nakatingin sakanya. Iniisip ko palang na magiging masaya sya kay Amor parang dinudurog na ang puso ko. Paano pa kaya kung ikasal na sya kay Amor? Paano pa kaya kung makita kung mag karoon sya ng magandang pamilya kay Amor? Baka mag pakamatay na ako nun.

Pero sana sa oras na mangyari ang bagay nayon. Wala na ako sa mundo nila. Wala na ako sa mundong ito. Wala na ako sa panahon kung saan nakatira ang mga ninuno natin. Wala na ako sa panahon kung saan walang teknolohiya. At sana makabalik na ako sa panahon ko kung saan moderno at may kalayaan.

Volviendo Al Pueblo HundidoWhere stories live. Discover now