YHTS #00

16 2 0
                                    


#YOUHAVETOSURVIVE_PROLOGUE

2019


Pagkabukas ng pintuan na nasa harapan nilang dalawa ay kadiliman ang unang sumalubong sa kanila. Wala silang makita ni-anuman at tanging mabibigat na paghinga lamang nila ang kanilang naririnig. Lumakad papasok ang gurong si Gina na nasa edad 30 sa silid pero nagulat siya ng biglang sumara ang pintuang kanyang pinasukan sanhi para madapa siya at tumama ang kanyang ulo sa sahig. Napasigaw siya sa sakit at hinawakan ang kanyang noo na siyang tumama sa sahig, napaiyak siya ng may likidong tumutulo dito, hindi naman malaki ang naging sugat niya at medyo lang ang kanyang hilong naramdaman.

"Ma'am?" Narinig niya ang boses ng isang binatang lalaki na mukhang nasa kabilang dulo ng silid na kanyang kinaroroonan. "Okay lang ba kayo? Anong nangyayari? Nasaang lugar tayo?" Sunod sunod na tanong ng binatang si James, nakasuot pa ito ng uniform na siya 'ring pinapasukang eskwelahan ng guro. Sa katunayan ay estudyante niya ito at pawang nakasama niya sa bangungot na kanyang tinatamasa mula pa ng una.

Tumayo siya habang hawak pa din ang duguang noo.

Pagtayo niya ay siya namang pagbukas ng ilaw sa silid dahilan para masilaw silang dalawa. Sa paraang pagbukas ng ilaw na iyon ay nakita na nila ang paligid. Isang silid ito na walang kahit na anong bintana maliban sa maliit na siwang ng mataas na kisame. Puti ang dingding nito at walang kahit na anong gamit sa loob, maliban sa isang speaker at isang flatscreen tv na nakadikit sa dingding. Katapat niya ang estudyanteng si Jerome na nasa kabilang dulo ng silid, nasa likod din nito ang pintuan kung saan ito pumasok kanina kagaya niya. Ang pinagtataka niya ay para saan ang ilaw na nakapalibot sa gitna ng silid na kulay asul, nakapalibot ito sa silid maliban sa parehong parte nilang dalawa na may guhit sa sahig.

"Ma'a--- ahhh!" Napahiyaw ang binata ng makuryente ito matapos subukang lumakad papunta sa guro.

"Anak, wag 'kang lalagpas sa linya! Okay ka lang ba?" Aniya ng mabatid na may kung anong nakakakuryente sa ilaw na asul.

"Ahh--okay lang. It just electrocute me." Muling tumayo ang umiingit na binata at pareho nilang sinipat ang paligid kung may daan papalabas ng silid na ito.

Ilang sandali lang ay may boses na nagsalita mula sa silid, nagmumula ito sa isang speaker. Isang boses ang namayani sa loob ng silid at napakali ng boses nito na alam nilang ginamitan ng Voice changer upang hindi makilala kung sino ang nasa likod ng boses.

"Hello players. Marahil ay nagtataka kayo kung paano kayo makakaligtas sa larong ito. Believe me or not, there's a way out of here."

Pagkatapos ng binitawang salita ng boses na iyon ay nawala ang ilaw na nasa gitna nilang dalawa. Sinubukang isaling ng guro ang kanyang braso sa lagpas sa guhit niya ay wala na itong kuryente, at ngayon lang nila napansin na may tag-isang katana na nasa gilid malapit sa kanilang dalawa.

"Sa pagtapos ng limang minuto ay unti-unting bababa ang sahig na inyong inaapakan at bigla na lang itong papasok sa isa sa mga dingding, magiging sanhi para mahulog kayo sa pinakailalim ng sahig. And wanna know what's in there? Watch."

Biglang nagbukas ang tv na nasa taas ng speaker, doon ay nakikita nila sa screen ang pinakailalim ng sahig na inaapakan nila.

"Tangina." Nasambit ng binata dahil sa kanilang nakikita.

Sa screen ng tv ay nakikita nila ang mga matatalim na bagay tulad ng malalaking bakal na patusok, mga kutsilyong nakapatayo, mga malalaking suyak na may matutulis na dulo. Maging ang malaking pabilog na bakal na umiikot ng mabilis.

Namatay ang telebisyon at muling may nagsalita sa speaker,

"H'wag mag-alala ang isa sa inyo, dahil maaring hindi mo ito maranasan. Paano? You have to survive, kaya kailangan mong patayin ang kasama mo. Makikita niyo sa silid ang dalawang katana, tag isa kayo. Kailangan niyong maglaban at kapag napatay ng isa ang isa, makakaligtas ang isa at ang isa ay maiiwan. Once na mapatay mo ito, magbubukas na ang pintuan na para sayo at makakamit mo na ang tumataginting na premyo. The game begins in 3...2..1." Pagkatapos magsalita ng boses na iyon ay siyang muling pagbukas ng telebisyon, sa screen nito ay makikita ang timer na nasa limang minuto. Gumagapang ito pababa kaya nagkatinginan silang dalawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You Have To SurviveWhere stories live. Discover now