Chapter 2: Gia's Time Machine

19 0 0
                                    

NAGMAMADALING SUMALILONG si Emi nang makarating na sa shop. Basang basa at ginaw na ginaw na siya kaya saglit lang niyang ginalugad ng tingin ang harap ng shop. Minimalist lang ang pagkakadisenyo ng labas. Purong itim ang pintura ng pader kaya umangat ang asul na bilog na banner kung saan nakalapat ang pangalan ng shop na "Gia's Time Machine" kaya nalaman din agad ni Emi na ito nga ang lugar na kanyang sadya.

Kunwa'y pinunasan pa ni Emi ang sarili gamit din naman ang basa niya pang mga kamay. Nang hindi mapatuyo ang sarili'y doon na siya nagpasyang pumasok na sa shop.

Nanginig si Emi sa lamig na sumalubong sa kanya. De-aircon ang shop at halos dilim ang kanyang nakikita. May iilang LED lightings na asul at pula namang nakasindi pero nangingibabaw pa rin ang dilim ng paligid. Napansin ni Emi na terno ang disensyo ng loob sa labas.

"Welcome! I'm Gia!"

Nasindak si Emi sa biglang narinig na boses na parang boses ng babaeng kumanta sa "Satisfaction." Doon din biglang nag-adjust ang mga LED lightings na asul at pula kaya lumiwanag ang paligid at nasilayan na ni Emi kung anong meron sa loob nitong shop. Nakaayos itong parang internet shop pero ibang gadget ang nakalapag sa bawat cubicle na nakahilera. Hindi pamilyar si Emi sa gadget na iyon. Sleeping mask ang unang sumagi sa isip niya nang maaninagan ang mga ito. Hinanap din niya 'yung babaeng nagsalita kanina pero sa paggalugad ay tila wala pala siyang kasama. Baka naka-speaker lang 'yung nagsasalita. Natunugan din naman niya iyon sa static at dagundong ng boses. Nagbakasakali lang siyang may bababati na sa kanyang staff.

Sumagi na sa isip ni Emi na huwag nang tumuloy pero hindi siya takot sa mga nasasaksihan. Ito naman ang ine-expect niyang madatnan nang malamang may "time machine" ang shop. Nagpasya siyang tumuloy na lang para i-satisfy ang namumuong curiosity.

Nagtaka si Emi nang mga ilang minuto nang hindi nagsasalita iyong babaeng bumati sa kanya kanina. Nag-aabang pa man din siya ng kadugtong na magpapaliwanag kung anong gagawin sa shop o kung paano gamitin 'yung gadget na mukhang sleeping mask. Para pa ngang in-off ang speaker dahil hindi na rin niya naririnig ang static.

Maya-maya'y footsteps na ang narinig ni Emi at mas doon pa siya natakot kaysa sa mga na-engkwentro kanina. Dinig na dinig pa man din niya na papalapit na ito sa kanya hanggang sa masilayan niya ang isang lalaking naka-salamin na nanggaling sa isang room na nasa loob din ng shop.

"Hi Miss! Sorry if this place already weirded you out," tila nahihiyang bumati iyong lalaki.

Hindi nakatugon si Emi sa bati ng lalaki lalo na't hindi niya rin alam ang sasabihin. Parang nataranta naman ang lalaki sa ganoong reaksiyon ni Emi kaya dinugtungan nito kaagad ang sinabi.

"Ugh! This is what I'm telling Geoff last time but he kept insisting his weird ideas... Uhm, anyway, ako naman ang nandito ngayon kaya di ko muna gagawin gusto niya."

Nagsabi-sabi ang lalaki kaya lalong hindi alam ni Emi kung paano mag-re-respond.

"Do you mind if I light the space up? Si Geoff lang naman ang may gusto ng madilim na ambiance."

Napatango na lang si Emi saka sinindihan nga ng lalaki ang main lights
na lalong pinaliwanag ang shop. Doon pa lang napansin ni Emi na may main PC din ito na kagaya ng nasa internet shop, at may nakapatong na tatlong printers sa mahabang desk nito. Meron din itong katabing coffee vending machine na 'di nalalayo sa hitsura ng meron sa 7-11.

Doon din niya napansing mukhang nasa early thirties na may lahing Japanese o Chinese dahil singkit ito at mapusyaw ang balat.

"Hello again! I'm Rui. Isa ako sa may-ari nitong shop. We got the tech like magic. Anyway, it's a long story and it's still 2017. But those VRs are awesome. Like 2020-ish awesome. I hope you'll enjoy it."

Kubo Kids: See You at VR ReunionWhere stories live. Discover now