Prologue

58.4K 1.2K 102
                                    

"Everybody please meet our beloved daughter. Aleya Fiel Villafranco!"

Kumalat ang masigabong palapakan sa buong paligid ng marangyang gusali habang umaakyat sa entablado ang isang magandang babae. Inalalayan ito ng isang pamilyar na lalaki habang nakangiti sa lahat.

At habang pinagmamasdan niya ang dalawa ay hindi niya maiwasang makaramdam ng kasiyahan at kagalakan sa lalaking nakatayo sa gilid ng kapatid niya.


Her beloved Husband....

Gusto niya itong takbuhin, gusto niyang yakapin. Gusto niyang humingi ng tawad dito sa pagkakamaling ginawa niya rito. Nangungulila siya para sa kanyang asawa. Pakiramdam niya ay baliw at abnormal na pumipintig ang puso niya habang nakatitig sa perpektong mukha nito. Ang pinakamamahal niy—-

"And her soon to be husband....Mr. Thyrimm Drake Montecarlo."


Nawala ang ngiti sa labi niya at nanikip ang dibdib niya. Napakapit siya pintuang kinukublihan niya at awang ang bibig na pilit iniintindi ang sinabi ng Ama.

Paano magiging asawa ng babaeng iyon ang asawa niya? Anong sinasabi ng Daddy niya na ikakasal na ang dalawa? Ganoon ba ako nila nais masaktan kaya't kahit kasal pa kami ay pinlano na agad nila ang kasal ng dalawa? At ang asawa ko? Hindi ba niya alam na mamamatay ako sa ginagawa niyang labis labis na sakit na ito?

"Mr. Villafranco. Hindi po ba't nakasal na minsan si Mr. Montecarlo? Annuled na po ba siya? Divorced?"

Lumipad ang tingin ko sa isang reporter na nagtanong. Nabuhayan ako ng loob, alam ko hindi naman ikakaila ni Daddy na kinasal kami Drake diba? At alam ko hindi naman niya pinirmahan ang annulment papers namin diba?

Inihakbang ko ang mga paa ko at binalak na magpakita na sa kanila ngunit natigil ako sa sinagot ni Daddy.

"No it's just a rumor. They never married once. He's very much single. Right Thyrimm?" He looked at him at halos tumigil ang mundo ko ng ngumiti ang asawa ko at tumango sa lahat ng tao.

How could they do this to me? We're Married. We do exchanged our vows. Andoon si Daddy, saksi ko sila.

"Mrs. Villfranco, nasaan po ang isa niyong anak hindi po ba't may isa pa po kayong anak? Bakit wala po siya?kailan niyo po siya balak ipakita at ipakilala sa buong bansa?"

Nabuhayan ako ng loob. Hindi ako itatatwa ni Mommy. I know it. Mommy loves me, she's the only who loves me and understands me...

She's the only one i h—-

"Yes we have. But sadly. She died three years ago."

And from the moment i heard those words. Pakiramdam ko ay tuluyan narin akong namatay sa kinatatayuan ko.Nag-unahan ang mga luha sa pisngi ko at mabuway na humakbang palabas ng lugar. Matagal na pala akong patay para sa kanila.

Matagal na pala akong wala para sa kanila, kahit kahapon lamang ako umalis ng bahay. Kahit kahapon ko lamang nahanap ang tapang at lakas ng loob ko para sabihin ang lahat ng hinanakit ko sa kanila at sa asawa ko.

Ang sakit...

Sobrang sakit...

Sa sobrang sakit ay halos maputulan na ako ng hininga at mawalan ako ng malay. Nanlalabo ang paningin ko dulot ang sakit na iyon at ng pagkahilam ko sa aking mga luha. Hindi ko akalain na kaya kang patayin ng sarili mong magulang sa puso nila kahit alam nilang buhay kapa.

Pinatay na nila ko sa buhay nila. Pinatay na ako ng asawa ko sa buhay niya.At pinatay na ako ng kapatid ko sa buhay niya.

Naikuyom ko ang kamao at nakaramdam ako ng labis na galit. Ng poot, ng pagkamuhi sa kanilang lahat. Hindi lang sa kanila maging sa lahat ng taong alam na buhay pa ako ngunit hindi nagsawalang imik lamang sila. Pati sa Diyos na dati'y nag-iisang takbuhan ko.

Binalot ako ng sobra-sobrang sakit.

Gaganti ako.

Gaganti ako sa lahat ng ginawa niyo sa akin.

Ibabalik ko ang lahat ng ginawa niyo sa akin!

"Sinusumpa ko. Gaganti ako. Hindi ko babawiin ang nawala na sa akin. Ngunit ipaparanas ko sa inyo kung anong ninakaw at kinuha niyo sa akin. Hindi lang doble! Hindi lang triple!Sampung ulit!Sampung beses!Pinatay niyo ako.Pwes! Babalik ako hindi para ipakitang nabuhay ang pinatay niyo!Kundi ibang tao ang pinatay niyo at hindi ako!"

Wicked Cinderella (Completed)Where stories live. Discover now