Wakas

3.4K 149 21
                                    

Ten things to do inorder to get the fangirl's broken heart.

1. Make her notice you AGAIN. ✔

2. Be friends with her AGAIN.✔

3. Always greet her everytime you see her.✔

4. Make her feel that you are always beside her.✔

5. Make extraordinary things that can divert her mind from her broken heart.✔

6. Make sure that she will not be in a relationsip. Specially with JAKE.

7. Make her fall for you AGAIN.

8. Make her jealous. Using a girl. Someone from my past! *evil laugh*

9. Let her tell you that she loves you.

10. Always love her. FIGHT FOR YOUR LOVE!!

Revised by Patrick Jimin

©201*

Muli 'kong tinignan ang notebook na hawak ko kung saan nakasulat ang Ten things na ginawa noon ni Chi para sa akin.

Harold gave me the notebook nang tinapon ni Chi ito. Ito 'yung araw na napagtanto ko na mahalaga si Chi sa akin. Napagtanto ko rin na sobrang daming sakripisyo na rin ang ginawa sa akin ni Chi pero hindi ko man lang masuklian.

Kaya pagkarating ko sa bahay ay agad ko itong binago upang ako naman ang gumawa ng ganitong effort para sa kanya. Tutal naman ay mahal ko na siya. Mahal na mahal.

Naghanda na ako para sa napag-usapan naming pagkikita ni Chi. Isang oras pa man bago ang napagkasunduan naming oras pero naisipan ko nang umalis. Excited ako, oo. Hindi ko maitatanggi.

Nakatanggap ako ng tawag bago pa man ako makalabas sa unit ko. Unregistered number ito kaya nag-alangan akong sagutin pero may parte sa akin na gustong sagutin ito. Baka kasi importante.

"Hello?" Tanong ko.

Tahimik lang ang kabilang linya. Ibaba ko na sana ng marinig ko ang ubo ng matanda.

"Hello? Is this Patrick Abanero?" Matigas na ingles na sabi nito. Marahan akong tumango kahit na alam ko namang hindi ako nakikita nito.

"Yes po."

"I'm Ricardo Gutierrez, Chinita's father. Can you please meet me in a coffee shop? May pag-uusapan lang sana tayo."

Agad akong kinabahan sa narinig ko. Hindi ko alam kung akin bang pauunlakan ang nais ng ama ni Chi pero naisip kong mahalaga ito. Kailangan ko ring harapin ang daddy niya. Alam kong mayroong hindi pagkakaunawaan ang namamagitan sa pamilya ni Chi patungkol sa amin.

"Okay po. I'll meet you."

Maaga akong nakarating sa lugar kung saan kami magkikita. Ako pa lang mag-isa sa table at umiinom ng tubig para mabawasan ng kahit kaunti ang kabang aking nararamdamman.

Hindi ko alam kung para saan itong pag-uusap na ito at mas lalong hindi ko alam kung paano ko kakayaning kausapin ang ama ng taong mahal ko.

Agad akong napatayo nang makita ang pamilyar na lalaking nasa harapan ko. Nakasuot ito ng pormal at puno ng awtoridad ang kanyang awra. Singkit ang kanyang mga mata at may matangos na ilong. Hindi gaanong nalalayo sa edad ng aking ama at kamukhang-kamukha siya ng kanyang anak. Sa kanyang gilid ay mas matanda pang babae na singkit din at may kulubot nang balat at puting-puting buhok. Nakaayos ito ng ayon sa kanyang edad at mukha siyang sopistikada. Nakataas ang kanang kilay na guhit na lang.

Sandali kong hinanap sa gilid at likod nila si Chi. Nagbabakasaling kasama siya ngunit wala. Nagbigay galang ako sa kanila at sabay-sabay na naupo.

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon