Chapter 19 : Hurts

Start from the beginning
                                    

Nasaan kaya si Clyde, hindi ba niya kami sasamahan sa Morbuzakh, nagdadalawang isip ako kung itatanung ko sa kanila

Pero hindi ko talaga matiis na hindi ko siya tanungin sa kanila “N-nasan si Clyde?”


“Susunod nalang daw siya” umiiwas talaga siya sa akin

Habang kami naglalakad, nakarinig ako ng mahinhing tawa ng mga babae, sa aking paglingon nakita ko si Third Prince nakikipagusap sa mga babae na bisita niya kagabi or let’s say nakikipaglandian siya sa mga babae


“Diba si Third Prince yun, mukhang busy siya sa pasasalamat sa mga bisita niyang mga magagandang binibini” --- Montblanc

Isa-isa hinalikan ni Prince Azera ang mga likod ng kamay ng mga babae at tuwang tuwa naman ito sa kanilang pagalis “Salamat sa pagpunta---” kumaway siya sa mga ito “--- huwag kayong mahihiyang pumunta ulit, iintayin ko kayo” nagbigay siya ng flying kiss sa mga ito na nagpakilig sa kanila “---ingat kayo sa paglalakbay!” Tsh! Babaero talaga!


“Montblanc, Tara na, baka hinihintay na tayo ng Hari at Reyna Nokama” tumungo si Montblanc at nagumpisa na kami maglakad

Pero.. sa pangatlo kong hakbang naramdaman kong hindi ko maigalaw ang aking katawan at may biglang humawak sa aking bewang, nakagalaw nalang ulit ako ng may yumakap sa akin mula sa likod


“Mahal ko, nakatulog ka ba ng maayos” sa gulat ko agad kong tinignan kung sino ang yumayakap sa akin


“T-Third P-prince” bakit niya ako niyayakap?

Pagtingin ko kina Montblac at Sha pati sila nagulat din sa pinagsasabi ni Third Prince “Mahal ko, inintay kita kagabi pero hindi ka nakarating, namiss tuloy kita” daig pa niya ang malanding babae, kasalanan mo kaya umiiiwas sa akin si Clyde


“mukhang nakakaistorbo kami kaya mauuna na kami” aalis sana sina Montblanc pero pinigilan ko sila


“Teka!” nilakihan ko sila ng mata


“Pupunta ako nung gabing yun pero wala namang mapa ang binigay mong papel, pano ako makakarating sa pagdidiriwang non, ano bang klaseng papel yon?”


“You’re too skinny, kumain ka ba ng maayos? Ayoko ng nagugutom ang aking mahal” hindi niya sinagot ang tanong ko, bakit niya iniiba ang usapan


“Third Prince sagutin mo yung tanong ko at saka pwede po bang bitawan niyo na po ako” inaalis ko yung pagkakayakap niya sa akin pero lalo pa niya ito hinigpitan at naramdaman ko ang ulo niya sa aking leeg

Nakita kong nagtakip ng mata si Sha


ALICE { o n  g o i n g ...}Where stories live. Discover now