Chapter One: Heto na! HETO NA! HETO NAA! YAAAH!

8 0 0
                                    

Chapter One: Heto na! HETO NA! HETO NAA! YAAAH!

P.S. Kung naghahanap kayo ng seryosong kuwento, edi chupi!

---
Mhary Shue's POV
---

"Ikaw ang Chosen One na papatay kay Emperor Sauron Voldemort Krueger Duterte Lecter, ang pinuno ng Generica Evila Empire. Gets?" Ika-siyam na ulit ng makapangyarihang ninuno kay Mary Sue sa kaniyang fantastic prophetic dream.

Kinati ni Mhary Sue ang perpekto niyang anit. "Hindi pa rin eh. Pwede yung mas simpleng explanation?"

"Gumising ka na nga lang! Mamamatay rin naman kayong lahat eh!" Muntik nang sapukin ni makapangyarihang ninuno ang sarili niyang mukha.

"K."

---

Wow, ang weird ng panaginip ko. Ay oo nga pala.

Hello, mga paa!

Ako nga pala si Alisabellatrix Mhary Shue Akoangbida Mahabaangpangalanko Smithstone. Disisiyete anyos pa lang ako pero nakakawindang na ang buhay ko. Deads na kasi ang ermats at erpats ko kaya nasa puder ako ngayon ni stepmonster- este stepmudra ko. Siya ang huli at thirteenth na asawa ng yumaong ama ko.

Kahit ganito ako magsalita (mag-isip?), hindi ako bakla. Babae po ako. May ovaries at estrogen ako. Ipinanganak akong babae, katawan akong babae, mukha akong babae at sumisipsip ako ng dugo mula sa regla ng mga babae.

Ewan ko ba sa mga buwiset na stepsisterakas ko kung bakit akala nila bakla ako.

Sa gandang babae kong ito? Pinagkakamalan lang na vaklush? Chena nila no.

Sobrang sama ng trato sa akin ng stepmother ko. Feeling ko lang talaga sumasamba iyon sa mga demonyo. Linolock ko na nga lang ang pinto ko bago ako matulog kasi baka bigla akong gawing giniling habang pinapanaginipan kong asawa ko si Lin-Manuel Miranda.

Nagising ako sa gulat dahil sa pagkatok sa pintuan ko. "Mhary Shue, anak, baba ka na. Pinagluto kita ng paborito mong fried tilapia." Mahinahong tawag sa akin ng stepmother ko.

Diba? Sabi sa inyo eh. StepMONSTER ang babaitang madrasta ko. I'm sure lalasunin ako niyan.

"Walanghiya kang matandang gurang ka! Bakit mo ako ginigising?! Isaksak mo sa lalamunan mo yang linuto mo!" Sigaw ko sa halimaw na stepmother ko. Oha! Akala mo maaapi mo ako? Chena mo!

Nakarinig ako ng mahinang hikbi sa likod ng pinto. Humina ang boses ni stepmother. "Ah. Osige. Basta bumaba ka agad kasi kailangan mong pumasok sa sobrang mahal na private school na halos mabali ang likod ko para lang mapag-aral kita roon. Sorry sa pang-aabala."

Ano yun? Akala niya porke may paiyak-iyak siya ay gaganda na ang tingin ko sa kaniya? Ako lang ang may karapatan na maging kawawa!

Binato ko nga yung unan ko sa pintuan ng kuwarto ko. Kainis kasi iyong huklubang iyon.

'KROAAAAKKKKKORRRREOGGGH' Mahinang tunog ng tiyan ko. Siguro kailangan ko na ngang kumain. Ano nga ba kasi ang linuto ng stepmudra ko?

Ginataang lamang-loob ng sanggol? Adobong atay ng pating? Sinigang na puso ng mga stepsisters ko?

Ay, wala nga palang puso ang mga stepsisters ko.

Bumaba ako sa kama ko at humarap sa salamin. Duh. Iyon lang naman ang paraan para magkaroon ng exposition ang itsura ko. Paano pa ba makakamit ni otor ang wish fulfillment fantasy niya?

Natural na rainbow ang kulay ng buhok ko na hanggang sahig ang haba. Super puti ng balat ko because yeah colonialism! Kasingtulis naman ng Mayon ang ilong ko. Ang mga mata ko naman nag-iiba ng kulay. Parang yung mga umiilaw na yoyo lang na binili sa Divisoria.

Bakit ako isinumpa na maging ganito kapangit?!

Winisikan ko ng tubig ang mukha ko at voila! Nakaligo na ako. Inamoy ko ang kili-kili ko at siyempre amoy sampaguita siya. Hindi ko na nga kailangang magsuklay kasi perfect na ang buhok ko.

Tumingin ulit ako sa salamin. Mukha talaga akong halimaw. Kaunti na lang ay parang kalahi ko na ang stepfamily ko. Nangilabot ako habang iniisip iyon.

Pumunta ako sa walk-in closet ko. Oo, hindi lang hitsura ko ang kailangan niyong malaman, pati na rin ang bawat maliit na detalye ng susuotin ko. Pramis, may contribution ito sa story.

Hmm? Ano kaya? Feeling ko dapat conservative ang susuotin ko.

Aha! Kinuha ko ang lumang bra ng ermats ko na kinakalawang na, ang pinakamaiksing short na kaya kong hanapin at twenty hundred-inch na stilleto. Sinuot ko ang mga ito, at napakaperfect nito para sa mala-Maria Clara na personality ko!

Bumaba ako sa kusina namin. Oh Em Gee nandito ang lahat ng miyembro ng BTS!

"Hoy matanda!" Tawag ko sa stepmother ko. "Bakit nandito ang BTS?"

"Pinapasok ko na silang lahat, anak." Mahinahong saad ni Stepmudra. "Gusto raw nilang ligawan ka."

"HA?!" OH NO! Anong klaseng bangungot ito? Wala man lang niisa sa kanila ang kamukha ni Derek Klena. Yuck!

"Mhary Shue, I love you so much!" Sabi ni Jungkook.

"Mhary Shue, marry me!" Sabi nung isa na kamukha ni Jungkook.

"Let's run away together and start a new life in Pyongyang!" Sabi nung katabi niya na kamukha rin ni Jungkook.

"Iniirog kita!" Putol na sabi nung mukhang kontestant ng Super Sireyna.

"Where's the bathroom?" Tanong ni Jimin.

"HEP HEP HEP!" Saway ko sa kanilang lahat. "Let's settle this like proper human beings who choose their mates. Eenie minie miney mo! Ikaw!" Turo ko kay Jungkook. "You're my date for this morning."

Honestly, siya lang naman ang rational choice. Siya lang ang kilala ko sa kanila. Siya ang Justinarry Timberstyles ng BTS.

"YES!" Sigaw ni Jungkook! "We'll get married in Pyongyang with Kim Jong Un as our witness."

"Oh siya, siya. The ones I didn't pick can leave."

Disappointed na lumapit papunta sa pinto ang ibang miyembro ng BTS.

"Seriously, where's the bathroom? My bladder is about to explode!" Sigaw ni Jimin pero hinila na siya ng mga kabanda niya.

Pinaikot ko ang mga mata ko. Ang konti yata ng mga manliligaw ko ngayong umaga.

Kalabas ko ay nakita ko ang isang dambuhalang karwahe na nakapark sa harap ng bahay namen. May nakapaskil na malaking karatula dito at nakapintura dito ang katagang 'SECRET CAREYJ ITO NG ACADEMY FOR CHOSEN ONES'.

May bumabang lalaki dito na may suot na black leather jacket at madilim na mga sunglasses. Kamukha niya si Robin Padilla kung lumaklak siya ng tatlong bote ng steroids. Nagsimula siyang magsalita. "Vaklush! Congratulashownz dahil ang iyong beauty ay pumasa para sa Academy for Chosen Ones, Mhary Shue-tacca!"

Ah. Isang perfectly normal, non-stereotypical character na siguradong hindi makaka-offend ng kahit sinong miyembro ng LGBT community na nagbabasa nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Academy for Chosen OnesWhere stories live. Discover now