Prologue

25 2 2
                                    

2010
The end of their world

HALOS NATATARANTANG sinuot ni Emi ang pink na helmet habang pasalit-salit ang kanyang tingin kay LC na nakasimangot na at kay Kieff na nakatingala sa makulimlim na langit. Mga halos kalahating oras din silang naghintay sa likod ng kanilang bakuran, sakay ng kani-kaniyang bisikleta, samantalang hawak-hawak naman ni Kieff ang pink na bisikleta ni Emi na kung anu-ano pa ang pinagdaanan para lang hindi siya mahuli ni Darang Berry sa pagtakas.

Kinailangan pa niyang iguyod ang bisikleta mula sa bodegang lingid sa paningin ni Darang Berry habang wiling wiling nanonood ng TV sa sala. Kanila lang ay dahan-dahan niya pa itong ginuyod mula sa tapat ng bakuran patungong bodega habang abala naman si Darang Berry sa kusina. Alam ni Emi kung kailan abala si Darang Berry kaya doon niya naipuslit ang bisikleta.

Pagkaingat-ingat naman niya itong pinadaan sa malaking bintana ng kanyang kuwarto, nang walang ni anumang dagundong o kiskis ng kadena o bulitis ang dapat na marinig. Mabuti na lang at nandiyan na sina LC at Kieff para saluhin ang bisikleta sa kabilang bahagi ng bintana kaya napanatili nilang tahimik ang paligid hanggang sa 'di na nakatiis si LC na nagsabi-sabi.

"Ihhh! Dalian mo, Emms! Baka abutan tayo ng ulan!"

"Sssh! Ot. Marinig ka ni Darang Beri," agad namang suway ni Kieff.

Kulang na lang ay kakulay ng buhok ni Emi ang buhok ni LC para pink na lahat sa kanya mula helmet hanggang bisikleta pero 'di niya kagaya si LC na mahilig magkulay ng buhok. Siguradong sasabunutan din siya ni Darang Berry kung sakali mang nagpakulay siya.

Tila may sasabihin pa sana si LC pero naudlot ito nang lumusot na si Emi sa malaking bintana saka dahan-dahan itong sinara.

"Sorry..." pabulong na sabi ni Emi sa dalawa habang dahan-dahang sumakay sa bisikleta.

"Expert na expert kang lumusot sa bintana, no?" Sinubukan ni LC na maging pabulong din ang tugon pero kumawala ang boses nito.

Naalarma ang tatlo. Sumunod nilang narinig ang kaluskos na tila galing sa sala. Lalo silang nataranta nang biglang tinawag si Emi ---tinatawag ni Darang Berry.

Walang anu-ano'y kumaripas sila ng maneho patungo sa maliit na gate na hindi na nila naisara.

Hingal na hingal silang nakarating sa main road ng baranggay. Humalakhak si LC ---tinatawanan si Emi. Napailing-iling naman si Kieff. Hindi naman mapalagay si Emi sa gate na hindi naisara. Siguradong papagalitan na naman siya ni Darang Berry kauwi. Hindi totoong expert siyang tumakas. Lagi siyang nahuhuli maliban na lang kapag si Sieg ang sumusundo sa kanya. Si Sieg siguro ang expert tumakas.

Tinuloy nila ang pag-bike nang si Kieff ang nangunguna dahil mas mabilis ang mountain bike niya at kailangan niyang alalayan sina Emi at LC sa daan.

"Ano naman tayong anak-anakan ni Bapang Tino at ka-Kubo-Kid nina Sieg at Sean kung 'di tayo makikiramay diba? Di nga tayo kumpleto,eh." bulalas ni LC.

"Oo nga. Si Nico ba? Sigurado na bang 'di siya sasama?" malungkot namang tugon ni Emi.

"'Di ko alam, eh. Naabutan namin siyang tulog kanina. At saka sinabi ko na sa kanya kahapon. Wala man siyang imik," sagot ni LC.

"Sayang naman. Bakit kapag may burol sa iba, parang reunion na rin. Bakit yung atin, parang dun pa nagkawatak-watak?" napatanong si Emi sa sarili.

"Hay! Ewan ko ba. Anong nangyari satin? First time pa man din nating i-celebrate 'yung anniversary natin. 'Yun na pala 'yung huli," naiinis na sagot naman ni LC.

"Huli? Sana hindi pa 'yun ang huli," nakatulalang tugon naman ni Emi.

"Ay! Hindi ko alam, Emms. Hindi ko masasabi 'yan. Pero gusto mong makita si Sieg, diba?" tanong ni LC.

Kubo Kids: See You at VR ReunionWhere stories live. Discover now