Chapter Eight - Surrender

618 45 18
                                    

ALEXANDRIA stepped inside of Matthew's condo before him. He watched as she took off her sneaker shoes by the door before walking in. Inalis din nito ang denim jacket at isinampay sa sandalan ng ash color leather couch. Humakbang ito palampas ng sala, dumiretso sa salaming bintana.

"Ang ganda rito sa mataas. Ang ganda ng mga ilaw sa ibaba, kumikinang na parang mga bituin." Mutawi ng mapulang mga labi ni Alexandria habang inilibot ang paningin sa labas ng bintana.

Oo, kaya naman mas gusto ni Matthew na sa condo palagiang pumirmi kaysa sa bahay ng mga magulang sa Vista Verde Heights. Here, he could get the peace of mind that he needed. Here, he could be by himself. Here, he could be with Alexandria.

Lumingon ang dating kasintahan kay Matthew. Nagkatitigan sila, matagal, matiim, walang pagtatanong sa mga iyon, bagkus ay pakiramdam ni Matthew, kumalma ang kanyang damdamin ngayong hinayaan niyang makapasok nang malaya sa kanyang isipan, damdamin at buhay ang babaeng kaytagal niyang kinamuhian.

"Dito ba kayo titira ni Charlene pagkatapos ng kasal ninyo?" Sumandig ito sa salaming bintana.

Umiling si Matthew, nagpakawala ng malalim na hininga. "No. Only I know this place."

"Shall I take a shower by myself, or...?" Hindi nito tinapos ang tanong, sa halip ay ang reaksiyon nito ang nagpahiwatig kung gusto ba niyang sumabay sa pag-shower dito.

Matthew's breathing became uneven. Naroon ang kaba na kaytagal ding hindi niya naramdaman. Kaparehong kaba na tanging si Alexandria lamang ang may kakayahang magparamdam sa kanya.

"Nasaan ang banyo?"

Yumuko si Matthew. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang pakiramdam na makasama ang dating babaeng mahal. Bakit hindi man lang niya naramdaman ang ganitong damdamin para kay Charlene?

Kumilos siya, humakbang sa maikling hallway papunta sa pinakadulo ng kanyang unit at binuksan ang pinto. He stood by the door. "Here is my bedroom, use the shower here."

Dumaan ito sa kanyang harapan, nilampasan siya. Nalanghap niya ang mabangong halimuyak nito, tila bulaklak na kaysarap langhapin at titigan.

"Sasabayan mo ba ako?" Lingon nito habang naghuhubad sa may pintuan ng banyo.

"Xandri..." halos pabulong niyang tugon.

Natigil sa ere ang pagkalas ni Alexandria sa butones ng pantalon. Natanggal na nito ang puting t-shirt, itim na lacy bra na lamang ang nakatakip sa pang-itaas nito. Iba pala ang pakiramdam na makita itong naghuhubad mismo sa kanyang harapan kaysa naghuhubad sa harapan ng camera. Sa bawat galaw nito ay naghahatid nang papabilis at papalakas na kabog sa kanyang dibdib.

"It's alright if you don't want to. Kung gayon ay mauuna na akong maligo. You can join me if you change your mind." Kinalas nito ang butones saka ibinaba ang zipper ng pantalon.

The sound of the zipper pulling down enticed Matthew. Itim na lace thong ang suot nito, makipot na panloob na lalo lamang nagpatingkad sa makinis, maputi at magandang katawan ni Alexandria. Natural na nag-react ang kanyang katawan. Naramdaman niya ang pagragasa ng mainit na dugo sa bawat himaymay ng katawan. Napalunok siya. He could not take his eyes off her. Kung painting lang ito, isa itong obra maestra na kahuhumalingan ng lahat.

Ipinilig niya ang ulo, hindi nga ba't ganoon na nga ito, napakarami na nitong naakit? Napakarami nang nahumaling sa taglay nitong kagandahan? At aaminin niya, isa na siya roon, noon at magpahanggang ngayon, nahuhumaling pa rin siya sa kagandahan ng dating nobya.

Nagsimulang kumalas sa butones ng polo shirt ang kanyang mga kamay. It was Alexandria's turn to watch him. Nakasunod ang mga mata nito sa bawat pagkilos ng kanyang mga daliri. Hinubad niya iyon at hinayaang dumulas sa sahig. Dumapo sa sinturon ang kanyang mga kamay, marahang kinalas habang ang mga mata ay nakapako sa kaharap.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 30, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HarlotWhere stories live. Discover now