CHAPTER 4

937 20 6
                                    

Dolion Gwapo:

Seina? Huwag ka nang pumunta rito.

Dolion Gwapo:

Gusto kitang makita ngayon Seina. Pupunta ako sa pinagbabaan ko sa'yo noong nakaraan.

Kakagising ko lang ito na kaagad ang bumungad sa cellphone na binigay nito. Nagmadali ako sa pag-igib ng tubig at pagligo. Naghanap ako ng pweding isuot.

Isang oversized na lumang t-shirt na nabili ko sa ukay ng tag-sampu ang aking napiling isuot at isang black leggings. Ipinungos ko ang aking buhok kinuha ko rin ang liptint at cellphone naglagay din ako ng kaunting pabango bago lumabas palabas ng bahay.

Habang naglalakad ako busy ang aking kamay sa paglalagay ng liptint sa aking labi. Ilang sandali pa nakita ko na sa may kalsada ang sasakyan ginamit nito sa akin kahapon sa paghatid sa akin.

Para akong nagtatago ng luminga-linga ako paligid. Binuksan ko ang sasakyan at nagmadali sa pagpasok.

“Hindi pa po ako nakakakuha ng mga panindang kakanin Sir. Sobrang aga po kasi,” iyon ang una kong bungad ng makapasok ako.

“Wala man lang good morning? Gusto kitang makasama ngayon Seina. Pwede bang iyon ang rason ko para magkita tayo?” napatingin ako sa direksyon nito saktong hinihintay nito ang pagtingin ko sa kanyang direksyon.

Basa ang buhok nito. At naka-awang ang labi na nakatingin ito sa aking mga labi. Hindi ko alam wala pa naman akong nakain dahil sa pagmamadali pagpunta rito, nagawa kung makipagtitigan dito.

Ako lang din ang unang nag-iwas. Halatang sanay na sanay na ito sa pakikipagtitigan. Umayos ako ng upo. At tumikhim.

“Nagsama na tayo, huwag mo pong sabihin na rito lang tayo sa sasakyan?” umiling ito.

“Mamasyal tayo Seina. Date kung okay lang? Habang papunta tayo roon mas gusto kong makilala ang magiging future girlfriend ko.” Natatawa na umiling ako.

Nagsimula na ito sa pagmamaneho. Ramdam ko rin ang panay na sulyap na ginagawa nito. Napailing na napapasulyap din ako rito.

“Wow!” Inilibot ko kaagad ang aking paningin.

Sa tagal ko sa aming lugar ngayon ko lang nalaman na may floating house pala sa may ilog. Inalalayan ako nitong nakasakay sa maliit na bangka.

“Maganda ba?”

“Oo,” ang romantic lang na ambiance nakikita ko lang ito noon sa mga k-drama, ngayon ay na experience ko na first hand.

Inalalayan ako nitong naka-apak sa floating house. Naka-awang ang aking labi habang mas nauna pa akong pumasok rito. Kung gaano kasimple tigtan sa labas ng bahay ang floating house ganoon din kagara ang nasa loob.

Ang kama nito ay nababalutan ng pulang sulta. May lamp sa may bedside table at may scented na kadila. May mga rosas pa sa ibabaw ng sulta na nakaporma ng heart. At may unan din na dalawang pato na nakaporma ng puso.

“Dont mind that. Akala ng manager na mag-couple tayo.” Nag-iwas ako ng tingin.

Nang makita ko ang glass window agad na binuksan ko iyon at naglakad palabas. Unang bumungad sa akin ang lakas ng simoy ng hangin.

“Maganda ba?”

“Opo, thank you po. First time ko pong makapunta rito.”

“This is also my first time being here. Truth is this isn't open for public yet. A friend of mine owned this one at dahil wala siya pinagkatiwala niya na muna sa manager ang floating house. Dahil magkaibigan kami pinayagan niya akong magdala ng babae.”

Decieved(Gaisano Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon