Nang makalabas kami ay nakita ko ang pag kamot sa ulo ni Andrea. "Oh? Anyare sa mukha mo?" Taas kilay na saad ko. "Paano ba naman kasi marunong kayong mag ingles samantalang ako ay hindi marunong." Parang batang saad ni Andrea. Napairap naman ako.

"Tsk hayaan mo tuturuan kita, san naba ang punta natin ngayon?" Takang saad ko na nag pangiti kay Andrea. "Sa Hacienda Buenaventura Eeya, pag pasensyahan mo na kung gagamitin kita para makita ang aking mahal, huwag kang mag alala nandoon naman ang iyung antipatiko." Natatawang saad ni Andrea. Mahina lang ito dahil baka may makarinig. Pumasok kami sa kalesa at nag simulang mag kwentuhan ng kung ano ano.

NANG MAKARATING kami sa Hacienda Buenaventura ay agad na sumalubong sa amin si Aleng Crising ang Mayordoma ng pamilya Buenaventura. Tsk. Buti pa sila mabait ang Mayordoma nila. Samantalang sa amin ang Better nung Mayordoma namin. Akala mo naman na ngangain ng tao na masarap na si ako. Tsk.

"Si antipatiko po?" Tanong ko. Nakita kung may pinuntahan si Andrea sa labas kaya napailing na lamang ako. Hindi sya nakita ni Aleng Crising kaya ang akala ni Aleng Crising ay ako lang ang pumunta dito. Ngiting ngiti naman si Aleng Crising sa akin. "Nag papahinga sya sakanyang silid ngunit maaari mo naman syang gisingin." Mapang asar na saad nito.

Tumango naman ako kay Aleng Crising. Umakyat kami pataas. Ang dami naming nilikuan hanggang sa huminto kami sa pamilyar na kwarto. Binuksan ni Aleng Crising ang kwarto ng kaunti bago nakangiting tumungin sa akin. "Rito lang ako sa labas, isara mo na lamang ng kaunti para wala akong makita Señorita." Mapang asar na saad ni Crising sabay kindat.

Napataas pa ang kilay ko bago dahan dahang pumasok sa kwarto ni antipatiko habang dala ang libro na binili sa akin ni Andrea. Kagaya ng sinabi ni Aleng Crising ay hindi ko yun sinara. Nag iwan ako ng kaunting butas para namab walang masabi ang Ale.

Nang makapasok ako ay bumungad sa akin ang malinis na kwarto ni Antipatiko. Napakagat pa ako sa ibaba kung labi nung maamoy ko ang napaka bagong amoy ni antipatiko na ngayon ay naka palibot sa buong kwarto.

Biglang tumibok ang puso ko nung makita kung payapang natutulog si antipatiko. Dahan dahan akong lumapit sa kama. Umopo ako sa gilid ng kama at pinakatitigan ang makinis na mukha ni antipatiko. Napatango tango pa ako nung makita ko maigi ang mukha nya.

Inaamin kung gwapo sya. May itsura tsk. Hindi ako lugi kung mapakasal ako sakanya. Pero paano naman kung makauwi na ako sa amin tapos kasal na kami? Edi kawawa naman ang antipatikong ito. Mabubyodo sya ng di oras tsk.

Hindi ko alam kung bakit gumalaw ang aking kamay kahit hindi ko naman ito kinokontrol. Hinawi ng kamay ko ang buhok ni antipatiko na tumatama sa mata nya. Shit ang gwapo.

Bumaba ang tingin ko sa kilay ni antipatiko. Gamit ang hinlalaki ko ay marahan kung hinawakan ang kilay nya. Napatango ako nung ang kapal nito. Kung sino man ang makakita sa kilay nya sure akong maiinggit ang mga babae dahil sa kapal. Baka pag kursunadahan pa nila, eh. Tsk.

Pinalitan ko ng hintuturo ang aking daliri bumaba ito sa matangos syang ilong. Pababa sa kanyang labi. Napahinto ang aking hintuturo banda sa ilong nya nung makita ko ang labi nito. Manipis ito at mapula pula. Napalunok naman ako.

"E-Eeya?" Parang nanigas ang buong katawan ko nung mag mulat ng mata si antipatiko. Automatiko akong napatayo palayo kay antipatiko. Lumipat ako sa dulo ng kama. Tinaas ko ang aking dalawang paa habang ang dala kung libro ay naka lagay sa aking hita.

Nakita ko ang pag kusot ng mata ni antipatiko kaya napairap nalang ako. "Tsk, totoo ako. Buti natulog ka at nakinig sa akin." Saad ko kay antipatiko. Kumamot naman ito ng ulo at tumingin sa pintuan. "Sino ang kasana mong pumunta rito Eeya?" Nag tatakang saad ni Antipatiko.

Nag kibit balikat lang ako. "Si Andrea may gagawin daw sya dito." Kibit balikat na saad nito. Nakita ko ang pag taas ng kilay nya kaya napairap ako. "Huwag mo nang alamin, chismoso kadin, eh." Nakangiwing saad ko sakanya na nag patawa rito.

Volviendo Al Pueblo HundidoМесто, где живут истории. Откройте их для себя