Nakangiti kung niyakap ang libro at dahan dahang bumaba sa hagdan. "Eeya mag ingat ka sa iyung hakbang." Nag aalalang saad ni Andrea. Tumango naman ako sakanya. "Oo kaya ko ang saril----Ouch!" Napahawak ako sa likod ko nung mahulog ako sa hagdan.

"Eeya!" Nag aalalang saad ni Andrea. Mabilis syang lumapit sa akin. Naka hawak ako sa likod ko dahil sa sakit. Napatingin naman ako sa gilid nung may dalawang babaeng tumawa. Napataas ang kilay ko nung makita ang dalawang babae. "You! How dare you para ihulog mo ako sa hagdan!" Umuusok ang ilong na saad ko.

"Eeya huwag mo na silang patulan!" Pag babanta ni Andrea. Umiling ako sakanya. "Hindi Andrea kailangan malaman ng dalawang yan kung sino ang binabangga nila." Mataray na saad ko at tumayo. Inalalayan pa ako ni Andrea sa pag tayo.

Taas nuo akong lumapit doon sa dalawang bruha namay itsura impokrita naman. "Kayong dalawa? Sino kayo para itulak ako?" Mataray na saad ko sa dalawang bruha. Nag katinginan naman yung dalawang bruha. Bago humagakhak ng tawa. "Nakalimutan mo na agad ako Estela Asuncion?" Nakangising saad nung magandang babae.

Tinaasan ko ng kilay yung mestisa. "Oo, sino kaba? Bakit mo ako tinulak!" Iritang saad ko. Lalong tumawa ng sarkastika yung dalawa. Taas nuo namang lumapit sa akin yung babaeng mestisa. "Ako lang naman si Amor." Nakangising saad nito.

Tinaasan ko sya ng kilay. "Amor power? Akala ko ikaw si natoy tsk." Nakangiwing saad ko. Narinig ko ang mahinang pag tawa ni Andrea. Nung nakaraan kasi ay nag tanong sya sa akin kung sino daw ba si Natoy. Kaya yun kwenento ko sakanya kung sino si Natoy. Pati pag sabi nya ng 'Ako si Natoy na mahal na mahal ka' ay ginaya ko kaya lalo syang tumawa.

"¿Cuáles son y." [What are you talking about?] Mataray na saad nito. Gusto nya ba talaga ng ibahan ng lenggwahe ha? Ini-espanol nya ako humanda sya sa English ko. Makakarinig sya ng malupitang English.

Nag cross arms ako at pinakatitigan ka. "You know kung wala kang magawa? Don't bother me, huh? Look at your self, try to change your attitude masyadong makalat eh. Tsk." Mataray na saad ko hinawakan ko ang kamay ni Andrea at hinila sya. "Tara Andrea, baka mahawaan tayo ng mga baliw na ito." Walang expresyong saad ko at nag simula nang nag lakad.

Tiningnan ko yung babae na mestisa na si Amor pala. Tsk? Sya yung kaibigan ni Estela Asuncion diba? Bakit parang hindi naman? Nang matapos kung tingnan si Amor ay dinaanan ko naman yung babaeng morena na kasama nya. Nakita ko ang gulat sa mata nya nang malagpasan ko sya.

"Idiota! Bakit mo ako s-----" hindi na natapos nung babaeng morena ang sasabihin nya nung makita ko sa gilid ko na pinigilan sya nung Amor. "Hayaan mo na sila Ate Margareta, may araw din ang dalawang yun." Walang expresyong saad nung Amor doon sa ate nya. Nakakasiguro akong parehas na masama ang tingin nila sa amin.

Nang makarating kami sa casher ay nilagay ko yung libro na paborito ko. Nakita ko ang pag ngiti ni Don Faustino nung makita nya ang libro na hawak ko. "Marunong kapalang mag basa ng Ingles, Señorita Estella Asuncion?" Nakangiting saad ni Don Faustino. Sabay naman kaming tumango ni Andrea.

"Syang tunay Don Faustino, marunong mag basa si Estella Asuncion ng Ingles, pati si Elisabet ay marunong din, hindi namin batid kung saan sila natotoo ng wikang iyun." Parang batang pag susumbong ni Andrea sa Don.

Tumawa naman ang Don. "Nakakatuwa naman, kung ganon marunong kang mag salita ng ingles Señorita?" Tumango ako rito. "Yes, Mister, thank you for the discount, have a good day." Nakangiting saad ko bago kinuha yung libro na ngayon ay naka balot na.

Ngumiti naman sa akin ang Don. "Your Welcome Ms. Andres, have a nice day too." Nakangising saad nito na nag patawa sa akin. Ngayon ko lang narealize na may lahing Amerikano ang Don. Kaya naman pala iba ang kulay ng buhok nito. Tsk.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon