"P-pero E-eeya." Mabilis ko syang kinapkapan. Nagulat naman sya sa ginawa ko pero tumatawa lang ako sakanya. "Eeya!" Natatarantang saad nito lalo akong tumawa habang kinakapkapan yung bulsa nya. "Wala naman akong mahawakan hahahaha!" Natatawang saad ko nakita ko ang pag pag pula nya.

Hinawakan nya yung kamay ko para matigil sa pag kapkap sakanya. Humahagakhak naman ako habang nakatingin sa mukha nya na ngayon ay pulang pula. "BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAA! Antipatiko nakakatawa yang mukha mo!" Malakas na tawa ko sakanya. Nakita ko ang pag titig nya sa akin kaya lalo akong natawa.

"Hoy! Baka mag kagusto kana nyan sa akin, ha! Grabe yang titig mo!" Natatawang saad ko. Napaiwas naman sya ng tingin. May kinuha sya sa coat nya at inabot sa akin ang box nanaman? Tsk. Baka bracelet din to. Hahaha.

Taas kilay ko itong kinuha. "Ito regalo mo sa akin?" Nakangiting saad ko. Umiwas naman sya ng tingin. Nakangiti kung binuksan yung box nanlaki ang mata ko nung makita ang isang kwintas namay pangalan na Eeya. Gusto kung mainggit dahil binigyan ni Antipatiko si Eeya ng kwintas pero dahil naalala kung ako naman ngayon si Eeya hindi ko na kailangang mainggit sa sarili ko.

Kinuha ko yung silver na kwintas. Nanlaki ang mata ko nung makita kung may kuminang sa bawat dulo ng letra ng kwintas. Tinitigan ko maiigi ang kwintas. Nanlaki ang mata ko nung makita na may diamond yun na kulay pula. Gulat kung tiningnan si Antipatiko.

Nilapit ko sakanya yung kwintas na hindi makapaniwala. "Tingnan mo may dia------brilyante! Grabe ang ganda nito! Saan mo ito binili?!" Gulat na saad ko kay antipatiko habang tinitingnan ng maigi yung kwintas. Tinututok ko pa sa araw yung kwintas na parang nahihibang.

"H-hindi ko yan Binili, E-Eeya." Kamot ulong saad nito. Napataas naman ang kilay ko sakanya. "WEH?! BAKA NINAKAW MO TO! HA!" Pag bibintang ko sakanya natawa naman ito. "Hindi ko yan ninakaw o kinuha pagkat ako mismo ang may gawa nyan." Nahihiyang saad nito.

Napatango tango naman ako sakanya. "Talaga? Ang galing mo naman guma-----ANO IKAW ANG MAY GAWA NITO?!" Gulat na sigaw ko sa dulo. Nahihiya naman syang tumango. "Hm, tinuruan ako ni Don Dario. Palagi akong nasa tindahan nya nung ako'y bata pa kung kaya't natuto akong gumawa ng alahas." Hindi ko naman sya makapaniwalang tiningnan.

"Talaga? Galing naman, oh ikabit mo nga sa akin." Abot ko sakanya nung kwintas. Nagulat naman sya. Wala nang nagawa si antipatiko kung hindi ikabit sa akin nung tumalikod ako sakanya. Nakangiti akong tumayo nang masuot nya na yun sa akin.

"Salamat! Uuwi na ako! Baka mahuli pa ako ni Ama! Matulog ka ulit, ha? Matutulog din ako inaantok pa ako, eh! Hayaan mo ililibre kita kapag may pera na ako, paalam!" Mabilis akong tumakbo palayo. Dumaan ako sa kusina. Buti na nga lang wala pa yung mga taga pag silbi.

Tatanghalian yata sila dahil madaling araw na silang naka uwi kanina. Tsk.

Nang makapasok ako ay tiningnan ko ang sarili ko. Baka kasi may dala pa akong buhangin or what eh! Tumingin ako sa paligid. Kumuha ako ng tubig at lumabas sa kusina na akala mo ay bagong gising.

"Anak? Galing ka sa loob ng kusina?" Nag tatakang saad ni Ina. Napalunok naman ako bago tumango sakanya. "O-opo Ina. Kumuha ako ng tubig." Tinaas ko ang basong hawak ko. Nag taka naman si Ina. "Diba't kakaakyat ko lang kagabi at nag dala ng tubig? Isang pit----" hindi ko na pinatapos si Ina.

Agad akong humawak sa kamay nya habang nay ngiti sa labi. "Ina, nauhaw kasi ako kagabi! Tapos ngayon na uhaw ulit ako kaya yun! Naubos yung tubig ko kaya bumaba ako." Nakangiting pag dadahilan ko kay Ama. Sunod sunod namang tumango si Ina habang nag tataka padin.

Nakita ko si Ama na pababa sa hagdan. Nakangiti akong kumaway kay Ama habang may ngiti sa labi.

"Magandang umaga Ama!" Nakangiting saad ko. Tumango naman ito habang naka busangot ang mukha. "Mahal binabangungot yata ako kanina." Seryosong saad ni Ama kay Ina. Napataas naman ang kilay namin ni Ina.

Volviendo Al Pueblo HundidoHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin