Mabilis siyang nagtatakbo patungo sa lugar kung nasaan ito, and she could say that he's in the library's rooftop again. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya habang pilit na tumatakbo nang mabilis. Halos magkandarapa na siya sa pag-akyat sa hagdan para lang maabutan niyang ligtas ang huli. Hindi niya yata kakayanin na mawala ito.

"Valerian!"   hinihingal na napahinto siya sa may gitna ng rooftop.

Lumingon sa kanya si Valerian na nakatayo sa ibabaw ng railings na humaharang sa bawat gilid ng rooftop para walang kahit na sino ang mahulog. Nagtataka siya nang bigla itong ngumiti tsaka bumaba mula sa ibabaw ng railings. And there, nag-igting ang kanyang panga sa galit nang mapagtantong pinagtitripan lamang siya nito.

"Gago kaba!? Anong topak mo para pag-alahanin ako ng ganito!?"   naiinis na tinakbo niya ang pagitan nila at walang habas na pinaghahampas ito sa dibdib.

Shit his chest, why so hard?

"Hey, calm down 'o thisavrós mou."

"Gago ka, Valerian!"   naluluhang napatigil siya nang yakapin siya nito at aluhin.

"Sorry, I'm so sorry."

"Gago ka!"

Hindi niya na napigilan ang maluha at umiyak dahil sa lubos siyang naiinis sa lalaking nasa harapan niya ngayon, at walang sino man ang matutuwa kapag pinagtripan ng ganito. She was very worried for Valerian so even though she stumbled repeatedly, she still tried to run towards him because she thought that he would jump again to commit suicide. Pero ano't pinagtitripan lang pala siya nito.

"I'm sorry."   malambing ang boses na paulit-ulit itong humingi ng tawad sa kanya.

"Alam mo, bahala kana sa buhay mo!"   galit na hinampas niya ito sa dibdib bago ito tinalikuran.

Pero bago pa man siya makalayo ay muli siya nitong niyakap mula naman sa kanyang likuran. Isinubsob nito ang mukha sa kanyang leeg na lubhang nagpalakas at nagpabilis sa tibok ng kanyang puso. She can also hear his heart beat, gaya niya ay malakas rin ang tibok ng puso nito. Sa hindi malamang dahilan ay nag-init ang tainga niya at mukhang namumula rin ang kanyang pisngi.

"I'm so sorry, Selena. I didn't mean to make you worry."   saad nito na sa malambing na boses.

Sa hindi niya malamang dahilan ay bigla nalang humupa ang sama ng loob na nararamdaman niya para sa binata and her ragged breathing back to normal. Sa simpleng malambing na boses nito at maging sa simpleng yakap nito ay kaagad na natunaw ang galit niya. Mahinahon na siya nang harapin niya ito.

"Bakit mo ba kasi ginawa iyon?"

"I just want to see you, and after all I'm still amazed at your ability so I tried to get your attention through this."   he explained.

"Sira-ulo kabang lalaki ka? Sa dinami-daming paraan para tawagin mo ako ay sinadya mong umakyat sa railings para masense ko ang panganib, at ako namang si tanga ay kaagad na nagtatakbo rito."   napa-irap na lamang siya sa hangin.

"I'm so sorry, Selena. I just really want to see you."

"Sige na. Kahit papaano ay nawawala na ang sama ng loob ko, pero pakiusap huwag mo na itong uulitin."

"Yes, 'o thisavrós mou. Lalo pa't alam ko na kung gaano mo ako kamahal."   may pagngisi na saad nito na ikinakunot naman ng noo niya.

"A-ano?"

"What? I know you heard what I said. But I'll repeat it for you. Alam ko na kung gaano mo ako kamahal, hindi ka naman mag-aalala at magkakandarapang tumakbo rito kung hindi mo ako mahal."

"Ang yabang mo!"   asik niya na tinawanan lamang nito.

Nang matapos siya nitong asar-asarin ay niyaya siya nito na mag-stay muna sa dorm nito. Hindi na siya tumanggi dahil gusto niya rin naman na magpunta sa dorm nito. She didn't know but the atmosphere in his room was different to hers, all she knew was that she wanted to stay there while with Valerian. Ang isa pa niyang dahilan ay ang makasama ng mas matagal at nag-iisa ang kasintahan niya sa silid nito.

Deadly Saga 1; Super SensesWhere stories live. Discover now