CHAPTER 4

119 1 0
                                    

" Magaling Celestine, gamay na gamay mo na ang pinong pag galaw. Mala aristocratang pagkatao kung ikaw ay titingnan. Bawat kilos mo ay pino at napaka natural. Mahusay! Mahusay! Mukhang mas hihigitan mo pa ang ibang mga kasama mo dito sa bahay" papuri saakin ni Madam Tanya.

" Thank you so much! Tita, I was only this good because my mentor is amazing" papuri ni Gian sa kanyang tita kuno.

" Perfect Iha! Pefect! " minsan pang puri ng Donya sa kanya

Nakita niyang ang mga kasama niyang ibang kababaihan ay taas noo at ang iba'y naka irap. Hindi maitatanggi sa mga titig nila ang pag ka disgusto nila kay Celestine. Dahil mas higit itong maganda at bata at kung tutuusin ay fresh. Hindi na hirapan sa pag tuturo si Madam Tanya sa kanyang bagong alaga na si Gian o mas kilala na ngayon bilang Celestine, dahil ito ay likas na matalino, matiyaga at higit sa lahat ay madaling matuto. Sa pamamalagi ni Celestine sa halos tatlong linggo na sa mansyon ng donya ay ni isa sa kanilang mga kasamahan ay hindi pa niya nakikilala. Nakikita niya lamang ito ngunit hindi sila binibigyan ng tsyansa na makapag usap o maki pag kilala man lang. Sa Mansion ni Madam Tanya tradisyon na nito ang hindi pag papakilala sa kanyang mga bagong alaga sa mga nauna, sasanayin niya muna ito sa loob ng isang buwan o higit pa. At nang alam niyang handa na ang kanyang bagong alaga ay siya nang ipapakilala sa isang magarbong welcome party at yun na din ang unang gabe na magiging serbesyo nito sa pagbebenta ng laman at pagbibigay aliw. Mga mayayaman at mula sa iba iba lahi ang pumupunta sa Mansion De Luiz upang humanap ng babaeng maari nilang maisayaw sa init at pagkahayok sa laman.

" Siya sige iha, hindi ko na kailangan pa na turuan ka. Ikaw ang namukod tanging babaeng hindi ako nahirapan na hubugin. Celestine malaki at malayo ang mararating mo. Wag mong kakalimutan ang mga payo at turo ko sayo" saad ni Madam Tanya kay Celestine

"Yes, Tita! Hindi ko po kakalimutan ang lahat ng mga turo niyo" sagot ni Celestine sa kanya

"Very well! Sa susunod na linggo ay ipapakilala na kita sa aking mga kliyente. Isang magarbong pagsasalo salo ang magaganap at maraming panauhin ang dadalo. Ang bawat lalaking lalapit sayo ay siguraduhin mong maakit sa inyong karisma. Ang lalaking mag bibigay ng iyong halaga o mas higit pa ay ang siyang makaka kuha ng iyong hiyas. Makikilala mo na din ang mga kasama mo dito sa bahay sa oras na iyon. Gusto kong ikaw ang sentro ng selebrasyon. Ang aking bagong alaga Celestine Mercid" makahulugang saad nito sa kanya

Napa ngiti ang dalaga sa sinabi ng Donya. Siya ang magiging sentro ng selebrasyon, ngunit sa kabila noon ay andun din ang kaba at takot dahil alam niyang iyon na ang panahon para isuko niya ang kanyang puri kapalit ang limpak limpak na salapi. May pag aalinlangan man sa kanyang kalooban ay naiisip niya ang kanya Ina at bunsong kapatid at ang kanyang kagustuhang umangat sa laylayan ng kahirapan at maging isang mayaman.

" Hello bes, andito na si Nanay gusto ka raw maka usap. Pati si Buknoy ay nandito rin at gustong mangamusta" saad ni Marty sa kabilang linya sa telepono

"Hello Anak, musta kana jan? Maayos ba naman ang inyong trabaho? Maayos ba ang kalagayan mo jan?" pangangamusta at tuloy tuloy na tanong ng kanyang ina sa kanya.

May kung anong bagay na tumulo sa kanyang mga mata, hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya. Ganun nala mang ang kanyang pangungulila sa kanyang nanay at kapatid, ganun na din sa kanyang kaibigan na bago nilang kapamilya. Hindi sila mag kausap dahil nadin sa tutok sa pagsasanay si Madam Tanya sa kanya at ang bawat panahon nalang na meron siya ay para sa kanyang pag papahinga. Hindi niya naramdaman ang lungkot na ngayon ay lumulukob sa kanya dahil abala siya sa kanyang pag sasanay. Ngunit ng madinig niya ang boses ng kanyang inay at duon nalang at walang ano ano at pumatak ang kanyang mga luha.

"Miss na miss ko na po kayo inay, maging si buknoy at si Marty. At ayos lang po ako dito, maayos ang kalagayan ko. Pasenya na ho kayo at ngayon lang ako nakatawag, dahil nadin sa abalag abala ako sa pag tuturo ng aking amo sa trabahong aking gagawin. Ngayon tapos na akong mag sanay ay mayroon na akong oras para sainyo. Marinig ko lamang ang inyong mga boses ay ayos na saakin. Napawi nito ang pangungulila ko sainyo" madamdaming saad ni Celestine sa kanyang inay

" Maayos naman kami anak, inaalagaan kaming mabuti ni Marty. Miss na miss kana din namin dito anak. Kami ay nanabik na sa iyong pag babakasyon sa trabaho at pag balik dito. Kelan ka nga ba babalik anak?" tanong ng kanyang ina sa kanya

"Malapit na po Inay. Tatawag nalang po ako pag uuwi na ako" saad naman ni Celestine sa kanyang inay

"Oh siya nga pala ito si buknoy gusto daw mangamusta" sabi pa nang kanyang ina

" Ate, kelan ka po uuwi? Miss ko na po kayo. Tumutulong po ako palagi kina nanay at kay ate Marty sa karinderya" saad ng  bunsong kapatid ni Celestine

"Mabuti yan buknoy. Miss na miss ko na din kayo. Hayaan mo at pag umuwi ako ay dadalhan kita ng maraming pasalubong" pangakong binitiwan ni Celestine sa kanyang kapatid.

Hindi nila sinayang ang oras ng kanilang pag uusap, sinulit at siniguradong makakapag kwentuhan sila ng matagal. Dahil bakante na ang schedule ni Celestine ay siya ay nag papahinga nala lamang at inaantay nalang ang pag dating ng Linggo para sa selebrasyon na gaganapin kung saan siya ay tampok at sasabak sa una niyang serbesyo.

" Oh siya sige Anak. Palagi kang mag iingat at mag darasal jan. Andito lang kami at pinagdarasal ang kaligtasan mo" saad ng kanyang Inay

" Maraming salamat po Inay. Kayo din ho ay nag iingat jan. Alagaan niyo ho ang sarili niyo para pag uwi ko ay malusog at mas maganda kana" masayang tugon ni Celestine sa kabilang linya

" Babye po ate, mag iingat ka po jan" paalam ng kapatid niya

" Ikaw din dapat may mag iingat at mag papakabait palagi" bilin niya sa kapatid.

" Oh papaano bes, thank you sobra ha? Ikaw na muna ang bahala sa nanay at kapatid natin" saad niya sa kaibigang si Marty

" Huwag kang mag alala, aalagaan ko sila. Kayo na ang bago kong pamilya. Ikaw wag kang mag papaabuso jan, hindi porket ay yan ang trabaho natin ay aabusuhin na nila tayo." mahinang saad ni Marty para hindi madinig ng mag ina at tanging si Celestine nalang ang makakarinig sa kanya

"Alam ko bes, wag kang mag alala sakin. Kaya ko ang sarili ko. Saka nga pala ngayong darating na linggo ay ipapakilala na ako ni Tita Tanya sa kanyang mga kliyente. Asahan mong may ipapadala akong pera" sabi ni Celestine sa kaibigan

" Ano kaba, ipunin mo nalanh muna yan. Saka na pag umuwi kana mag dala ka nalang ng pasalubong" ani ni Marty

" Oh sya sige. Mag iingat kayo jan bes. Paalam!" ang pinal na tugon ni Celestine bago niya patayin ang tawag.

Sa mga oras na yun ay alam niyang sapat na ang lakas ng loob na nakuha niya mula sa pakikipag usap niya sa kanyang pamilya. Handa na niyang isuko ang kanyang puri para sa limpak limpak na salapi at kayamanan. Tuluyan na niyang tinanggap at nag palamon sa kagustuhang maging mayaman. Ang kanyang pagkababae ay ipagpapalit sa napakalaking halaga ng pera, na siyang bumulag sa kanyang pananaw sa buhay.

Enslaved by Sex and MoneyWhere stories live. Discover now