Chapter One - High School

946 28 1
                                    

ALEXANDRA'S POV

"Bilisan mo naman kumilos Alex." Sabi ni Shin habang nakahiga sa kama ko at inaantay na matapos ko ang nilalaro ko.

"Wait." Saad ko at pinause na ang laro. "Tara na?" Pag aaya ko dito at inilagay sa bag ang PSP ko.

"You are bringing your PSP?" Tanong niya sakin. "Yeah?" Sabi ko at isinabit sa leeg ko ang headphone ko at kumuha ng face mask sa drawer.

Naglagay ako ng clip sa dalawang gilid ng maiksing itim na buhok ko para hindi maharangan ang mukha ko habang nag aaral.

"Wait, are you sure you can go to school?" Tanong sakin ni Shin nang may pag aalalang boses. "Hmm, I think I am feeling good today." Sabi ko nalang kahit may konting kirot pa akong nararamdaman sa puso ko.

Kakalabas ko lang kasi ng ospital nung isang araw kaya naman medyo nag aalala sakin si Shin.

"You sure?" Tanong ulit niya kaya tumango nalang ako at kinuha ang bag ko at lumabas ng kwarto ko.

Lumabas na din si Shin ng kwarto ko ngunit tiningnan ko siya ng masama. "Close the door, dumbass." Sabi ko at inantay na isarado niya ang pinto bago tuluyang bumaba sa hagdanan.

"Take care of her, Shin." Bilin ni dad habang umiinom ng kape. "Yes tito Victor." Sabi ni Shin at nauna nang lumabas ng bahay.

"May dala ka bang gamot?" Nagaalalang tanong ni mommy. "Yes ma, don't worry." Sabi ko at ipinakita ang phone ko. "I'll call you naman if I cannot take the pain eh." Sabi ko at ngumiti sa kaniya.

Ngumiti naman pabalik sa akin si dad at hinawakan ang kamay ko. "Take care okay?" Sabi ni dad at agad naman akong tumango.

Natawa nalang ako habang pinagmamasdan silang alalang alala. "Mom don't worry it's not like it's my first time of school, I am already second year high school." Sabi ko at natawa.

"We're just too worried about your health anak." Sabi nito at sinamahan akong maglakad papalabas ng bahay.

"I'm fine mom." Sabi ko at tiningnan si Shin na nasa labas na. "Aalis na kami mom, I love you." Sabi ko at humalik sa pisngi ni mommy at kinalabit si Shin.

"You sure you want to walk? I have a car naman pwede naman mag kotse nalang tayo papasok." Sabi niya at nag aalalang tumingin sa akin.

"I need some fresh air, Shin." Sabi ko kaya wala na siyang nagawa at sinundan nalang ako. "Sabagay, halos ilang streets lang naman lalakadin natin and maaga pa naman." Sabi niya at sumabay sa akin maglakad.

Isinuot ko ang headphone ko habang naglalakad dahil ito naman na ang nakagawian ko. I'm not good at talking to other people so I don't have many friends, only Shin and Isabelle.

Pagkadating namin sa school ay hinila agad ako ni Isabelle papalayo kay Shin at dinala sa bulletin board.

"Huh? what is it?" Tanong ko habang siya ay abala sa paghanap ng kung ano sa board.

"Yes!" Sabi nito at hinawakan ang kamay ko. "Magkaklase tayo Xandra!" Masayang masaya nitong sabi at itinuro ang pangalan ko at pangalan niya.

"Class 2-B tayo, hanapin na natin room natin." Sabi nito kaya agad akong tumango at habang naglalakad ay nakasalubong namin si Shin.

"Anong class ka?" Tanong sakin ni Shin ngunit si Isabelle na ang sumagot. "Class 2-B and magkaklase kami!" Sabi nito kaya agad na natawa si Shin.

"You look so happy na magkaklase kayo." Sabi nito at tiningnan ako ngunit ibinalik ang tingin kay Isabelle. "Wag mong papabayaan yan." Bilin nito kay Isabelle at agad naman itong tumango.

Touched By LoveNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ