Chapter 2 : I Like Him

Magsimula sa umpisa
                                    

Hinila naman na nya ang suot kong damit para mapunta kami sa ibang kubo. Malayo sakanila.

"Ayoko nga kasi Third eh."maktol ko paden.

"No Shei."

"Beach naman ito aber. Alangan namang mag-pajama ako!"sabi ko pa sabay taas ng isa kong kilay sakanya.

"That would be wonderful."walang pakialam nyang tugon.

Dahil sa inis ko ay sinapok ko nga ang noo nya.

"Problema mo ba ha?"sigaw ko sakanya.

"Galit ka na nyan?"asar nya pa seryoso lang ang mukha nya.

Ack ang gwapo!

Napailing nalang ako sa sarili kong naiisip.

"Hayst, ayoko lang may tumingin sayong iba ng may pagnanasa. Syempre kaibigan kita, ayokong may mambastos sayo."seryoso nya pang sabi.

"Ehh kasi naman eh. Beach naman kasi eh!"sabi ko pa ulit.

I heard him sigh. "Okay basta tatabi ka sakin lagi."

"Yey!"I shouted and then I hugged him and kiss him on his cheeks.

I felt him stiffed by I didn't bother at all. Masaya nalang akong kumain kasama yung crushie ko hihi.

Tagal ko nang crush yan si Third. Kaso may iba syang crush nung bata sya at si Bea nga yon pero hayaan na, kung san sya masaya.

"Tapos ka na?"tanong nya.

"Ayoko na busog na ko."sabi ko pero di pa ubos ang pagkain ko sa plato.

Dami kasing nilagay eh.

"Ubusin mo yan tsk."sabi nya saka naglabas ng libro.

"Hala san galing yan?!"gulat na tanong ko.

"Secret."sabi nya at nagsimula nang magbasa.

Nagkibit balikat nalang ako at saka pinilit ubusan yung mga pagkaing nilagay nya sa plato ko.

"Crush mo pa ba si Bea?"tanong ko saka lumingon sakanya.

Para namang nagulat sya sa tanong ko saka sya tumikhim.

"No."sagot naman nya kaya naman bahagya akong natuwa.

"Ehe! May iba ka nang crush noh!"asar ko pa saka sya pabirong binunggo.

"Hindi den. I don't have a crush."sabi nya kaya mas lalo naman akong natuwa. "But I do love someone."

Parang binagsakan ng lupa yung langit ko. Ay wait baligtad pala.

Awts pain.

"Hala sino yan ah!"asar ko pa sakanya. "Di ka na nagsasabi--"

"Ikaw."

Nawala ang ngiti sa labi ko pero sa loob loob ko tuwang tuwa na ko. May party na nga eh.

"Huy baliw joke lang!"sabi nya pa saka pinitik ang noo ko.

"Aray naman."sakit sa heart non. "Maka-pitik naman toh sapakin kita dyan eh!"

"Hahaha! Seryoso mo kasi eh!"sabi pa nya saka tumayo.

Nilahad nya ulit ang kamay nya sakin na agad ko namang tinaggap para makatayo na din ako. Buti nalang at yari na ko kumain.

Tinapon namin ang paper plate namin sa may malapit na basurahan bago kami bumalik sa cottage namin.

Gangster Series I : That Feeling Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon