Chapter 31 : Complete

54 1 0
                                    

Sheika's POV...

May 14, Sunday

Nakalabas na ko kahapon galing ospital. Si Kuya Jaz naman ay nagstay sa hospital dahil sa mga malalalim na sugat na natamo nya.

Sabi ng doktor ay makakalabas na din naman na daw sya bukas at handa syang harapin kung ano man ang ipapataw sakanya.

"Yes I'm on my way."I said on the phone.

[Hurry. He's here.]Alex said.

Napatigil ako nanlaki ang mata. It's been days since our last meet up. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nagkita na kami ngayon.

Siguro--

Agad akong nawala sa pag-iisip ng kung ano ano nang makarinig ako ng busina galing sa likod ko. Green lights na pala. Nagmaneho na ulit ako at bumulong nang paumanhin sakanila.

Ilang minuto lang ay narating ko na ang HC(Havenly Café). Humuling sulyap pa ko sa sarili ko sa salamin ng sasakyan. Inayos ko pa ang cap, shades at mask ko para itago ang itsura ko.

Sa medyo malayo ako nagpark dahil ayokong makita ko ng ibang tao na nasa loob ako ng HC. Malilintikan na ko non.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin ang empty café. Nasa gilid may mga taong nakaupo at tahimik lang. Lumapit ako sakanila saka ako naupo sa bakanteng upuan, sa tabi ni Third.

"Good morning."bati ko sabay ngiti.

"Have you eaten breakfast yet?"Madam asked.

Tumango lang ako saka ngumiti. Parang gusto ko nalang lumubog sa inuupuan ko dahil ramdam ko ang tingin sakin ni Third.

"Okay now let's proceed to what we should discuss."

Nilabas ni Madam ang folders nya na sa tingin ko ay naglalaman ng folders.

"I know you two are still a prt of JMA, right?"Madam asked.

Alex and I nodded to her. Napatango din si Madam sabay balik ng tingin sa folders.

"I'm giving you once again a chance to--"

"Pardon Madam but I already decided. I want to stay here in the Philippines. Where my love ones are."I interrupted her.

Saglit syang natahimik at tumingin sakin wari ay sinusuri ako.

Ngumiti ako sakanya and just like that, pumipirma na ko ng kontrata as well as Alex.

Mabilis na natapos ang meeting namin dahil nagkaron ng emergency sa studio kaya kailangan nang umalis ni Madam.

"Hatid na kita."

Napalingon ako sa dalawang lalaki nang sabay silang magsalita.

"May dala akong kotse."sabi ko sabay nginitian silang dalawa.

Tumalikod na ko pero bakit ganon? Ramdam ko ang tensyon sakanilang dalawa.

Naglalakad na ko palabas ng café nang biglang mag-ring ang cellphone ko at cellphone ni Third, sabay pa!

Mabilis ko iyong sinagot nang makitang si Lorin ang tumatawag.

[Ate mall daw tayo ngayon!]sigaw nya agad.

Bahagya ko pang nailayo ang phone sa tenga ko sa lakas non. Naririnig ko pa ang ingay nila sa kabila. I think kumpleto sila.

"Bat biglaan?"tanong ko pa.

[Wag ka nang umangal dyan beh! Planado na toh lahat!]boses ni Cheska.

[Bonak ka pumayag ka na!]sigaw pa ni Crisley.

Gangster Series I : That Feeling Called LoveDär berättelser lever. Upptäck nu