Weakness

48 4 0
                                    

Superman and Kryptonite.
Flash and Running too fast.
And so much more.

Bawat malakas na taong makikita mo, may mga weakness sila. One is only as strong as its weakest point.

Yung mga taong nakikita mong palaging masaya, hindi mo alam malungkot pala. They tend to show the opposite of what they feel so that they won't affect the others around him.

As I am writing this, kakagaling ko lang sa iyak and is still recovering from that moment.

Weakness ko ang ma-homesick, masyado akong nasanay na kasama ang family ko na I easily break with just a mention of home.

Nagmessage ako sa nanay ko sa grade na nakuha ko sa major subject namin, may kailangan kasi akong i-attain na grade para hindi bumagsak, and there is that doubt (another weakness ko) na I might not make it kasi suntok sa buwan.

Tinawagan ako ng nanay ko, sinabihan niya akong naniniwala siya sa akin which only made me cry more. Ayokong mabali ang tiwala niya sa akin.

"I, alam kong kakayanin mo yan. Hindi lang sa quizzes and exams mo, pati sa buhay mo in the long run."

Kaya eto, kahit na suntok sa buwan, kakayanin.

Ayos lang yan, lilipas din yan.

Ayos lang yan!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon