Glairis Janaica's POV
Tulad ng dati, mabilis na namang lumipas ang mga araw. But this time, there's something new. Mas naging close kami ni Kervin. Grabe! Ang saya lang sa feeling sa di malamang dahilan.
Kevin: Gusto mo samahan kita sa ospital?
Me: Bakit? Wala naman akong sakit ah.
Kervin: Ipacheck-up mo na yung mata mo. Hahaha Baka kasi next time kung ano na namang katangahan ang gagawin mo. Hahaha :P
Me: Wow ha! Hoy hindi ko naman sinasadyang matisod no. Atsaka kasalanan mo yun.
Kervin: Oh ba't dinamay mo pa ako? Haha
Me: Wala. Never mind. :3
Kervin: Ano? Don't tell me you were being mesmerized by my handsome face. Hahaha
Me: Mesmerized in your wildest dreams no! Kapal neto. Ikaw yata ang kailangan ng magpacheck-up. Baka mamaya lumilipad ka na dahil sa kahanginan mo. :P
Kervin: Hindi no. Aminin mo na kasing nagwapuhan ka sa akin kaya ayun, hindi mo napigilan ang sarili mong mapatingin sa akin kaya ka natisod. Hahaha
Nagkulitan lang kami ng nagkulitan hanggang sa tinawag ako ni mama para mag-shopping. Hay naku! Stressed na naman siguro si mama kaya niya naisipang magpasama sa mall.
Habang nasa mall kami, iniisip ko kung ano na bang ginagawa ni Kervin. Siguro kumakain na naman yun o kaya naman natutulog. Palibhasa walang ginagawa sa bahay nila. Hindi naman kasi siya ang nag-aalaga sa kapatid niya tulad ng kwento niya sa akin.
"Oh ano na namang iniisip mo diyan?" Tanong ni mama habang nagtitingin ng mga kung ano-anong cosmetics.
"Iniisip ko lang kung paano ba ako gaganda" Sabi ko naman which is somehow true. Tapos sakto pang nasa tapat kami ng mga cosmetics.
"Every girl is beautiful but our beauty has its different levels nak" Sabi ni mama habang tinetest yung lipstick.
"Anong level naman tong beauty ko ma?" Tanong ko sa kany habang nakatingin doon sa poster ng model ng isang cosmetic brand. Tuwang-tuwa na siguro ako pag nagkataon na kasing ganda ko siya.
"0.01" Mabilis na sagot ni mama. Di man lang nag-alinlangan.
"Ma naman e. Yung seryoso?" Tanong ko ulit sa kanya sabay titig na masama. Buti na nga lang at hindi pa matanda mag-isip tong si mama.
"0.02..?" Hindi sure na sagot ni mama. Hay naku! Guys, siya ba talaga ang mama ko? Ba't ang sama niya sa akin?
Hinayaan ko nalang siya na magtingin ng nga cosmetics. Bakit ba kasi hindi pa uso tong mukha ko? Nakakainggit naman kasi sila Stephanie at Isha. Buti pa sila, may mga nagkakagusto sa kanila. Ako siguro ang pinakapanget sa aming magkakaibigan kasi hanggang ngayon, wala paring dumarating na lalake sa buhay ko. Hindi gaya nung mga kaibigan ko na everyday na may nanliligaw sa kanila.
Pagkadating na pagkadating namin sa bahay, agad-agad akong nag-log in para tignan kung naka-online din ba si Kervin. Alam niyo yung feeling na bigla ka nalang maadik na ichat yung isang tao? Yung tipong kahit wala na kayong mapag-usapan, gustong-gusto mo parin siyang kachat. Ganun kasi yung nararamdanan ko ngayon.
Kervin: Oh nakauwi na ba kayo?
OMG! OL nga siya. Susulitin ko na 'to. ^_^
Me: Yep. Kakauwi lang namin actually.
Kervin: Nag-dinner ka na ba?
Me: Oo. Nag-dinner date kami ni mama kanina after naming mag-shopping e.
Kervin: That's good :)
Me: Ikaw, kumain ka na ba?
Kervin: Oo. Nakikain ako kila Patricia. Masarap kasi yung ulam nila kanina. Hahaha
Me: Rated SPG! Hahaha Ano bang inulam niyo?
Kervin: Chicken curry lang naman na paborito ko. Hahaha
Me: Ang takaw mo!
Kervin: Hindi naman masyado. Ay may knock knock pala ako. Knock knock.
Me: Who's there?
Kervin: Pritong sawa, pritong mani, sinigang, kare-kare
Me: Pritong sawa, pritong mani, sinigang, kare-kare who?
Kervin: Pritong sawa! Pritong mani! Sinigang! Kare-kare! Hallelu-Hallelujah
Me: Boom Waley! Hahaha Ako naman. Knock knock
Kervin: Who's there?
Me: Who
Kervin: Who who?
Me: Oh. Ba't ka sad?
Kervin: Antok lang yan. Itulog mo nalang yan. Hahaha
Me: Heh! Mas waley naman yung sayo. Hahahaha
Halos ganyan ang routine namin kapag mag-chachat kami. Minsan naman kung saan saan na napupunta yung usapan namin.
Kervin: Anong mas nauna, itlog o manok?
Me: Kung ibabase sa Bible, manok pero kung Scientific basis naman, itlog. Tama ba?
Kervin: Aba malay ko. Kaya nga ako nagtatanong e. Hahahaha
Me: Arg! Bwisit ka Kervin!
Minsan pa nga bigla nalang napunta yung usapan namin sa patalastas ng bear brand. Nagtatalo kami kung gatas na choco ba o choco na gatas. O ikaw, ano sa tingin mo? Diba gatas na choco?
Ilang weeks din ang lumipas pero ganun parin kami kaclose sa isa't-isa kaya naman kapag pumupunta kami kila Isha, comfortable na ako sa kanya kahit na kami lang dalawa ang magkasama, lalo na nung pinabili nila kami ng meryenda. Hindi naman dapat ako ang kasama niya para bumili kaso dare nila yun kasi late na naman ako ng 3 minutes. :3
Masaya naman siyang kasama kasi medyo madaldal siya tapos kakaiba din yung mga trip niya. Pero nakakagulat siya kasi isang araw, bigla bigla nalang siyang hindi nag-message hanggang sa umabot na to ng 1 week. Impossible naman na busy siya kasi sabi nila Venice at Steph, nakakatext naman daw nila siya. Ano kayang nagawa ko sa lalakeng yun at bigla nalang hindi nagparamdam?
Alam niyo yung feeling ng nasanay ka na sa isang bagay tapos isang araw, poof! Bigla nalang magbabago lahat. Yung tipong close kayo ngayon tapos bukas bigla nalang hindi magpaparamdam yung isa sa inyo, and worse, umabot pa yun ng isang linggo. Naeewan na ako dito kakaisip kung ano bang nagawa ko o nasabi ko.
YOU ARE READING
It ended where it started
RandomThe most memorable moment happens at the most unexpected place at the most unexpected time with the most unexpected person and with the unknown reason.
